•Dhara
Matapos ang birthday ko ay akala ko tuloy tuloy na ang saya'ng nararamdaman ko pero hindi, dahil kung masaya man kami sa labas ng paaralan, ay para naman kaming papatayin sa stress sa pag aaral. Kelangan muna naming ipasa ang mga projects na requirement para sa pagkuha ng Pre-Test Examination kaya pressured na pressured ako.
Mabuti na nga lang at naayos naman namin kaagad ang para sa PE namin kaya hindi na kami halos mamomroblema sa iba pa, kaya ay ngayon namang last subject nalang ang hinihintay namin para sa 2nd day ng examination, hindi kami nai-istress.
Nandito kami sa garden ng paaralan, kahit maraming mga bata dahil malapit ang garden sa elementary department, hindi parin ako nasasawa o nagagalit dahil sa nakikita, in fact masaya pa nga ako sa tuwing nakakakita ako ng mga bata'ng mas malapit ang loob sa ibang bagay kesa sa pagiging addict sa gadgets.
"Ah! Ayaw ko na! Tangina, Pre-Test na Pre-Test naiiyak na'ko sa sobrang hirap, how much more yung totoo na?" Napabalik ako sa sarili nung marinig ang pagrereklamo ni Belle kaya napabalik ang diwa ko.
"Kaya nga tayo nandito para makapagpahinga kahit kalahating oras lang diba? Tapos ipe-pressure mo lang yung sarili mo d'yan, tama na kasi muna yan Belle." Sabi ni Amber kaya napabuntong hininga nalang si Belle.
Eto talaga ang weakness ng buong NVIS students.
"Anong meron kanila Duke, Seven at Nixon?" Out of the blue'ng tanong ni Denise kaya napatingin kami sa kanya.
Si Belle naman parang natauhan at bigla ring nagseryoso, lahat sila nakatingin sa'kin, maging si Raven kaya kahit hindi ko alam kung bakit, biglang nairita ako.
"Bakit kayo sa'kin nakatingin, kasama din naman si Duke ah?"
"Hindi naman ni Denise sinabi'ng hindi siya kasama, oo nga kasama siya, ang kaso, etong boyfriend mo ang mahahalatang may issue kay Seven at sa malapit ng maging boyfriend ng iba d'yan." Sagit ni Belle kaya napabuntong hininga ako.
"I'm sorry... pero wala akong alam, ngayon ko lang din'g nasaksihan na--"
"They were best friends... before." Sabi ni Raven kaya sa kanya naman naibaling ang aming atenyon, ano?
"Ba't dati lang? Anong nangyari?" Tanong ni Belle kaya napabuntong hininga si Raven.
"Ewan. Ayaw na rin ni Duke buksan ang topic na 'yan kaya hinayaan ko nalang, pero susubukan ko." Sagot biya kaya napailing si Denise.
"I think hindi na naman natin kelangan'g malaman kung ano'ng dahilan, I already have some conclusions in my mind, but hindi nga lang ako sigurado, but these are also based on my observation." Sabi ni Denise kaya sa kanya na naman napunta ang mga mata at isip namin.
"Obviously... because of a girl. Specifically... Nixon's ex-girlfriend." Sabi niya at lahat sila sabay na napatingin sa'kin.
Eto na naman yung pakiramdam na pinaka ayaw ko sa lahat, para na naman akong tinitira ng mga matutulis na bagay ng paulit ulit at nakakaramdam ako ng sobrang bigat at sakit, gusto kong pag usapan na ang lahat lahat tungkol kay Nixon... wag lang ang ito.
Napakasakit. Sobra sobra, hindi ko alam kung bakit ganito nalang kalubha ang sakit ang nararamdaman ko sa tuwing iuungkat o pag usapan man ang nakaraan ni Nixon sa ex niya, lagi akong nangangamba.
Na baka sa pagbalik niya sa buhay ni Nixon ay unti unti akong iwanan ni Nixon.
"What do you know?" Inosenteng tanong ni Raven kaya ay napapikit ako at bumuga ng hangin.
"Ang tangin'g alam ko lamang ay ang mga pinagdaanan ni Nixon sa... sa ex n-niya... pero wala akong nalaman'g info tungkol sa babae..." sinabi ko naman ang totoo kaya napailing na lamang si Denise.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...