Pierre Anton Fumuosa-6

3 0 0
                                    

NAKAKAINIS talaga 'yung babaeng 'yun! Akala mo kung sino! Kung makadikit kay Pierre!

"Ba't ka nakabusangot ng ganyan?" nagulat si Cxianna sa biglang pagsulpot ni Pierre. Matutuwa na sana siya pero nakita niyang nakasunod pa rin rito si Wiency. Umupo ang lalaki sa upuang katapat ng inuupuan ni Cxianna.

"Papangit ka, ate!" pabirong sabi ni Wiency na umupo sa tabi ni Pierre.

Aba! Ang kapal naman talaga!

"Anong gusto mong pagkain, Wiency? Ililibre kita! Pumunta ka naman dito eh!" sabi ni Pierre at dahil dito ay napangiti naman si Wiency.

Sige, landian pa sa harap ko! Buwisit! Kung puwede lang mag-walk-out!

"Kahit ano, ikaw na bahala!" nagnining-ning ang mga mata pa ang mata ng babae.

"Lagi naman eh." umiling-iling ang lalaki.

"Cxianna, bibili lang ako ng pagkain namin, ah." pilit na ngumiti ang babae at umalis na ang lalaki.

"Gusto mo 'yung kuya ko 'no?" tanong agad ni Wiency.

Kuya mo? Ngayon, inaangkin mo na siya?!

"H-ha?" nagmaang-maangan si Cxianna.

"Halatang-halatang gusto mo si Kuya Pierre!" humalukipkip ito kaya mas nagtaka si Cxianna sa kinikilos nito.

"Sabagay," pinatong ni Wiency ang braso niya sa lamesa at nginitian si Cxianna.

"Bagay naman kayo!"

H-ha? Akala ko, gusto niya si Pierre? Bakit parang ipanamigay na niya?

"Si Kuya Pierre na lang ang pinsan ko kasi..." napatigil ang babae.

What?! Pinsan niya si Pierre?!

"Basta!" tumawa si Wiency.

Nakakhiya naman 'yung mga iniisip ko kanina! Mukhang masayahin pa naman siya at siyempre, mabait.

"Basta, ship ko kayo! Ingatan mo si kuya, ah!" sabi nito at ginawaran si Cxianna ng malapad na ngiti kaya napangiti na rin ito.

"Oh, anong nangyari sa inyo? Bakit nag-ngingitian kayo diyan?" tanong ni Pierre na may dalang try ng pagkain.

"Wow, turon! Thank you, kuya!" sabi ni Wiency at kinuha ang turon.

"California maki para sayo." iniabot ni Pierre kay Cxianna ang pagkain.

Alam ba niyang paborito ko 'to? Dagdag pogi points!

"S-salamat. Eh, ikaw, anong kakainin mo?" tanong ni Cxianna nang mapansing wala nang laman 'yung tray.

"Ayos lang ako. Busog pa naman ako kaya papanoorin ko na lang kayo kumain. Nakakabusog kaya kapag nakita mong masayang kumakain 'yung mga taong nilibre mo ng pagkain." sagot naman ng lalaki.

Nagkatinginan naman si Wiency at Cxianna at sabay na nagkibit-balikat at tumawa


"LATE ka na naman?" bungad ni Pierre kay Cxianna nang dumating ito sa library.

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon