"MISS," nagising si Cxianna dahil sa paulit-ulit na pag-alog sa kanya."Ano ba 'yan, manang? Gusto ko pa matulog!" naiiratang bulong niya.
"Excuse me, miss!" naalimpungatan siya sa biglang pagsigaw kaya naging siya.
Nagulat siya nang makita ang galit na mukha ng librarian pero mas nagulat siya nang makita ang payapang natutulog na si Pierre na ilan lang ang layo mula sa mukha niya
Shet, bakit ang pogi?
"Excuse me!" bumalik siya sa realidad nang marinig ang sigaw.
"Alam niyo ba kung anong oras na? Mag-alas-diyes na! Nandito pa rin kayo sa library at..." tinitigan sila ng mariin ng naturang librarian.
"Natutulog!" malakas na sigaw nito.
"Akala ko ba bawal sumigaw sa library?" bulong ni Pierre habang nag-aayos ng gamit niya.
The librarian mocked a laugh as a response. Hindi malaman ni Cxianna kung anong gagawin.
Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan niya nang bigla hawakan ng lalaki ang kanyang kamay at hinila siya paalis. Agad niyang hinablot ang kanyang bag at muling binalingan ang librarian at humingi ng paumanhin.
"Ang babata pa pero ganyan na kung umasta." napa-iling-iling ang librarian habang pinagmamasdan siya.
"Sorry po!" sigaw ni Cxianna at tuluyan na nga silang lumabas ng library.
Hindi mapigilang mapangiti ng librarian nang maka-alis na ang dalawa dahil may naalala siyang matamis na alaala dahil sa dalawa.
"Naku, mga bata talaga. Diyan rin kami nagsimula ng asawa ko."
"GRABE ka sa librarian, ah!" hinampas ni Cxianna ang lalaki sa likod. Napangiwi ang lalaki dahil sa sakit.
Binigyan naman siya nito ng ano-bang-problema-mo-?-look
Inirapan lang siya ng babae at kinuha ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang driver.
"Kuya, pa-sundo na po ako dito sa university." bungad sa kanya ni Cxianna.
"Hay naku po, ma'am! Nandito po ako sa probinsya ngayon! Sinugod po kasi sa ospital 'yung anak ko! Pasensya na po!" saad ng kanyang driver.
"Ay, ganoon po ba? Sige po, sana gumaling na po 'yung anak mo." binaba na niya ang tawag.
Hala! Paano na ako uuwi?
Tinignan niya ang kanyang wallet at nakitang wala na siyang pera doon at nang kinapa niya ang kanyang bulsa ay wala rin 'tong ibang laman kundi lip tint.
Napatingin siya kay Pierre na nakatingin lang ng diretso.
"P-pierre?" nahihiya niyang bulong.
Sa lahat ng makakasama ko sa panahong ganito, siya pa talaga!
"Puwede ba pa-utang?" nakayuko niyang tanong.
"Utang? Hindi ba kuya mo 'yung may-ari ng AWC?" mayabang na tanong ng lalaki.
Ibaba mo ang pride mo! Kailangan mong maka-uwi !
"Okay kasi ganito 'yon, 'yung driver namin, nasa probinsya, si mommy, wala dito! Si kuya, ayoko na siya abalahin!" katwiran ng babae.
"Ikaw na nga lang 'yung may kailangan, ikaw pa 'yung galit?!" tanong ng lalaki.
"Sige na! Pautang na! Pang-taxi lang! Babayaran naman kita eh!" sabi ng babae.
"Ang arte mo! Magtataxi ka pa! Puwede ka namang sumakay sa bus o hindi kaya, jeep!" sigaw ng lalaki.
Tinignan naman siya ng masama ng babae kaya umiwas siya agad ng tingin.
"Uutang ka pa tapos magccommute mag-isa kung puwede naman kitang ihatid." bulong ng lalaki at inunahan pa siyang maglakad.
Napatigil naman si Cxianna sa narinig. Tila isang estatwa na hindi makagalaw.
Tumigil sa paglalakad si Pierre at humarap sa kanya.
"Ano? Hindi ka pa ba maglalakad? Hindi kita pauutangin diyan eh." naglakad muli ito.
"Ito na nga!" Napangiti naman ang babae at patakbong tumakbo palapit sa lalaki.
HINDI maiwasang mamangha ni Cxianna habang magkatabi silang nakaupo ni Pierre sa taxi na sinasakyan nila pauwi.
"Nakuha mo pa talagang sabihing maarte ako dahil gusto kong mag-taxi tapos sa taxi rin pala tayo talaga sasakay!" umirap siya at tumingin sa may bintana.
"Mag-taxi na lang tayo baka kasi kung ano pang mangyari sayo! Responsibilidad pa kita!"
"Eh, sino bang nagsabi sayong responsibilidad mo ako?"
"Baka makulong pa ako dahil sayo!" umiwas na rin ng tingin ang lalaki.
"Bakit? Legal age ka na ba?" mataray na tanong ng babae.
"Malamang! Magkasing-edad lang naman tayo, ah!" sigaw ng lalaki at bigla namang tumigil ang sinasakyan nilang taxi.
"Bakit niyo po tinigil, kuya?" tanong ni Cxianna sa taxi driver.
"Naku po, kung mag-aaway kayong magboyfriend at girlfriend, huwag po rito sa taxi ko sa labas na lang." sabi ng taxi driver.
"Ah, sorry po, kuya." sabi ng babae at binuksan ang pinto ng taxi.
"Saan ka pupunta?" tanong ng lalaki.
"Malamang bababa na! Nakakahiya kasi kay kuya eh! Narinig pa tayong mag-away." sabi niya at tuluyan na ngang bumaba ng taxi habang nagbayad naman na si Pierre.
"Pasensya na pero hindi ko girlfriend ang babaeng 'yon." sabi ng lalaki at akmang baba na sana ng kotse nang magsalita ang taxi driver.
"Ganoon ba? Bakit parang may relasyon kayo kung mag-away?" napalingon naman siya kay Cxianna na nakahalukipkip na sa labas at nakasimangot. Hindi niya maiwasang mapangiti pero agad niya itong itinanggal mula sa kanyang mga labi nang mapansin ito.
"Sige, brad. Pasensya na." bumaba na siya ng tuluyan ng taxi.
"Ang tagal mo!" saad ng babae at nauna nang maglakad.
"Ang kapal mo! Ikaw na nga lang nangungutang, ikaw pa ganyan!"
TANGING simoy lang ng hangin ang maririnig habang naglalakad sila pauwi.
"Malayo pa ba 'yung bahay mo?" naiiritang tanong ng lalaki.
"Medyo malapit na!" bulong ng babae na halata ang lungkot sa boses.
"Tanong ko lang, paanong magkasing-edad lang tayo? First year ka palang, ah?" tanong ni Cxianna.
"Dalawang taon rin akong nag-stop mag-aral." sagot ng lalaki kaya napalingon sa kanya ang babae.
Hindi niya maiwasang mamangha dahil sobrang sinsero ng mukha ng lalaki nung pagkakataon na iyon.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Nagkaroon kasi ako ng serious injury dati dahil sa paglalaro ng basketball." Napatigil sa paglalakad ang lalaki kaya napatigil na rin ang babae.
Napatingin naman si Cxianna sa hita ng lalaki ngunit hindi niya talaga makita ito dahil sa pantalong suot ng lalaki.
Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ng kirot sa puso ang dalaga.
