Chapter 28.2

22 0 0
                                    

•Dhara

"Ang boring din naman pala kahit dito sa inyo."

"Syempre dumating kayo eh, imbis na para lang sami'ng mga babae to, nakisali pa kayo. Ano kayo bakla? Tch." Napatawa kami sa pambabara ni Denise kay Duke kaya umingay na rin sa wakas ang pool area.

"Tch, hindi ako bakla noh! Halikan ko pa sa harap niyo si Raven eh." Sabi niya kaya napaangat ng tingin ang nasa tabi ko na si Raven at diretsong nakatingin
ng masama kay Duke.

"Nanahimik ako dito ah, tapos idadamay mo ko sa kabaklaan mo?" Natawa na naman kami kaya ay napakunot ang noo ni Duke at iniwas ang paningin kay Raven.

Opps, something is wrong here

"Kanina pa kayo malayo sa isa't isa ah, LQ kayo?" Tanong ni Seven at ininom ang alak na hawak nito at tumingin sa langit.

"Walang kami/Hindi ah." Sabay nilang sagot at nagsi iwas ng tingin.

"Oo nga, wala nga talaga kayong problema sa isa't isa." Sabi ni Belle at yumuko.

"Guys..." Napatingin kami sa isang babae na nakasandal kay Theo, may tama na yata ang isang to kaso namumula na ang mukha niya at ang mata, "...laro tayo..." Saad ni Amber at umayos ng upo, kinuha niya ang boteng walang laman at inilagay sa gitna namin.

"Pabilog kayo dali..." Sabi nito at ngumisi, "...ganito ang laro, alam kong marunong naman na kayo sa spin the bottle, pero this time, gawan na natin ng twist."

"So ganito, of course ipapaikot itong bote, tapos kung kanino tatapat ang ulo siya ang taya, at ang matutukan naman ng pwet ng bote ay siyang mag uutos o magtatanong," nasan ang twist don? "...at syempre ang nagsisinungaling o kaya ang hindi makagawa ng consequences, ang parusa ay... Maglalabas tayo ng isang sikreto ng taong  tayo, guys walang bawal dito at walang kj ah." Agad akong kinain ng kaba

"Start na tayo." Excited na sabi ni Amber at pinaikot ang bote, tumapat ang ulo kay Theo at naka'y Denise ang pwet.

"Truth or Dare?" Panimula ni Denise at kinuha ang bote at pinatayo.

"Truth." Ngumisi ito at inayos ang sarili.

"May mahal ka ba sa mga taong nandito sa bilog ngayon?" Namilog ang mata ko sa tanong ni Denise kaya kaagad akong napatingin kay Belle na nakayuko lang. Kapansin pansin nga rin ang pagiging tahimik niya.

"Ako? Wala." Sagot nito kaya napaarko ang kilay ko at tumingin kay Belle, nakayuko parin ito at nilalaro ang kamay.

"Come on! Tell us the truth." Sigaw ni Amber at tinulak pa ang pinsan niya, gusto ko mang matawa dahil sa pagkatumba ni Theo ay hindi ko magawa gawa.

"Kakasabi ko lang ng katotohanan." Napatigil ako at tumingin sa mga lalaking nandito na kasama namin ngayon.

"Guys! Yung secret ni Theodore ay--"

"So it's mean meron ka nga talagang mahal dito? Okay, pakipot ka pa." Sabi ni Denise at ipinagulong ang bote papunta kay Theo.

"Nah, ako? Wala ah." Cool na sabi ni Theo at ngumisi pa, nakakairita.

"Eh ano yung sinasabi nitong si Achilles na sikreto mo?" Ako na ang sumagot at naramdaman ko rin kaagad ang  kamay ni Nixon na hinawakan ang kamay ko.

"I'm not done yet. Theo's love here is... Denise! Hahaha!" Natawa ako ng bahagya pero kaagad ding napawi nung narealize ang sinabi ni Achi, nagbibiro lang siya... So toto nga'ng wala talang mahal si Theo sa amim... Hindi din si Belle.

"Eh bakit mo pa liligawan si Belle kung--"

"Okay! Next one." Agad na naputol ang dapat itatanong ni Raven nang bigla nalang sumigaw si Theo at kaagad na pinaikot ang bote, sa kasamaang palad ay sa akin tumama ang pwet at kay Duke nakaharap ang ulo. Napalunok ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now