"GRABE ka, 'teh! Hindi ko inakalang magiging ganoon ka ka-fierce!" wika ni Leigh Anne habang nag-aabang sila ng UV Express pauwi sa bahay ni Marga.Doon na rin nakatira si Leigh Anne sa bahay niya at nakikiupa. Parehas kasi sila ng unibersidad na pinapasukan at nagkataong malapit naman ang bahay ni Marga sa NU.
Mag-isa na lang nakatira si Marga sa bahay nila dahil ikinasal na ang Ate Mika niya sa ex-boyfriend din niya na si Johann. Pero tanggap na niya ito dahil malaki ang age gap nila ni Johann at mahal naman talaga ng lalaki ang ate niya.
"Dapat lang! Akin naman kasi talaga 'to." sabi ni Marga at hinalikan ang sheet music.
MAAGANG nagising si Marga dahil may OJT pa siya sa top recording production company sa Pilipinas-ang Sunrise Recording Company.
"Good morning! I'm Georgina Zulueta and it's my first day here for my OJT." ngiting-ngiting bati ni Marga sa manager niya.
"Good morning, Ms. Zulueta! I'm Lalaine Xioson, your manager but please call me Ms. Lalaine." sabi ng kanyang manager.
"Yes, Ms. Lalaine." tumango ang manager sa kanya.
"In that case, mauna ka na sa conference room. Please prepare coffee for our guests." agad namang pumunta sa pastry area si Marga at nagtimpla ng mga kape. Pagkatapos ay iniligay niya iyon sa isang tray at dinala sa conference room. Halos malaglag na niya ang tray ng makita kung sino ang nasa loob-ang mokong.
"Ms. Zulueta, please come in." sabi ni Ms. Lalaine na nagpagising kay Marga. Agad naman niyang ibinigay ang kape sa mga panauhin.
Palabas na siya nang pigilan siya ng manager.
"Please stay, Ms. Zulueta and seat here." itinuro ng manager ang upuang nakatapat sa mga panauhin nila na ang New Jam.
Sakto pang katapat niya sa upuan ang mokong na magnanakaw na bassist ng banda. Umagang-umaga ay kumu-kulo ang dugo niya. Hindi niya kailanman mapapatawad ang lalaking iyon.
"Since we're all here, on behalf of Sunrise Recording Company, I congratulate you for your success, New Jam." pumalakpak si Ms. Lalaine na sinundan ni Marga at ang New Jam.
"Sobrang dami niyo nang gigs and guesting. Sa tingin ko, kailangan niyo na ng manager." sabi ni Ms. Lalaine.
"Opo, Ms. Lalaine. Sobrang dami na po naming gigs at hindi na kaya ni Yuan i-handle iyon ng mag-isa." sabi ng lead vocalist at tinuro ang pianist nila na siya na ring manager nila pansamantala.
"Georgina," tawag ng manager kay Marga at humarap siya rito.
"Will you accept the job of being New Jam's manager?"
"P-po? S-seryoso po ba kayo?" tanong ni Marga at tinignan ang New Jam. Nagpapacute na sa kanya ang lead vocalist, pianist at drummer pero ang bassist ay nakangisi lang.
"Of course I am. So, will you accept the job?" kumikislap ang mga mata ni Ms. Lalaine.
"Y-yes po, ma'am." sagot ni Marga at halos tumalon na ang miyembro ng New Jam.
"In that case, I'll leave you alone here. I hope you'll have a great day, guys!" pamamaalam ni Ms. Lalaine at iniwan na sila.
"So, Georgina, huh? Can I call you Georgie or George?" sabi ng bassist at napa-irap naman si Marga.
"Just call me Georgina." tipid niyang sagot.
"Grabe ka naman sa bago nating manager!"sabi ng lead vocalist habang nakangiti.
"By the way, I'm Terrence. Lead vocalist pero hindi ang leader." natawa naman si Marga sa sinabi ni Terrence.
Malaki ang bilugang mata ng lalaki. Matangos ang ilong at may seryosong mukha na malayong-malayo sa pagiging pala-tawa at pagpapatawa nito. Medyo tan ang kulay nito at maskulado.
"I'm Caleb, the drummer. If you need a jowa, just call me." sabi nito at nag-wink.
Medyo singkit ang mata at mahaba ang buhok na nakapusod. Maputi ito at medyo payat kaysa sa maskuladong si Terrence.
Hindi alam ni Marga kung maiinis, maiilang o matutuwa ba siya. Pero pinilit na lang niyang ngumiti para magmukhang magalang.
"I'm Yuan, the pianist. The most unneeded in this band." nawala ang ngiti sa mukha nang marinig iyon mula kay Yuan.
Matangkad at payat si Yuan. May bilugang mata rin siya katulad ni Terrence. Mahaba ang kanyang pilik-mata. Hindi masasabing guwapo siya sa unang tingin pero habang tumatagal ay pumopogi ito. Siya rinang pinakamaingay sa grupo pero ngayon ay tahimik ito na hudyat na siya'y bad mood.
"Yuan! Huwag mo ngang sabihin 'yan!" pagbabanta ni Terrence.
"Ikaw ang happy pill ng banda. Nakakapanibago na ganyan ka." sabat naman ni Caleb.
Nagkibit-balikat na lang si Yuan na mukhang bad mood at binaling na nilang lahat ang tingin sa bassist.
"I'm Axel." napalaki ang mata ni Marga nang napagtanto na ang lahat.
"I-ikaw s-si A-axel?" hindi makapaniwalang tanong ni Marga habang tinuturo ang bassist na si Axel.
"Ako nga." ngumisi ito habang malisyoso silang tinitignan nina Terrence, Caleb, at Yuan na hindi alam kung anong nangyayari.
"It's nice seeing you again, Marga."
HINDI pa rin makapaniwala si Marga na ang bassist ng New Jam ay walang iba kundi si Axel Dela Fuente.
Ininom niya ang mainit na kape na kanina niya pang hawak. Nadismaya siya nang malamig na pala ang kapeng kaniyang ininom.
Sa lahat pa naman kasi ng Axel sa mundo, siya pa!
Akala niya ay guni-guni lang niya na si Axel ang bassist. Akala niya ay kamukha lang niya ito.
"Marga," halos matapon na niya ang hawak ng kape dahil sa gulat sa biglang pagsulpot ni Axel.
"Huwag mo nga akong tawaging Marga. Hindi naman tayo close." sagot ni Marga at umiwas ng tingin.
Ibang-iba na ang Axel ngayon sa dating Axel na kilala niya. Bukod sa nag-iba ang itsura nito ay nag-iba na rin ang ugali nito. Kung dati ay maingay ito, ngayon naman ay sobrang tahimik nito.
"Grabe parang wala tayong pinagsamahan." he made it sound like they had an history. Agad namang nag-init ang pisngi ni Marga.
"Wala naman talaga tayong pinagsamahan!" depensa ni Marga.
"Wala nga ba?" nang-aasar na tanong ni Axel.
"W-wala..." paulit-ulit na umiling si Marga at tumawa naman ang lalaki.
"Magkaklase kayo tayo nung highschool! Nakalimutan mo na ba?" natatawang sabi ni Axel.
Pakiramdam ni Marga ay sobra siyang napahiya dahil dito.
Malisyosa ka kasi, Marga! Malamang may pinagsamahan kayo! Magkaklase kayo dati nung highschool!
