"Mr. Foulard, someone wants to see you." anunsyo ng bagong sekretarya ni Yuan. Tumingin siya sa sekretarya at binaba ang mga binabasang papeles."Please let him in." sagot ni Yuan.
Nagulat siya nang makita ang taong pumasok.
"Yuan." Tumayo si Yuan.
"Mr. Arjino, what's bring you here?" tanong niya.
"I'm here to formally apologize." sagot ni Mr. Arjino.
"Please take a seat, sir." sabi ng binata at tinuro ang upuan sa tapat niya. Umupo naman roon si Mr. Arjino.
"Mula nung party, hindi na umuwi sa bahay si Leigh. Kahit sa unit sa tapat ng unit mo, wala na siya roon. Her unit is clean as new." paliwanag ng ama ni Leigh Anne.
"I think she ran away. Her friend, Marga just told me that I should find her my own." dagdag pa niya.
"At hindi ko 'yon magagawa kung hindi ako hihingi ng paumanhin sa'yo."
"Matalik na magkaibigan kami ng ama mo. Naging traydor ako dahil sa plano ko i-sabotahe kayo. Naging makasarili ako. Buti na lang nadiyan si Lei, sinabi niya sa akin na ayaw niya itong gawin at nagiging makasarili ako. At first, I did not listen but now, I realized she is indeed right. I'm sincerely sorry, Yuan." sabi ni Mr. Arjino at tumayo na para umalis.
"Your apology is accepted, sir." Yuan offered his hand and they shaked hands.
"Sir, may I ask for your daughter's hand?" tanong ng binata at napangiti naman si Mr. Arjino.
"I thought you would never ask. So, go now, find her." nakangiting saad ni Mr. Arjino.
"ARE you sure that she's there, Marga?" tanong ni Yuan habang nagddrive at kausap si Marga.
"Oo nga! 'Yan 'yung tinext niyang address!" sagot naman ni Marga.
"Oh, okay. Thank you." sabi ng lalaki at tinigil ang kotse sa tapat ng isang apartment.
Tinignan niya ang address sa papel at tinignan ang apartment.
Bumaba siya ng kotse at kumatok sa apartment.
"Sino po iya—" nagulat si Leigh Anne nang makita si Yuan.
"Y-yuan, bakit ka nandito? Paano mo ako nahanap?" tanong ng babae.
Tinignan lang siya ng lalaki.
I'm sorry if I didn't treat you right before, Leigh Anne but now, I promise I will.
"Nasabi ko na ba sa'yo na ang ganda mo?" tanong ni Yuan.
Nagulat si Leigh Anne nang marinig magsalita ng Tagalog si Yuan. Bihira lang kasi iyon.
"A-ano i-ibig m-mong sabihin?" tanong ng babae. Hinawakan siya sa kamay ng lalaki at hinila papalapit sa kanya.
Nagulat si Leigh Anne at napatitig na lang sa mata ng lalaki na nakatingin rin sa kanya.
"B-bakit?" tanong muli ng babae.
"May sakit na yata ako sa puso." sabi ni Yuan.
