-Gwapong Lalaki-
"And advance reading for the next topic. Okay, goodbye class." Agad kaming nagsitayuan para magpaalam narin sa teacher namin.
"Haaay! Ka stress tong matematiks nato ha! Kakasimula palang, sakit na sa ulo." Rinig kong sabi ni Raven kaibigan kong nag iisa, sa ngayon.
Trinity Raven Parker.
"Hoy paturo naman ako sayo mamaya." Sabi niya sakin at tinanguan ko naman siya.
"Alangan sa teacher ka magpapaturo eh takit ka dun." Tinampal niya ako kaya napatawa ako.
"Tara canteen." Pag aaya ko sa kanya, etong canteen talaga ang tambayan namin lagi eh. Kahit walang binibili dito kami laging makikita.
"Balita ko kanina, habang naglalakad ako sa hallway ng faculty room, may transferee daw." Sabi niya sakin at tumayo.
"San ka na naman pupunta?" Irita kong tanong ko sa kanya.
"Sa langit. Abah malamang bibili, hello? Oras ng pagkain ngayon." Pambabara niya sakin at iniwan ako.
Abat ang galing niya, nang iiwan siya. Walang hiya! Pumunta siya may burger-an at nagpaluto. Pagkabigay sa kanya ay agad siyang bumalik sa harap ko at sarap na sarap sa kinakain niya. Mabulunan ka sana.
"Ang yaman yaman, napaka kuripot." Sabi ko na ikinalaki ng mata niya.
"Shatap!" Sagot niya kaya napatawa ako.
"Affected ka? Affected?" Natatawa kong tanong sa kanya. Kumain lang siya hanggang sa matapos siya.
"Nga pala, lapit na birthday mo ah? Anong plano?" Tanong niya sakin habang sa iba naglalakabay ang mga mata.
"Ewan. Di na ako siguro magbi-birthday hahaha!" Sabi ko at tumawa. Tiningan niya lang ako ng blanko at tumango.
"Sana biyayaan kana ng bebe." Sabi niya at ngumisi, napaka demonyo.
"Sus! Hindi ko kaylangan yan." Tango tango siyang sumagot sakin at may sinipat sa phone niya. Nangunot ang noo niya kaya nagtaka ako.
"Hoy! Anong problema?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at tinago ang phone niya.
"Hoy? Anuna?" Inismiran niya ako tapos tumawa. Umiling lang siya at tumingin ulit sa labas ng faculty room.
"Ano bang ginagawa mo't kanina kapa dyan nakatingin?" Pinatahimik niya ako at tiningnan ng masama.
"Manahimik ka ah? Binabantayan ko kung sino daw ba yung transferee na yun." Sabi niya at pinanlakihan ako ng mata. Natawa ako sa reaction niya.
"Ayan, nangagaliwa ka, baka gusto mo isumbong kita kay Caleb mo?" Tinarayan niya ako at bigla siyang umaktong nalungkot.
Si Caleb Duke Clark, ay crush niya, matagal na. Pero hindi alam ni Caleb, close naman sila kaya ayun asang asa naman tong isa. Ewan kolang kung bakit ganyan ang mga reaction niya.
"Wag mong babanggitin ang pangalan niyan, nasasaktan ako." Mahinang sabi nuya pero seryoso. Tapos bigla nalang siyang ngumit.
Natatakot nako dito sa kaibigan ko. Eehhh. Hehe charot lang. Lab ko yan.
"Bat dika na kasi umamin?" Pamimilit ko sa kanya. Matagal na rin kasi simula nung nagka crush siya kay Caleb, malay naman natin may chance na maging sila diba?
Ang galing ko talaga!
"Ang daling sabihin pero mahirap gawin. Alam mo naman nowadays, pag umamin ka, matik na iiwasan ka." May pailing iling pa siya.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...