"Ito na po yung chart nung pasyente sa room 606." sabi ko at inabot sa head nurse ang papel."Salamat, Nurse Mika. Nga pala, may bisita ka. Nasa may bench sa tapat ng room 627." sagot ng head nurse.
"Bisita? Ay sige, pupunta na lang po ako doon. Salamat po."
Naglakad ako papunta sa sinasabing bench ng head nurse.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita kang nakaupo roon.
"Bakit ka nandito?" bungad ko.
"Grabe, wala man lang hello?" nakuha mo pang mag-pout at magpacute.
Kya, 'wag ka naman ganyan. Marupok ako.
"Nasa duty ako! Mapapagalitan ako kapag may nakakita sa aking nakikipagusap sayo!" pinilit kong magmukhang galit sayo kahit hindi naman talaga. Kinikilig pa nga ako eh. Akalain mo 'yon, darating ka tapos bibisitahin pa ako.
"Ang taray naman agad nito! 'Di bale, ayos lang, mahal naman kita eh." Dug dug dug
"Kahit kailan, siraulo ka talaga, Johann Mikael Morphiosa!" hinampas kita sa balikat.
"Ang sama mo talaga sa akin! Ito! Pumunta ako rito para ibigay 'to sayo." sabi mo at inabot sa akin ang isang bote.
"Ano 'to?"
"Nag-grocery kasi ako kanina tapos nakita ko 'yan. Mukhang bagong carbonated drink. Sabi diyan, pampa-energize raw yan. Kailangan mo 'yan diba?" napangiti naman ako.
"Ikaw talaga! Concerned ka na naman sa akin! Salamat!"
"Nga pala, bakit ka nandito? Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko at umiling ka.
"Day off ko ngayon. Aayain sana kita lumabas kaso mukhang may trabaho ka pang kailangang gawin." tumango ako at sumang-ayon sa sinabi mo.
"Oo, marami pang pasyente ang kailangan kong tignan. Atsaka huwag mo akong ayain. Si Marga ang yayain mo! Mas mukha pa tayong magjowa kaysa sa inyong dalawa." tumawa ako pero tumigil din agad dahil nakakunot na ang noo mo.
"B-bakit ganyan itsura mo? Galit ka ba sa akin? May nasabi ba ako mali?" tanong ko.
Umiling ka at iniligay ang iyong kamay sa bulsa ng pantalon mo.
Ah, galit ka. Mannerism mo 'yan kapag naiinis o nagagalit eh.
Una kong nakitang ginawa mo 'yan nung naiwan tayo nung shuttle bus papunta sa venue kung saan tayo sasayaw para sa contest dati. Sobra kang nagalit noon kaya nahirapan akong pakalmahin ka.
"Sorry na kung may nasabi akong mali." hinawakan ko ang kamay mo at tinignan mo naman ako.
"Kahit kailan, huwag na huwag mong ipagkukumpara kayo ni Marga dahil magkaiba kayo. Okay?" para akong aso na tumango agad sa amo niya.
"Sige, una na ako. Ingat ka." tinapik mo ang balikat ko at umalis na.
"Bye! Ingat ka. Salamat sa carbonated drink!" sigaw ko at kumaway habang pinapanood kang maglakad papalayo.
"Nurse Mika!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ng kapwa kong nurse na si Nurse Wina.
"Grabe ang pogi ng boyfriend mo! Ang suwerte mo!" aniya.
"Hindi ko 'yon boyfriend! Boyfriend 'yun ng kapatid ko!" depensa ko.
"Ay! Boyfriend ng kapatid! Alam na this may something." sabi niya at umalis agad.
Napairap na lang ako at bumalik na sa trabaho.