Sinusubukan ko nang matulog dahil galing ako sa duty pero hindi ko magawa-gawa dahil sa lakas ng tawa mo at ni Marga na nanood ng pelikula.
"Johann! Marga! Ang lakas ng tawa niyo! Nagpapaantok na ako. May tuturuan pa ako mamayang hapon!" sigaw ko pero hindi man lang ninyo ako napansin.
Napairap na lang ako at pinagmasdan na lang kayo.
Magkahawak-kamay kayo habang kumakain ng popcorn at nanonood.
"Ay, ubos na yung popcorn. Titingin lang ako sa cabinet kung meron pa." paalam ni Marga at tumango ka naman.
Bumalik din agad si Marga na may hawak ng pitaka.
"I-pause mo muna 'yung tv. Pupunta lang ako sa supermarket sa may kanto. Bibili lang ako ng popcorn." paalam niya.
"Sasamahan na kita." tatayo ka na sana pero pinigilan ka ni Marga.
"Huwag na. Mabilis lang naman ako eh. Atsaka, ikaw na bahala kay ate. Baka magising pa siya." tumango ka na lang at umalis na siya.
Naiwan kang mag-isa at tumingin kung saan-saan hanggang nagtama ang mga paningin natin kaya pumunta na rin ako sa kusina. Uminom ako ng tubig at lumapit ka sa akin.
"'Yung nakita mo kanina, 'wag ka sa-"
"Ano ka ba, Johann, hindi mo kailangan magpaliwanag. Girlfriend mo naman si Marga." sabi ko at hinarap ka.
"Pero alam kong nasasaktan ka." parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig 'yon mula sa'yo. Alam mo naman pala eh pero bakit parang kung umasta ka parang wala kang alam?
"Bakit naman ako magseselos? May karapatan ba ako?" binigyan mo ako ng "sabihin mo na lang kasi" look.
"Siguro nasasaktan nga ako kasi gusto kita pero huwag kang mag-alala. Kaya ko namang pigilan eh. Nakaya ko nga dati, kaya ko ngayon." naramdaman kong humapdi ang mata ko at tumulo ang mga luha.
"Mika-"
"Huwag mo akong lalapitan. Please." humakbang ako patalikod.
Ayoko. Ayokong hawakan mo ako. Kasi mali. Masasaktan lang si Marga at hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.
Lumapit ka pa sa akin para mahawakan ako pero lumalayo pa rin ako.
"Ano ba, Johann?!" sumigaw na ako na siyang ikanagulat mo.
"Tama na! Hirap na hirap na ako!" nakita ko kung gaano kalungkot 'yung mga mata mo.
"Sobrang hirap na makitang kasama mo siya at hindi ako. Ang hirap na makitang ang saya-saya niyo! Ang unfair man pakinggan pero naiingit at nasasaktan ako." umiling-iling ako.
Hindi ako makapaniwala na sinasabi ko na lahat ng nararamdamn ko sa harap mo.
"Mika," sinubukan mo lumapit pero umatras ako.
"Huwag mo akong hawakan dahil baka hindi na ako makapapigil." yumuko ako at hinayaang tumulo lahat ng luha.
Akala ko aalis ka na at iiwan na akong mag-isa pero naramdaman ko ang katawan mo na nakadikit na sa katawan ko.
Para bang huminto ang pagtibok ng puso ko.
Mika, bumitaw ka na.
Sumasang-ayon ang utak ko pero hindi makagalaw-galaw ang katawan ko.
Hindi ako makabitaw kasi ang tagal kong hinintay 'to. Ang tagal kong hinintay na tanggapin mo ako.
Pakiramdam ko, ligtas ako sa bisig mo. Ang saya ng puso ko kapag kasama kita.
"Johann? Ate?" kumalas agad ako sa yakap nang makita si Marga na nasa may pinto at nakatitig sa atin. Nagpipigil siyang umiyak.
"Marga," lumapit agad ako sa kapatid ko. Hahawakan ko na sana siya pero inilayo niya ang kamay niya.
Nanginginig ang kamay niya at nagpipigil lang siya ng galit.
"Marga, huminahon ka. Magpapaliwanag-"
"Johann, sa labas tayo mag-usap." diretso at malamig na sinabi ni Marga. Hindi ko matanto kung ano bang emosyon ang nararamdaman niya. Galit ba siya o nalulungkot?
Tumango ka at lumabas kayong dalawa.
