•Dhara
Makalipas ang acquaintance party namin ay bumalik na sa normal ang lahat, yung pasok namin, kaming magka kaibigan, at yung mga taong nakapaligid sa'min.
Kakatapos lang namin sa aming class recitation at ang susunod naman ay on the spot reporting, bibigyan ka kasi ng topic on the spot tungkol sa pinag aralan kahapon tapos magre report ka sa natutunan at nalaman mo.
Nabaling ang atensyon ko kay Raven kaya naman ay nakaramdam na naman ulit ako ng lungkot, bihira ko nalang kasi siya makitang ngumiti. Kung ngingiti man siya, yun ay pilit lamang o plastik.
Hindi ko maaninag o malaman ang dahilan kung ba't bigla siyang naging ganyan, natanong ko na rin kay Caleb kung may alam ba siya pero hindi niya ako sinasagot. Malamang sa malamang, may alam talaga to.
Mga selfish.
"Hoy? Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa'kin, ano kayang nasa isip nito? Ang hirap niya na kasing basahin eh.
"Bakit? Anong problema sa'kin?"
"Ikaw? Anong problema mo? Mag share la naman d'yan para naman atleast mabawasan yung bigat na nararamdaman mo, malay mo makatulong pa'ko or kami sa'yo diba?"
"Problema ko to. Akin lang." Sagot niya at nagdire diretsong tumayo at pumila para kumuha ng pagkain niya.
"Hayaan mo muna siyan magsolo, lalapit din yan." Biglaang sabi ni Denise kaya napailing ako.
"Hindi ganyan si Raven Denise, hindi siya yung taong nago-open ng problema sa kahit na sinong tao maging sino paman yan, maging kaibigan o pamilya, saka niya lang ipapaalam sa'yo yung problema niya kapag nasulosyunan niya na iyon, at kung mamalasin ka pa, hindi lahat na detalye ang ipapaalam niya sa'yo." Sabi ko at nag kibit balikat.
"Pano'ng ganoon siya katibay at kalakas? Bat siya ganyan?"
"That's her. Trinity Raven Parker." Sagot ko lamang at pinanood si Raven na pabalik sa lamesa namin.
Diretso na sana ang lakad niya papuntasa pwesto namin ng bigla siyang hinarangan ng mga bully sa school, wag lang silang magkamali kay Raven at baka hindi nila magustuhan ang igaganti sa kanila ni Raven.
Si Eziah Raye Lazaro, o mas kilala bilang si Ezra.
Yuri Cathleen Kim.
Erkija Gayle Sullivan.
"Gals, nakakita na ako ng pwedeng gawing kasiyahan." Maarteng sabi ni Gayle at linapitan si Raven.
Pft, HAHAHAHAHAHA!
Gusto ko sanang bumulaslas sa tawa kasi etong si Gayle ang tapang tapang at ang angas ng dating pero kapag linapitan na si Raven ang liit niya lang tingnan, pano ba naman kasi napaka pandak. Isanh balibag lang sa kanya ni Raven abot na sa mars yan. Dejoke lang hehe.
"Trinity. Raven. Parker. You're our target for the whole month, tutal, mabait ka naman diba? Ngayon... tingnan natin kung hanggang saan aabot yang kabaitan mo."
Unti unti na ring napupuno ng mga tsismoso't tsismosa yung paligid kaya lumapit kami ni Denise ng konti para marinig at makita namin sila. Nakakainsulto yung reaction ni Raven kasi blanko lanh siyang nakatingin kay Gayle.
HAHAHAHA! Tangina naman eh, hindi ko talaga maiwasang matawa sa height difference nila. Hehehe.
"Ha? Sige lang." Sahot lang ni Raven at tinalikuran si Gayle kaso yung dalawa pang kaibigan ni Gayle ay akala mo parang robot.
Bigla nalang nilang hinarangan si Raven kaya hindi ito naka diretso ng paglakad kaya naman ay kahit hindi ko man narinig, alam kong napabuntong hininga siya dahil sa pag angat at baba ng braso niya at ang pagkabored niya ay makikita sa mukha niya.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...