HINDI makapaniwala si Cxianna sa narinig mula sa ama ni Leigh Anne na siya ring ama ni Pierre.
"What do you mean, tito?" halata ang pagtataka sa boses ni Cxianna.
"Akala ko only child mo po si Ate Leigh?" dagdag pa niya.
Naputol ang titigan ng dalawa at bumaling ang matanda kay Cxianna.
"He is actually-"
"Anak niya ako sa labas." hindi malaman kung ano ang nararamdaman ni Pierre sa tono ng kanyang pagsasalita.
"Pierre, hindi ko inaasahang makikita ka namin ngayon. Bibisitahin lang sana namin si Patricia-" saad ni Leigh Anne ngunit pinutol siya ni Pierre.
"Huwag na huwag niyong babanggitin ang pangalan ng kambal ko!" sigaw ng lalaki na puno ng sakit at pighati.
"Wala kayong karapatan na bisitahin ang buntod niya! Lalo ka na!" tinuro nito ang kanyang ama at naglakad palayo.
"Excuse me po, tito, Ate Leigh." paalam ni Cxianna at sinundan si Pierre.
"Kasalanan ko 'to! Hindi ko naparamdam sa kanyang anak ko siya." wika ng ama.
"Hindi natin siya masisisi kung ganoon ang nararamdaman niya. Matagal ka na niyang kinamumuhian, papa. Para sa kanya, isang kahihiyan ang pagiging Arjino." sabi ni Leigh Anne at nauna nang maglakad.
"PIERRE!" sigaw ni Cxianna habang hinahabol si Pierre.
Patuloy lang sa paglalakad ang lalaki na tila ba walang pakialam sa mundo pero nang maabutan siya ng babae ay hinawakan siya nito sa balikan at hinarap sa kanya.
Punong-puno ng luha ang mukha ng lalaki at namumugto na ang mata nito kaya niyakap siya ng babae.
"H-hindi ko alam kung anong ginawa ko at ganito ang buhay ko..."
Pumikit ang babae upang damhin rin ang sakit na nararamdaman ng lalaki.
Umiyak ka lang, Pierre. Nandito ako para sa iyo.
"N-nagsinungaling ako sayo."
"Hindi ako ako nagkaroon ng injury dahil sa basketball. Dahil 'yon sa matandang 'yon." naaninag ang galit sa boses ng binata. Naramadaman ng babae ang panginginig ng katawan ng lalaki.
"Sabi niya, ipapasyal niya kami ng kambal kong si Patricia pero naaksidente kami. Bumangga 'yung minamaneho niyang kotse na sinsakyan namin sa isang poste dahil nawalan raw ng preno ang kotse niya. Wala man lang siya natamong sugat ni gasgas tapos kami?"
"Nagkaroon ako ng injury. Muntik nang putulin ang hita ko tapos 'yung kapatid ko?" pumiyok ang boses ng lalaki at humikbi.
"'Yung kapatid kong wala kamuwang-muwang at mala-anghel, namatay!" sigaw pa nito.
"Tapos si mama? Sa parehas na taon na 'yon, nagpakasal sa ibang lalaki! Ni hindi man lang nagluksa sa pagkamatay ni Patricia!" mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Pierre.
"Pierre, I'm sorry..." bulong ni Cxianna na umiiyak na rin.
Ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng lalaki. Hindi niya alam kung papaano pero alam niyang konektado sila.
Kumalas siya sa yakap at hinawakan sa magkabilang pisngi ang lalaki. Pinunasan niya ang mga luha nito at tinignan ng diretso sa mata. Hinalikan niya ang noo, ang mata, ang ilong, ang magkabilang pisngi at ang labi ng lalaki.
"Iwanan ka man nila lahat, nandito lang ako para sa'yo." sabi ni Cxianna at napangiti naman si Pierre kaya niyakap siya nito ng mahigpit.
AFTER FOUR YEARS...
"Nasaan na ba 'yun?" hindi mapakaling tanong ni Leigh Anne kay Cxianna.
"Hindi ko rin alam, ate!" sagot nito habang sinusubukang tawagan si Pierre sa kanyang cellphone.
"Hindi siya sumasagot." kinakabahang dagdag pa nito.
