Johann Mikael Morphiosa-1

13 1 0
                                    


Relasyon o kaibigan?

Ano ba ang mas worth it? Saan ba tayo mas magiging masaya?

Mahal kita pero hindi ako handang isakripisyo ang pagkakaibigan natin nang dahil lang doon.

Paano kung magkamali tayo? Hindi magwork-out?

Hindi ko kayang mawala ang pagkakaibigan natin nang dahil lang sumugal tayo sa bagay na hindi naman natin kayang panindigan.

Johann, mahal kita pero...


"Natutulala ka na naman diyan." tinaas ko ang mukha ko at nakita kang nakatingin sa akin.

Magulo na naman ang buhok mo. Medyo kulot ang dulo. Medyo bilog ang mga mata mo at nakangiti ka.

"At nanggugulat ka na naman!" hinampas ko ang braso mo nang tumabi ka sa akin.

Imbes na magalit, tumawa ka pa.

"Grabe ang sakit no'n, ah pero ayos lang mahal naman kita." napalaki ang mata ko nang narinig ang sinabi mo.

"Siraulo ka!" tumingin ako sa paligid. Mabuti na 'yung sigurado.

"Paano kung may nakarinig sa'yo tapos sabihin kay Marga?" bulong ko.

"ILYAAF." hinampas muli kita nang marinig ko 'yan mula sa'yo.

Gusto mo talagang asarin ako niyan eh noh? ILYAAF? I Love You As A Friend.


"Ulol! Bahala ka na nga diyan sa buhay mo!" tumayo ako, kinuha ang bag ko, at iniwan ka doon.

"Mika!" narinig ko ang boses mo na mukhang hinahabol ako.

Napangiti ako. Ewan ko ba pero gustong-gusto ko na hinahabol mo ako.

"Saan ka pupunta? Aalis ka na agad?" hindi nagtagal, kasabay mo na rin ako maglakad.

Ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko kasi ligtas ako kapag kasama ka.

"Magtuturo pa ako ng routine sa university." sagot ko.

"Magtuturo ka uli? Eh paano na 'yan, eh di mapapagod ka?" umirap ako at tumigil sa paglalakad.

"Malamang mapapagod ako, sasayaw ako eh." nagpatuloy ako sa paglalakad.

"May trabaho ka pang mamayang gabi sa ospital tapos magtuturo ka ngayong hapon? Hindi ka ba magkakasakit niyan? Baka gusto mo mangyari na naman 'yung dati—"

Ah, yung nangyari dati nung 1st year college. Parte kami ng dance troupe at doon kami nagkakilala. Nakakapagod kasi aral sa araw, tapos sa gabi, puro practice. Hindi pa sanay ang katawan ko noon at hindi kinaya kaya dumating yung oras na nahimatay ako habang nagpapractice. Dahil daw 'yon sa fatigue, stress, at kakulangan sa tulog.

"Okay lang ako, Johann. Huwag ka mag-alala. Kayang-kaya ko 'to." humarap ako sayo at binigyan ka ng ngiting magpapasigurado sayo na ayos lang ako at kaya ko 'to. Nasiguro kong kampante ka na nung ngumiti ka at tinapik ang balikat ko.

24 years old na ako at isang nurse. Kung tutuusin, successful na ako at may maipagmamalaki sa buhay pero kahit kailan, hindi ko naramdaman na proud ako sa sarili ko dahil sa pagiging nurse. Mas nararamdaman ko pa na proud ako sa sarili ko dahil sa pagsasayaw. Mahal ko ang pagsasayaw dahil nararamdaman ko ang sarili ko kapag sumasayaw ako. Ewan ko ba pero ayokong bitawan ang pagsasayaw.


"Hatid na kita sa university." hindi ko maiwasang ngumiti nang marinig 'yan mula sayo. Wala sa sarili akong tumango at mas bumagal ang paglalakad natin.

May kotse ka naman pero mas pinili mong maglakad kasama ko. 'Di bale, mas maganda kaya maglakad para makatipid ka naman sa gasolina.

Nilakad natin mula sa tambayan natin na garden hanggang sa university. May kalayuan rin 'yon kaya napakabagal ng pagtakbo ng oras.

Sobrang lamig at ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Rinig na rinig din ang huni ng mga ibon na para bang mga kumakanta. Ang ganda ng ulap. Ang ganda niyang pagmasdan kahit na mataas at tirik ang sikat ng araw.

Hindi ko mapaliwanag kung gaano ako kasaya kapag kasama ka. Kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Kung paano umiikot at naglalaro sa tiyan ko 'yung mga nararamdaman kong paru-paro.


"Nga pala, kumusta na kayo ni Marga?" tanong ko at humarap sayo. Nakita ko kung paano nagbago ang itsura mo nang nabanggit ko siya. Ang isang malaking pader para sa atin.

Si Marga.Ang kapatid ko na siyang kasintahan mo.

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon