Axel Louis Dela Fuente-3

0 0 0
                                    


ILANG linggo na ang nakalipas mula ng naging manager ng New Jam si Marga. Lagi siyang kasama ng mga ito tuwing may gig sila at guestings. Siya ang nag-aasikaso ng lahat para sa kanila mula sa pagpapapractice nila hanggang sa actual performance nila.

"Aalis ka na naman? At, Diyos ko, dala mo na yata ang buong bahay! Wala ka na bang balak umuwi?" sunod-sunod na sabi ni Leigh Anne habang pinapanood si Marga na nag-iimpake ng mga damit at gamit.

"Hindi muna ako makakauwi masyado. Maraming gigs at guestings ang New Jam kaya mas busy ako tapos may pasok pa ako." sabi ni Marga.

"Eh saan ka naman tutuloy?" tanong ng kaibigan.


Napatigil sa pag-iimpake si Marga at nilapitan si Leigh Anne.

"Secret lang 'to ah." agad namang tumango si Leigh Anne. Certified chismosa si Leigh Anne at mahilig ito sa mga sikreto.

"Pinayagan akong tumira ni Miss Lalaine sa bahay ng New Jam." bulong ni Marga at agad namang nanlaki ang mata ng kaibigan.

"Ano?! Titira ka kasama ang New Jam?" tumango si Marga. Tumalon at nagtitili si Leigh Anne.

"Ang suwerte mo! Titira ka kasama nila!" tuwang-tuwa si Leigh Anne pero napawi bigla ang ngiti nito.

"Nakakainggit ka naman! Titira ka kasama ni Fafa Yuan!" natawa si Marga dahil alam niyang crush na crush ng kaibigan ang pianist ng banda na si Yuan.

"Huwag ka mag-alala. Babantayan ko si Yuan para sayo." umakbay siya kay Leigh Anne at napangiti naman ito.

"Sabi mo 'yan, ah! Bibisitahin kita roon para makita ko naman ang future husband ko!" sabi ni Leigh Anne at natawa naman si Marga.

"IMPRESSIVE, Miss Zulueta. As always." puri sa kanya ng professor niya nang ipasa niya ang sheet music ng cinompose niyang kanta.

"Diba iyan yung kinanta nung New Jam?" bulong ng isa sa mga kaklase niya.

"Oo nga, noh, ninakaw niya siguro." wika naman ng isa.

"Iba talaga kapag wala naman talagang alam sa music, noh? Nagnanakaw." dagdag pa ng isa.

Hindi magawang magbingi-bingihan ni Marga nang marinig ang mga bulungan ng mga kaklase at pang-iinsulto sa kanya.

Akmang susugurin na niya ito nang makita niyang nakatayo sa harap ng mga kaklase niya ang isang lalaking payat na matangkad at naka-shades.

Don't tell me...

Napatakip siya ng bibig nang tanggalin ng lalaki ang suot na shades.

"Huwag ninyong iinsultuhin ng ganyan si Georgina." sabi ng lalaki at wala sa sarili namang tumango ang mga kaklase ni Marga.

"Hindi niya ninakaw yung kanta. Sa kanya talaga yung kanta. Siya ang nagsulat no'n kaya 'wag niyo siyang pagsasalitaan ng ganyan lalo na kung hindi niyo alam ang buong kuwento." sabi nito at nilagpasan ang mga babae na mukhang gulat na gulat dahil sa nakita nila.

Nilapitan si Marga ng lalaki at nginitan siya.

"Tapos na ang klase mo?" tanong ng lalaki.

"Bakit ka nandito? Maraming makakita sa'yo!" bulong ni Marga sa lalaki pero tinawanan lang siya nito.

"Halika na nga! Kumain na lang tayo!"hindi pinansin ng lalaki ang sinabi niya at hinila siya papalayo.

"GRABE! Ang dami mo namang biniling pagkain!" sabi ni Marga habang pinagmamasdan ang mga pagkain na binili para sa kanya ng kasama. Kasalukuyan silang nasa isang fast food chain pero wala masyadong tao roon dahil patay na oras.

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon