Johann Mikael Morphiosa-6

6 0 0
                                    


Hindi ko magawang makalapit sayo nang makita kitang nakahiga sa kama at namumutla.

Ibang-iba ka na sa masiglang Johann na kilala ko. Sobrang nanghihina ako dahil nakita kong mahina ka.

"Johann..." puno man ng kaba ang aking pakiramdam, lumapit pa rin ako sayo at hinawakan ang iyong kamay.

"Sorry, Johann...I'm sorry." inilapit ko ang kamay mo sa mukha ko.

Sana lagi kang maayos. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko kaya.

"M-mika..." narinig ko ang bulong mo. Gising ka na.

"Johann, gising ka na." niyakap agad kita.

"Sobrang natakot ako kung alam mo lang." sunod-sunod na hikbi ang aking pinakawalan.

"Lalaban ako...para sa'yo...at hindi ako mapapagod...pangako..." matagal-tagal mo 'yang sinabi pero ramdam na ramdam ko pa rin.


"Sorry...sorry kung ganito 'yung nangyari sa atin." ipinikit mo ang mga mata mo pero alam kong nakikinig ka pa rin sa akin.


"Kailangang masaktan pa ang kapatid ko para lang sa atin." napapikit ako at yumuko pero hinawakan ko ang baba ko at itinaas ang mukha ko.

"Mahal mo ba talaga ako, Mika?" agad akong tumango.

"Oo, mahal kita. Mahal na mahal. Sobra pa sa inaakala mo." sagot ko kasabay ng pagtulo ang mga luhang kanina pang pinipigilan.

"Pero mas mahal mo ang pagsasayaw." napatitig ako sa iyo.

"Mahal ko ang pagsasayaw dahil iyon ang dahilan kung bakit ako napalapit sayo. Mahal ko ang pagsasayaw dahil sa'yo. Sumasayaw ako dahil bukod sa nararamdaman ko ang sarili ko, naalala kita. Sumasayaw ako para sayo, Johann." paliwanag ko at hinawakan ang mga kamay mo.

Tumulo ang mga luha mula sa mga mata mo. Hindi ko inaasahang makikita kang umiiyak.

Nilapitan kita at pinunasan ang mga luha sa mukha mo. Hinila mo ako papalapit sayo at nilapat ang iyong labi sa aking noo.

Matagal iyon kaya hindi ko maiwasang ipikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang pagmamahal mo. Ramdam ko na nag-aalala ka. Ramdam na ramdam kita.

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon