•Dhara
"Hey." Sabi ni Seven nung nakarating na siya sa pwesto namin pero sa'kin lang nakatingin. Nawindang naman ako kaya ay inagaw ko ang pamaypay na hawak ni Nixon at ako na ang nagluto ng barbeque.
"Yo." Tanging sagot lang ni Nixon at naghari na ang katahimikan sa pagitan naming tatlo, napaka awkward sa pakiramdam kahit hindi ko naman alam kung bakit.
Parang may something kasi kay Nixon at Seven, something na mali. Hindi ko alam kung ano yun, gusto ko mang itanong ang bagay na ito kay Nixon ay hindi ko magawa, natatakot akong may masabing hindi niya magustuhan, kaya kahit na kating kati na ako, nanahimik lang ako.
"How have you been Slate?"
"I'm so much fine Seven, not until I see you and Duke." Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Nixon dahil sa kanyang pagbanggit sa pangalan ni Duke? Ano ba talagang meron sa kanila?
Napatingin naman ako kay Seven at nakikita kong naasar na siya. Nakangisi lang ito dahilan para lumusot ang kanyang mga dimples na nakaka inggit.
"Threaten? How about to that other girl? The girl you--"
"Shut up!" Napaatras ako sa sobrang taas na boses ni Nixon. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit. Hindi ko mababasa ang nasa isip niya, pero alam na alam kong galit siya sa mga oras na ito.
Hindi ko na maintindihan!
Dahil sa pagsigaw ni Nixon ay napunta sa'min ang atensyon at lahat ng mga kaibigan namin ay nagsilapit, sila Raven at Duke ang huling dumating na bitbit bitbit pa ang Iced Tea na ginawa nila at Milk Tea.
"Easy Slate..." nakangisi pang sabi ni Seven na tila ba nagugustuhan ang nakikita at mas lalo pang ginagalit at inaasar si Nixon, at dahil sa naisip ko ay parang kumulo ang dugo ko kay Seven.
"What happened?" Inosenteng tanong ni Duke at pinabalik balik ang tingin kay Nixon at Seven.
"Isa ka pa! Stop acting like you don't know what's going on!" Sigaw ni Nixon kay Duke kaya ay napablanko ang mukha ni Duke.
"Oh come on Slate! That was before. That was all along in the past! So grow up!" sigaw ni Seven at tinulak pa si Nixon agad naalarma ang buong kaibigan namin at kaagad ding pinigilan nila Achi at Theo si Seven.
Inilapag ni Raven ang bitbit nila ni Duke at pumunta sa harap ni Duke, alam ko kung bakit niya ginawa iyon, para hindi na makigulo pa si Duke, just in case, pero malabong hindi siya masasama dahil galit din sa kanya si Nixon.
"Kahit na!" Sigaw din ni Seven kaya nakisingit na ako, this is my party, not theirs!
"Enough! Pwede ba--" agad naman akong naputol sa dapat kong sasabihin dahil pinagilid ako ni Seven at nasagi ko ang pinag iihawan kaya napatingin sa'kin si Raven. May sinabi siya kay Amber at nagulat nalang ako ng bigla lamang akong hinila ni Denise papunta sa side nila Duke.
"Kahit na?" Namamanghang tanong si Nixon at akmang susugurin si Seven pero kaagad na humarang si Raven sa pagitan nila dahilan para mapatigil sa pagsugod si Nixon.
Nakatingin lamang si Nixon kay Raven, at sa paraang pagtitig niya ay para akong dinudurog ng paunti unti, masakit... hindi ko nagugustuhan, para akong tinatamaan ng mga matutulis na bagay.
"Please Nixon... s-stop whatever is your issue with them... it's your girlfriend's day." Malumanay at kalmado lamang ang pagkaasabi ni Raven at para namang amo ni Nixon si Raven dahil bigla itong kumalma.
"Trinity..."
"Rave..."
Sabay na sabi nila Nixon at parang bulong na lamang sa pandinig ko ang pagtawag ni Duke sa pangalan ni Raven, nagulat kaming lahat ng hinawakan ni Raven ang dalawang kamay ni Nixon, narinig ko rin ang mahinang pagsinghap ni Nixon na mas lalong nagpapasikip sa dibdib ko.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...