"MAS malaki pa pala 'yung unit mo kaysa sa unit ko." saad ni Leigh Anne nang dumating sila sa unit ni Yuan."No, I think it's the same. It's just I don't have many things." sagot ng lalaki habang naglalakad patungo sa isang kwarto. Sinundan naman siya ng babae.
Maganda ang ayos ng unit ng lalaki. Minimalistic ang style ng unit niya pero halatang-halata ang pagiging makalat niya sa gamit.
Namangha sa kuwartong pinasukan si Leigh Anne. Ito kasi ang kuwarto kung nasaan naroon ang mga musical instruments ni Yuan.
"Wow! Ang ganda naman dito!" sabi ng babae habang isa-isang kinikilatis ang bawat instrumento.
Napangisi at humalukipkip naman ang lalaki habang pinapanood ang babae.
"So, bakit mo ako dinala rito?" tanong ng babae at umupo sa isang beatbox.
"When I'm stressed, I go here and just play all my heart out. That way, I'll feel relieved." sabi ng lalaki at kinuha ang isang gitara.
Nagsimula nang tumugtog si Yuan gamit ang kinuhang gitara. Masasabing sobrang swabe nang bawat tunog na nililikha niya. Kaya naman manghang-mangha si Leigh Anne sa kanya.
"Ang galing mo palang tumugtog ng gitara, ah. Bakit hindi ka nag-pplay ng gitara sa banda?" tanong ng babae.
Ngumiti ang lalaki at pinagpatuloy lang ang pagtugtog.
"There's already a bassist and rhythm." sagot niya.
Si Axel ang bassist na siya rin lider ng banda. Samantalang si Terrence naman ang rhythm na siya rin lead vocalist ng grupo.
"Magaling ka kayang maggitara!" katwiran ni Leigh Anne kaya natawa sa kanya si Yuan at pinisil ang pisngi niya. Napalaki ang mata niya dahil sa gulat.
"I may be great but they are way better than me." sagot ng lalaki at mas itinuon ang pansin sa pagtugtog ng gitara.
"Nga pala," Sabi ng babae at napalingon sa kanya ang lalaki.
Dug dug dug
Hindi ganoon ang tibok ng puso niya dahil siya'y kinikilig o ano, kinakabahan siya.
"Why?" tanong ng lalaki.
Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang tignan na siya ng lalaki. She felt so intimidated by him.
"Naisip ko lang kasi," alam ni Leigh Anne kung ano ang sasabihin niya pero walang lumalabas na salita mula sa bibig niya.
"Hmm?"
"Base kasi sa sinabi ng mga stockholders kanina, may pag-asa ba na..." biglang nanginig ang kanyang mga kamay at pinilit na itago 'yon.
Paano kapag tinanong ko na siya, hindi na niya uli ako lalapitan? Paano kung lumayo na siya ng tuluyan?
"May pag-asa ba na ibenta mo 'yung kompanya?" sa wakas ay nasabi na niya. Unti-unting naningkit ang mata ni Yuan at tumigil sa pagtugtog.