"Ngayon pa talaga siya malalate kung kailan graduation na niya!" wika ng ama nina Leigh Anne at Pierre na mukhang naiinip na.
Nagkabati na sina Pierre, Leigh Anne at ang ama nila. Nagpatawaran na rin sila.
Habang ang ina naman ni Pierre at ang asawa nito ay nakatira na sa iisang bahay at bumukod na si Pierre sa kanila. Tanggap na rin ng lalaki na masaya na ang kanyang ina sa piling ng bagong asawa.
"Tito?" tanong ni Philip, ang dalawang taong-gulang na pamangkin ni Cxianna na siyang anak ng kuya niya at ni Leigh Anne.
"I'm here!"
"Sa wakas! Nandito ka na!" lumapit agad si Cxianna kay Pierre at inayos ang toga nito.
"Mukhang kinakabahan ka, hon." bulong ni Pierre at niyakap ang girlfriend. Hinalikan niya ito sa pisngi.
"Nakakahiya, hon. Sa harap pa talaga nila." pasimpleng tumingin ang dalawa sa nanunuksong nakangiting si Leigh Anne at ama nito.
"Sige lang, ipagpatuloy niyo 'yan!" napailing-iling naman si Leigh Anne.
"Tito." napatingin naman sila sa kanilang pamangkin na kumakalabit sa dulo ng toga ni Pierre.
Agad namang kinarga ng lalaki si Philip at kiniliti naman siya ng babae kaya tumawa ito ng malakas.
"Ma'am, sir, tingin lang po rito!" tawag sa kanila ng photographer at kinuhaan sila ng litrato.
Tinignan ng photographer ang camera at biglang napangiti.
"Ang cute niyo namang pamilya!" bulong nito at umalis na upang kuhaan ng litrato ang iba.
"Paano ba 'yan, ang cute ko raw!" sabi ni Pierre.
Binigyan naman siya ni Cxianna ng ang-hangin-mo look.
Lumapit sa kanya at bumulong.
"Magpakasal na kayo tayo? Ang cute daw nating pamilya eh." hinampas naman siya agad ng babae.
"Sira! Gumraduate ka muna at tulungan mo akong mag-ipon! Hindi naman puwedeng ako lang ang nagtatrabaho!" sabi ni Cxianna.
Binaba naman ng lalaki ang pamangkin at niyakap ang babaeng pinakamamahal niya.
"Siyempre para malaki ang bahay na titirahan natin at maginhawa ang buhay natin kasama ang isang dosena nating anak."
"Isang dosena? Siraulo ka!" napalakas ang boses ng babae kaya marami ang napatingin sa kanila.
"Sorry po." bulong niya naman.
"Alam mo kahit malakas 'yung boses mo, mahal pa rin kita!" sabi naman ni Pierre.
Dug dug dug
"Corny mo!" hinampas siya ng babae at muling umupo.
"Pumunta ka na nga sa harap! Ang landi mo! Gumraduate ka muna!" sabi ni Cxianna at hindi na pinansin ang boyfriend.
"Sige, mauuna na ako, huwag mo akong masyadong ma-mimiss." sabi ng lalaki at umalis na.
Napairap naman ang babae pero kalaunan ay napangiti rin.
Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa graduation rin pala ang tuloy.
Masaya si Cxianna kasi pagkatapos ng lahat ng tutorials nila na kahit graduate na siya ay tinutor niya pa rin ang boyfriend niya para tulungang gumaling ito.
Natupad din ang pangarap ni Pierre na maging basketball player at naglalaro na siya sa ibang bansa.
"FUMUOSA, Pierre Anton L." umakyat sa entablado si Pierre at kinuha ang diploma niya.
"Boyfriend ko 'yan!" hindi mapigilang sumigaw ni Cxianna at ipagmalaki.
Nginitian naman siya ni Pierre at binigyan ng flying kiss.
Kasabay ng malakas na "ayieee" sa paligid na ay ang mabilis na tibok ng puso ni Cxianna na naramdaman niya rin noong nag-"ayieee" ang buong klase noong humingi ng paumanhin sa kanya si Pierre noong una nilang pagkikita sa unibersidad sa klase ni Prof. Echavez.
THE END.
