"Nabalian ako ng buto sa may hita ko at matagal din akong hindi makalakad at makagalaw ng maayos kaya sabi ni mama, tumigil muna ako sa pag-aaral." nagpatuloy muli sa paglalakad si Pierre."Akala ko noon, hindi na ako makakalaro ng basketball. Pakiramdam ko, inagaw na ang lahat ng meron ako."
"Kasi alam ko, doon lang ako magaling at iyon lang maipagmamalaki ko." mahahalata ang sakit sa boses ng binata.
"Alam mo, sabi ni Miss Echavez, umaayos na raw yung grado mo sa Lit! Gusto kong malaman mong proud ako sayo." binigyan siya ni Cxianna ng malapad na ngiti.
Tumigil sa paglalakad ang lalaki at tinitigan siya.
Bakit niya ako tinitignan ng ganyan? May problema ba? May dumi ba ako sa mukha?
Hindi maintindihan ng babae ang sinasabi ng mata ng lalaki. Nagugiluhan na siya.
Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Pierre ng sobrang higpit.
Dug dug dug
Hindi maipaliwanag ni Cxianna ang nararamdaman para bang may kung ano-ano ang nagtatalong sa loob niya.
Matagal ang pagyakap sa kanya ng binata kaya nakalimutan na niyang huminga.
"Sorry." bulong ng lalaki nang kumalas sa yakap.
Naglakad muli ng mabilis si Pierre kaya natawa ang babae.
"Pierre!" sigaw niya at humarap naman sa kanya ang lalaki.
"Hindi ka pa ba maglalakad?"
"Dito na 'yung bahay ko, oh!" tinuro ng babae ang bahay na nasa tapat niya.
Bumalik ang lalaki sa dati nilang puwesto at tinignan ang bahay nila.
"Dito ka lang pala nakatira. Medyo malapit sa bahay namin." wika nito.
"Talaga? Dito ka rin pala nakatira? What a coincidence?" napangiti silang parehas.
Hindi maiwasang mamangha ng babae sa ngiti ng lalaki. Masasabi niyang kakaiba ito at nakakapagpagaan ng damdamin ng iba.
"Ma?" biglang napawi ang ngiti nito nang may makita mula sa likod ni Cxianna nang lumingon ang dalaga ay may nakita siyang babae na nasa may edad na trenta na siya ring babae na nakita niyang sumundo kay Pierre noon.
May kasamang lalaki ang sinasabing nanay ni Pierre at napawi rin ng ngiti nito nang makita ang anak.
"Pierre?" bulong ng nanay ng lalaki.
May dilim sa mga mata ni Pierre nang tignan niya ang lalaking kasama ng ina ngunit parang hindi ito tumatalab sa isa pang lalaki. Agad namang naglakad paalis si Pierre dahil dito.
"Pierre!" sigaw ni Cxianna ngunit hindi man lang siya pinansin nito. Sunod na humabol naman ang ina ni Pierre at naiwang mag-isa ang isang lalaki.
"Kahit kailan, hindi niya siguro matatanggap na ako na ang asawa ng mama niya." ngumisi ang lalaki kahit halata na hindi naman ito natutuwa sa nangyayari.
"Kailan niya kayo ako matatanggap?" binalingan si Cxianna ng nagpapakilalang asawa ng ina ni Pierre. May lungkot sa mga mata nito.
"Kahit hindi na bilang pangalawang ama niya kahit bilang asawa na lang ng mama niya." napayuko ang lalaki pero muling tumingin rin sa kanya at pilit na ngumiti kahit na ang mata ay namumugto na dahil sa luha.
"Sige, pasensya na." agad na umalis ang lalaki at naglakad palayo.
NAGLALAKAD papasok sa klase si Cxianna nang may isang babaeng kumalabit sa kanya.
"Hello, excuse me po, puwede po ba magtanong?" paalam ng isang batang babae na mukhang high-school student. Naka-suot ito ng puting statement shirt, legging at backpack.
"Puwede naman." sagot naman nito.
"Saan po rito 'yung canteen? Pasensya na po. May bibisitahin lang po sana ako." sabi ng babae.
"Ah, yung canteen?" tinignan ni Cxianna ang relo niya at nakitang may tatlumpung minuto pa pala siyang natitira bilang bakante bago ang susunod niyang klase.
"Sige, sasamahan na kita."
"ITO yung can-"
"Wiency!" sigaw ni Pierre nang makita ang babaeng kasama niya. Agad naman itong lumapit sa kanya at nakipag-fist bump at yakap.
"Buti naka-bisita ka! May laro ako ngayon!" maligayang sabi ng lalaki.
Wow, siya inimbita mo. Tapos ako hindi? Sino ba 'yan, ha? Jowa mo?
"Siyempre! Pupunta talaga ako para sa'yo!" sabi ni Wiency at ginulo naman ni Pierre ang buhok niya.
"Buti na lang hinatid ako ni ate kanina!" dagdag pa niya.
Buti naman naisipan mo akong ipakilala!
"Cxianna! Nandito ka pala." bati ng lalaki sa kanya.
"Ah, oo." hindi niya malaman kung tama bang nandoon siya o kailangan na niyang iwan roon sina Pierre at Wiency.
"A-ah, a-ano kasi, may klase pa ako! Una na ako sa inyo, ah! Ingat kayo!" aalis na sana siya pero hinawakan siya ng lalaki kaya napatigil siya.
"Dito ka na muna! May laro pa ako kaya manood ka na!"
Sige na nga, marupok ako eh!
"S-sige..." sagot naman ni Cxianna.
"GO, PIERRE!!" todo-cheer si Wiency habang naglalaro si Pierre kay imbis na sa laro manood si Cxianna ay sa kasama niya ito nakatutok.
Ang lakas ng boses ng batang 'to! Akala mo kung sino! Akala mo rito nag-aaral! Grabe! Feel at home na feel at home!
"Anong grade ka na?" tanong niya kay Wiency.
"Ano po?" lumapit sa kanya ang batang babae para marinig siya.
Maingay kasi sa paligid, marami kasing nagccheer.
"Anong grade ka na?" medyo nilakasan na ni Cxianna ang boses.
Grabe, ako ang mas matanda pero feeling ko ako 'yung mas naagrabyado sa aming dalawa. Dapat pala, hindi ko na 'to tinulungan kanina!
"Grade 10 po!" sigaw ni Weincy.
"Ang bata mo pa pero naninigaw ka na!" bulong ni Cxianna.
"Ay naku, ate, sorry po." tumawa ito ng marahan.
"Medyo maingay po kasi akala ko po, hindi niyo ako maririnig." dagdag pa niya.
"Ay, hindi, ayos lang. Sorry." sabi naman ni Cxianna na nakaramdam ng hiya.
Kahit ganoon siya, mukha naman siyang mabait!
Natapos ang laro at nanalo ang team kung saan kabilang si Pierre kaya halos lahat ng manonood ay masaya. Pagkatapos na pagkatapos ay tumakbo paalis si Weincy kay sinundan siya ni Cxianna.
Dumiretso ang babae sa locker room ng mga maglalaro.
"Ang galing mo!" bati nito kay Pierre at nakipag-apir. Ginulo naman ng lalaki ang buhok nito at ininom ang inaabot sa kanyang bote ng tubig at pinunasan ni Wiency ang pawis sa mukha ni Pierre.
Hindi ako makapaniwala! Parang silang magjowa!
Sana ako rin, bigyan niya ng tubig ng ganoon o 'di kaya, bigyan niya ako ng tubig!
Siraulo ka, Cxianna! Ang babaw ng pangarap mo!
Pinabayaan na lang niya ang dalawa at tinignan ang relo.
Shet! Nakalimutan ko nang may klase ako!
Bigla naman niyang naramdamang kumalam ang sikmura niya kaya napagdesisyunan niyang dumiretso sa canteen.
