Chapter 8

12 7 0
                                    

-Paranoid-

"Hindi ba papasok ngayon sila Amber at Raven?" Taka kong tanong pagkapasok ko ng room.

Na late na nga ako ng dating tapos wala pa sila dito? Seryoso, anong nangyari sa dalawang yun? Last week pa kaming huling nagkita at nag aalala na ako sa kanilang dalawa. Sinubukan ko silang tawagan pero pinapatayan nila ako.

"Hindi namin alam eh." Sabi ni Denise kaya napatango lang ako. Nagpasabay na ako sa driver namin sa paghatid ngayon dahil wala nga si Raven.

Nakooo! Pag may nangyari talaga sa kanilang hindi maganda, malalagot pa sila sa'kin. Nilibot ko ang paningin sa room at mukhang matatahimik kami ngayong araw kasi wala dito yung mga pasaway na lalaki.

Ang president nalang namin na si Dion ang natitira at yung ibang good boys. Sinuri ko ng mabuti si Denise at tsaka ko lang napansin ang namamaga niyang braso, pahiga ito na mahaba pero maliit lang kaya hindi masyadong napapansin.

"Anong nangyari dyan?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin naman siya sa tinuturo ko.

"Ah ito ba? Wala yan, wag mong pansinin." Sabi niya lang at tumayo at pumunta malapit sa may aircon at binuksan iyon.

"Belle? Diba walking distance lang ang bahay niyo kay Amber? Nagkita ba kayo ngayong weekend?" Tanong ko kay Belle habang kinukuha ang gamit para sa English.

"Hindi. Nag out of town kami this week kaya ganun." Sabi niya at hindi na ako tiningnan. Seryoso bakit feeling ko iniiwasan ako ng mga tao ngayon?

Wala na nga akong Raven, pati ba naman tong natitirang kaibigan ko hindi pa ako kakausapin? Well, baka oa lang kasi talaga ako. Masyado lang kasi talaga akong nago-overthink kaya ganun.

"Ahh ganun ba? Wala kasi akong nakalap na balita kila Raven lately." Sabi ko at naupo sa upuan ko.

"Kami nga rin eh, ano kayang nangyari sa dalawang yun noh?" Napakibit balikat nalang ako at pinalawak pa ang pagi-imagine.

Inaalala ko kasi kung anong susunod na mangyayari sa wattpad story na binasa ko kagabi. Hinayaan kong maglakbay ang utak ko hanggang sa hindi ko na namalayan na lunch break na pala.

"Pst? Ano tara? Wala daw pasok mamayang hapon." Excited na sabi ni Belle. Huh? Walang pasok? Bakit?

"Oh hindi mo alam noh? Hindi ka kasi nakikinig kaya ganyan." Sabi ni Denise at pinitik ako. 

"Sorry na. Pero bakit wala daw na pasok?" Nagtataka kong tanong at isinauli ang gamit ko sa locker.

"May meeting lahat ng teachers. Para daw yata sa acquaintance party na mangyayari."

"Oh? For sure? Kelan gaganapin yun?" Bigla tuloy akong na excite kaya nagtatalon talon ako.

"Hoy kumalma ka nga!" Sita sakin ni Denise at sabay kaming lumabas ng room.

"So san na  tayo ngayon pupunta?" Takang tanong ko at nagsunod sunoran lang sa kanila. Napahagikhik silang dalawa kaya agad akong naka sense ng masamang balak.

"Hoy! Hoy! Ano na naman yang mga nasa utak ninyo?" Sita ko sa kanila at pilit na inusisa sila.

"Ganito kasi yun, may restau kami, dun nalang muna tayo tumambay, tapos malapit lang yun sa mall, kapag ma bored naman tayo sa restau, abah lipat kaagad sa mall." Sabi ni Belle at kumindat sa kin.

Nakaka curios naman yun, maski si Denise ay parang hindi sang ayon sa naging desisyon ni Belle. Ano bang meron sa restau nila? Oh baka naman kasi si Denise ang ayaw dun kaya siya ganun mag react?

Pero, bahala na. Gusto ko munang makalimutan ang problema ko kay Raven. Kahit sa totoo lang nagtatampo na talaga ako. Parang hindi na kasi siya yung Raven na kilala ko.

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now