ONE YEAR LATER...
"Rise and shine!" nagising si Marga sa malakas na sigaw ni Leigh Anne.
Natawa siya nang makitang naka-suot na ng toga ang kaibigan.
"Hindi ka naman siguro excited 'no?" tanong niya at bumangon na.
Graduation kasi nila ngayon. Excited din naman si Marga dahil bukod sa gagraduate na siya, may trabaho na siya bilang manager ng New Jam at songwriter ng Sunrise Recording Company. Natupad na ang mga pangarap niya at may napatunayan na siya sa sarili.
"Hindi naman mga alas-tres nga ako nagising eh." katwiran naman ni Leigh Anne at lumabas na ng kuwarto ni Marga.
"May regalo ka rito! Pumunta ka na dito!" sigaw pa nito.
Napatakip na lang ng tenga si Marga dahil sobrang lakas at tinis ng boses ng kaibigan.
Kinuha naman niya ang cellphone at binasa ang mga text.
Ate Mika:
Good morning!! Nasa biyahe na kami ni Johann. Maghanda ka na para sa graduation!Terrence:
Congratulations, Margarine!Caleb:
Congrats, Manager!!Yuan:
Congratulations, Marga! See you soon!Napangiti si Marga sa mga nakitang text. Masaya siya dahil naalala ng kapatid niya at ng mga miyembro ng New Jam na graduation niya ngayon.
Pero may dalawang taong hinihintay niya ang hindi pa nagttext o nagpaparamdam sa kanya.
Si papa kaya? Pupunta kaya siya?
"Grabe, 'teh! Hindi ka ba lalabas diyan?" sigaw ni Leigh Anne.
Binaba niya ang cellphone sa kama at lumabas na ng kuwarto.
"Oo, ito na palabas na!" sigaw naman ni Marga.
"May nagpapabigay sa'yo!" inabot sa kanya ni Leigh Anne ang isang bouquet ng bulaklak.
"Kanino galing 'to?" tanong niya at umirap naman ang kaibigan.
"Malamang sa Bebe Axel mo!" sagot ni Leigh Anne at naghaiin na ng pagkain.
Natawa siya habang pinapanood ang kaibigan dahil nakasuot pa rin siya ng toga.
Inamoy naman niya ang bulaklak. Napangiti siya. Makulay ang mga bulaklak at sobrang ganda nito. Napansin niyang may sobra na nakadaikit sa may hawakan ng bouquet kaya kinuha niya ito at kinuha ang isang card.
Congratulations, Margarine ko! Sobrang proud ako sa'yo kasi gagraduate ka na! See you later!
-Axelerate
Natawa si Marga nang mabasa ang sulat. Hanggang ngayon kasi pangit pa rin ang sulat ni Axel.
Margarine ko? Wow, akala naman niya kami na.
"TEH! Bakit hindi ka mapakali diyan?" tanong sa kanya ni Leigh Anne.
Nasa auditorium na sila ng unibersidad at ano mang oras ay magsisimula na ang kanilang graduation.
"Wala pa kasi si ate. Sabi niya, nasa biyahe na sila kanina." natatarantang sabi ni Marga.
"Chill ka lang. Darating din sila." sabi ni Leigh Anne.
Umupo na sa kanyang upuan si Marga pero nanginginig pa rin siya. Bukod sa pagkasabik sa graduation, kinakabahan rin siya sa posibilidad na walang sumipot na mahal niya sa buhay ngayon.