Yuan Joseph Foulard-1

2 0 0
                                    


"Will you marry me?" nakaluhod ang batang si Yuan habang may hawak-hawak na cheese ring.

Nakatakip ang bibig ng batang si Leigh Anne na kinikilig at nagugulat sa ginagawa ng lalaki.

"Yes!" sabi ng batang babae at isinuot na sa kanya ang cheese ring.

Tumayo sa pagkakaluhod ang batang lalaki at nagyakapan na sila.

"Leigh Anne," nagising siya sa panggigising sa kanya ng kaibigan at ka-share niya sa bahay na si Marga.

"Bakit?" uminat si Leigh Anne at bumangon.

"May bisita ka sa labas." sabi ni Marga at agad na tumakbo naman palabas si Leigh Anne.


"Sino? Si Fafa Yuan ba?" nakangiting sabi niya pero napawi ito nang makita kung sino ang nakaupo sa kanilang sofa.

Binalingan niya si Marga na nagkibit-balikat. Kaya pala mukhang malungkot ito nang ginising siya.


"Pero, ang ganda ng panaginip ko!" sabi ni Leigh Anne kay Marga.


"Ano naman 'yon?" tanong ng kaibigan.


"Napanaginipan ko na nag-propose sa akin si Yuan nung mga bata pa kami! Tapos yung singsing," tumawa si Leigh Anne.


"Cheese ring!" humalakhak siya pero ang kaibigan ay nakatitig lang sa kanya kaya tumigil rin siya.


"Bilisan mo na diyan! Naghihintay ang bisita." malamig na sabi ni Marga at lumabas.


"BAKIT po kayo nandito?" tanong ni Leigh Anne sa ama na bumisita sa kanya.

"Can we talk somewhere private?" tanong sa kanya ng ama.

"Is this place not that private for you?" tanong niya.

"Hindi naman sa ganoon-"

"Then let's talk here." mariin na sabi niya.

"Kausapin mo si Yuan. Pilitin mo siya na ibenta sa atin ang Amethyst Water Comapany." diretsong sabi ng kanyang ama sa kanya.

Nakaramdam ng galit si Leigh Anne sa ama niya. Kahit magkadugo sila ay hindi niya maintindihan kung bakit ganoon siya kalupit.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang namayapa ang ama ni Yuan. Kaya ngayon, ang ina muna niya ang nagpapatakbo sa kompanya. Si Yuan ang panganay na anak ngunit sinabi niya na hindi pa siya handa sa responsibilidad na patakbuhin at pangalagaan ang ipinundar mg kanyang ama.

"How can you be so ruthless, dad? No, I won't do it. Hindi ako papayag." sabi ni Leigh Anne at aalis na sana pero pinigilan siya ng kanyang ama.

"Hindi kita pinag-aral ng business para lang gawin ito." nakaramdam siya ng inis at hinarap ito.

"Hindi mo ako pinag-aral ng business just to stoop this low! Kahit sabihin mo na bibilhin mo ang kompanya, hindi makatarungan ang gagawin mo! Bukod sa aagawan mo ng pagkakataon patunayan ni Yuan ang sarili niya, aagawin mo pa ang family legacy nila!" akmang sasampalin na sana siya ng kanyang ama pero napigilan nito ang sarili.

"Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan, Leigh Anne. Wala ka pang alam sa negosyo." tumayo ang ama at umalis.

"Paano ang pagkakaibigan niyo ni tito?" napatigil ang ama niya sa paglalakad.

"Itatapon niyo na lang ng ganoon-ganoon? Para saan? Sa negosyo? I think that is not right." sabi ni Leigh Anne.

"It may not be right but it is smart. Kapag hindi mo ginawa ang inuutos ko, kalimutan mo na isa kang Arjino." umalis na nga ng tuluyan ang kanyang ama.

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon