Ang ganda mo. Iyan lang ang naiisip ko tuwing nakikita ka.Mahaba ang buhok mo pero laging nakatali 'yon. Magulo ang pagkakatali pero ang ganda mo pa rin.
"Tinititigan mo na naman ako." nagulat ako sa biglang pagsasalita mo.
Binigyan mo ako ng matamis na ngiti. Iyang ngiti na 'yan, gagawin ko ang lahat makita lang 'yan araw-araw.
"I love you, jowa." hinampas mo ang balikat ko nang marinig 'yon.
"Siraulo ka! Tara na nga!" tumayo ka at pumunta na sa likod ko. Tinulak mo ang wheelchair kung saan ako nakaupo.
"Mika,"
"Hmm?"
"Hindi na ba ako nagiging pabigat sa'yo?" tanong ko at tumigil ka sa pagtutulak.
Humarap ka sa akin at lumuhod para magpantay tayo.
"Hindi ako mapapagod kahit kailan." hinawakan at pinisil mo ang kamay ko.
Ngumiti ako at tumingin sa gilid.
Huminto kami sa gitna ng isang simbahan sa parke kung saan kami naglilibot.
Tumayo ako sa aking pagkakaupo na ikinagulat mo.
"Alam mo na mula nung naaksidente ako, hindi pa ako nakakatayo dahil naapektuhan ng sobra ang paa ko." hinawakan ko ang kamay mo at inalalayan kang tumayo.
"J-johann, p-paano?" nanlalaki ang mga mata mo. Halatang-halata na gulat na gulat ka.
"Gumaling na ang paa ko dahil sa alaga mo." lumapit ako sa'yo at niyakap ka.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na magaling ka na?" paulit-ulit mong hinahampas ang balikat ko.
Napangiti ako at kumalas sa yakap.
"Tignan mo. Ang ganda rito." sabi ko at ipinakita sa iyo ang simbahang katabi natin.
Tinignan mo 'yon at binalingan ako ng mukhang nagtatanong.
"Gusto ko na rito tayo ikakasal." sabi ko.
"Kasal? Grabe, excited ka." mahina kang tumawa at umiwas ng tingin.
Alam kong nararamdaman mo na kaya lumuhod na ako at kinuha sa bulsa ko ang kanina ko pang tinatago.
Napatakip ka ng bibig at tumungin sa akin ng na may luhang naiipon sa iyong mga mata.
"Mikylla Reign Zulueta, sa harap ng simbahan na 'to, ipagtatapat ko lahat ng nararamdaman ko para sayo." pinikit mo ang mata mo pero tumulo pa rin ang iyong mga luha.
"Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang ang babaeng minahal ko at wala nang iba. Ikaw lang rin ang minahal, minamahal, at mamahalin ko habang buhay." tinakpan mo na iyong mga kamay ang mukha mo at humikbi.
"Mika, mahal na mahal kita." sabi ko at inalabas na ang singsing.
"Will you marry me?"
The End.
