Axel Louis Dela Fuente-6

2 0 0
                                    


KINUSOT ni Axel ang kanyang mga mata nang magising siya. Napatingin siya sa braso niya at nawala na ang mga butlig na naroon kanina. Nawala na rin ang pamumula.

Kinain niya ang sisig na hinain kanina at nakalimutan tanungin kung may calamansi roon. Allergic kasi siya sa mga citrus.

Tumingin siya sa paligid ng kuwarto. Madilim na. Ibig sabihin, matagal siyang nakatulog. Ala-una na ng hapon nang kumain sila at mukhang ala-sais na ng gabi.

Nagulat siya nang mapansing may nakahiling na ulo pala sa may gilid niya.

Buhok pa lang ay alam na niya kung sino ito. Ito lang ang buhok na nakita niya na kahit magulo ay maganda. Kahit kailan ay hindi pa niya nakikitang nakalugay ang buhok ni Marga. Lagi kasi itong nakapusod. Ganunpaman, umaapaw pa rin ang kagandahan nito.

Dahil sa pagtitig, aksidente niyang nakabig ang braso ng babae kaya nagising ito.

"Gising ka na pala!" agad na inayos nito ang sarili. Ipinusod niya muli ang magulo na niyang buhok.

"Kumusta na 'yung pakiramdam mo?" hindi niya masagot ito masyado siyang abala sa pagtingin sa magandang mukha nito.

"May masakit ba sa'yo? May makati ba? Nahihirapan ka bang huminga?" sunod-sunod ang tanong ni Marga na para bang alalang-alala na ina kaya hindi na niya napigilang tumawa.

"Grabe ka! Concern na nga ako sa'yo, tinatawanan mo pa ako!"


"Para ka kasing si mama kung magsalita." sabi ni Axel.

"Wow lang, ah. Hinantulad mo pa talaga ako sa nanay mo!" sabi ng babae at ipinitik ang noo nito.

"Aray!" pag-iinarte ng lalaki na pinaniwalaan naman ni Marga.

"Hala! Sorry, akala ko okay ka na!" sabi nito a hinaplos ang noo ni Axel.

"Kayo, ah! Nawala lang kami! Kung ano-ano na ginagawa niyo!" nagulat ang dalawa sa biglang pagsasalita ni Leigh Anne.

Nakatingin lang si Leigh Anne kasama sina Terrence, Caleb at Yuan sa kina Axel at Marga.

Tinanggal naman agad ni Marga ang pagkahawak sa noo ni Axel.

"Okay ka na ba, chong?" lumapit si Terrence kay Axel at inakbyan ito.

"Okay na ako. I feel so great and refreshed." sagot naman nito.

"You know what this calls for?" tanong ni Yuan at napatingin naman ang lahat sa kanya.

"BEER!" sabay-sabay na sabi ng New Jam.

Nagtataka naman silang tinignan ng walang kaalam-alam na sina Marga at Leigh Anne.

"GRABE ang sarap sa feeling ng ganito!" sabi ni Marga nang lumabas silang lahat sa may garden at nagsimulang mag-inuman.

"Georgina, puwede ba magtanong?" paalam sa kanya ni Caleb.

"Nagtatanong ka na kaya?" bulong ni Leigh Anne at tumungga ng beer.

Napa-"oh" naman ang lahat dahil dito.

"Hindi seryoso! Puwede ba?" tanong uli ni Caleb at tumanggo naman si Marga.

"Bakit Marga tawag sa iyo ni Leigh Anne? Eh, Georgina naman pangalan mo, diba?"

"Oo nga!" dagdag naman ni Terrence.

Nagkatingin sina Leigh Anne at Marga at sabay na tumawa. Naguluhan ang iba kung bakit sila tumawa gayung wala namang nakakatawa.

"Kasi ganito 'yon," tumawa muli si Marga.

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon