"Ate," nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Marga."Marga," lumapit ako sa kanya.
"Sorry, Marga. Hindi ko sinasadya." yumuko ako.
Pakiramdam ko sobrang sama kong ate. Ipinagkakait ko sa kapatid ko ang kasiyahan.
Imbes na magalit ay nginitian ako ng kapatid ko at niyakap.
"Huwag kang mag-alala, ate. Hindi ako galit." napapikit ako.
Ano bang ginawa ko at napakabait ng mga tao sa paligid ko?
"M-marga..."
"Sorry, ate. Alam kong gusto mo si Johann pero inagaw ko pa rin siya sayo. Ako ang unang nang-agaw, ate. Hindi ikaw." kumalas ako sa yakap at hinarap siya.
Pinunasan ko ang mga luha sa mukha niya at hinawakan ang mga kamay niya.
"Sorry, Marga. Sorry." umiling siya at pinisil ang kamay ko.
"Hindi ako nararapat para kay Johann, ate. Hindi ko siya napapasaya. Ikaw lang ang may kayang magpasaya sa kanya kasi ikaw yung taong mahal niya." sabi ni Marga.
"Alam kong ikaw talaga 'yung gusto niya pero pasaway ako eh. Naging makasarili ako kaya pinilit kong ako. Isiniksik ko ang sarili ko sa buhay niya. Sorry, ate. Ipinagkait ko sa inyong dalawa yung kasiyahan na karapatdapat para sa inyo." wala na akong ibang nagawa kundi yakapin ang kapatid ko.
"Sorry, Marga."
"Sorry, ate."
"Pinakawalan ko na siya, ate. Wala rin naman mangyayari sa amin eh. Puntahan mo na siya. Alam kong matagal niyo nang hinihintay ang isa't-isa." kumalas siya sa yakap at nginitian ako.
"Marga..." hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Parang napaka-unfair ko.
"Ate, puntahan mo na siya. Puntahan mo na ang pangarap mo." ngumiti siya. Sinsero iyon kaya alam kong pumapayag na talaga siya.
"Marga, maraming salamat." ngumiti ako at tumakbo na palayo.
Tumakbo na ako papunta sayo. Lumabas ako ng bahay at nakita kang nakatayo sa kabilang bahagi ng kalsada.
Nakalagay ang mga kamay mo sa bulsa ng pantalon pero hindi ka galit. Nakangiti ka.
Tumulo ang mga luha ko nang mapansing abot-kamay na kita. Ikaw at ako-wala nang iba.
Tumakbo ako palapit sa iyo-ang pangarap ko. Atin na 'to. Wala nang makakapigil sa atin pero...
"Johann..." inalog kita. Wala ka nang malay.
"Gumising ka! Huwag ka magbiro ng ganyan!"
"Miss, hanggang dito na lang po kayo." pagpipigil sa akin ng nurse nang pinasok ka na sa operating room.
Napaupo ako sa sahig at humagulgol.
"Ate! Anong nangyari?" tanong ni Marga na kararating lang sa ospital.
"T-tatakbo s-sana a-ako p-palapit s-sa kanya....tapos...naramdaman ko na lang bigla na may paparating...t-tinulak n-niya ako...siya yung nabangga, h-hindi a-ako." niyakap agad ako ni Marga at hinaplos ang likod ko.
"Tahan na, ate. Malakas si Johann. Malalagpasan niya 'to." oo, naniniwala akong malakas ka kaya lumaban ka.
Ilang oras ang lumipas nang lumabas na ang doktor mula sa operating room.
"The operation is successful. There's nothing to worry about. Na-damage lang yung leg niya dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga. For the mean time, he can't move his legs but it'll recover." paliwanag ng doktor.
"S-salamat po, doc." sabi ko at umalis na ang doktor.
