Yuan Joseph Foulard-4

0 0 0
                                    


AGAD na inayos ni Leigh Anne ang lamesa niya na nakatapat sa opisina ni Yuan.

Nagulat siya at naibagsak ang mga hawak na papeles nang tumawag ang daddy niya.

"Hello, dad." sagot niya rito.

"Leigh Anne, are you already his secretary?" tanong agad ng kanyang ama.

Pakiramdam niya ay isa lang siyang gamit na susunod at gagawa ng lahat ng utos ng kanyang ama.


"Yes, I am." sagot na lang niya sa ama. Ayaw niyang humaba pa ang usapan.


"That's great!" binaba na ng daddy niya ang tawag ng walang sabi-sabi.

Bumuntong hininga si Leigh Anne at tinignan ang mga papeles na nakakalat na sa sahig.

Tama ba ang ginagawa ko? Hindi ko alam pero ito ang tama para sa akin pero kahit ako, naguguluhan. As if I have a choice. Mas pipiliin ko pang maging aso na lang kaysa sa maging tigreng walang amo at walang pagkain sa gitna ng gubat.

"ARE you done with your work?" tanong sa kanya ni Yuan.

"Not yet, sir. Patapos pa lang po." sagot niya at tinignan ang orasan.

7:30 PM na pala. Hindi man lang niya napansin ang oras. Masyado kasi siyang nababad sa trabaho.

"Oh, okay. Did you bring your car?" umiling naman siya sa tanong ng amo.


"Coding ako eh." tipid niyang sagot habang nakatingin pa rin sa laptop niya kung saan siya gumagawa ng trabaho.

"Okay then." sabi ng lalaki at umupo sa sofa na nakatapat sa working place niya at sa opisina nito.

"Sir, ano pong ginagawa niyo diyan? Hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ni Leigh Anne sa kanya.

"I'll wait for you. It's rush hour, it will be difficult for you to commute and go home alone. I can drive you home anyway." sagot ni Yuan habang nakapikit ang mata.

Mukhang pagod na pagod ito sa unang araw niya bilang CEO at President ng AWC.

Kahit hindi pa tapos ang trabaho, niligpit na agad ni Leigh Anne ang mga gamit niya para umuwi. Ayaw niya na kasing magtagal pa sa paghihintay sa kanya ang lalaki. Nahihiya siya dahil isasabay na nga siya sa pag-uwi, magpapahintay pa siya.

"Sir, tapos na po ako." tumayo siya sa harap ng lalaki. Hindi siya sinagot nito ni kinibo.

Tumabi siya sa sofa at pinagmasdan ang lalaki habang natutulog. Mas humaba sa kina-ugalian ang mga pilik-mata niya. Napakapayapa rin niya tignan at maihahantulad mo siya sa isang anghel. Kahit nakaupo lang siya matulog ay mukha naman siyang komportable.

Hindi maiwasang mapangiti ni Leigh Anne habang tinititigan ang lalaki.


"What are you staring at?" nagulat at napahawak siya sa dibdib sa sinabi ng lalaki.

"A-ano..." Sinubukan niyang mag-isip ng palusot pero wala siyang maisip.

"Do you still have a crush on me?" tanong sa kanya ni Yuan at tumayo.

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon