Cxianna woke up early because it is another day of being a teacher assistant of her favorite professor, Miriam Echavez.She's wearing a pastel pink oversized shirt and denim skirt with a buckled belt. She feels so confident with wearing those clothes.
"Good morning, prof!" bati niya kay Prof. Echavez nang dumating siya sa opisina ng guro.
"Good morning, Cxianna! You look dazzling today!" pagpuri sa kanya ng professor at humayo na sila papunta sa unang klase nila.
Tumayo agad ang 2nd year college students. Naiilang siya sa tuwing nangyayari ang ganoon dahil 3rd year college student lang din naman siya. Isang taon lang ang agwat niya mula sa kanila.
"So today, we will have a—" naputol ang sinasabi ni Professor Echavez nang biglang tumunog ang kanyang telepono.
"Excuse me." sabi niya at lumabas ng classroom.
Naiwang mag-isa si Cxianna at pinagtitinginan siya ng mga estudyante.
She felt discomfort because of their stares.
Maya-maya pa ay nagtext na sa kanya si Prof. Echavez na may emergency daw siya at si Cxianna na raw ang bahala sa klase niya.
Nakaramdam siya ng kaba dahil doon.
"Ummm, so..." naramdaman niyang nguminig ang kamay niya pero pinigilan niya ito.
"Since Prof. Echavez will not be around, I will be the one to facilitate you." sabi niya at nagsimula na ang bulungan.
"Can I please request for silence?" agad namang tumahimik ang mga estudyante.
"You are tasked to read at least three plays written by local playwrights after that, you must write a reaction paper. I will give you the whole period to do that." umupo na siya sa teacher's table at nagsimula na ang mga estudyante sa pagbabasa.
Nang narinig na ang katahimikan, biglang bumukas ang pinto kaya nakuha ang atensyon ng lahat.
Hindi makita ni Cxianna 'yon dahil naiwan niya ang kanyang salamin sa locker na nasa kabilang building pa.
Walang sabi-sabi na umupo ang lalaking nakasuot ng plain black shirt at basketball shorts.
"Excuse me, how polite of you, sir." tumayo si Cxianna at tumingin sa gawi ng lalaki kahit hindi niya ito nakikita ng malinaw.
"Pssh." bulong ng lalaki at tumayo.
"Don't you know how to greet? You're late for the class!" sabi ng babae.
"Bakit naman kita babatiin? 3rd year ka lang naman. Hindi ka naman professor." sagot ng lalaki at natawa naman ang iba.
Nakaramdam ng sobrang hiya si Cxianna nang marinig iyon.
"I know I'm not a professor but I'm still older than you. The fact that I'm here in front means I demand respect from you." mabilis ang tibok ng puso niya habang sinasabi iyon.
"Technically, we have the same age." pagmamatigas ng lalaki.
Nakaramdam na ng gigil si Cxianna at lumapit sa lalaki.
"How dis—wait! I think I know you." sabi ng babae at tinignan ng maigi ang lalaki.
Kumunot ang noo ng lalaki at naningkit ang kanyang mga mata.
"I think I know you too." anang lalaki at ngumisi.
How dare this guy! Bastos talaga siya, eh noh? Mula sa tricycle hanggang sa classroom?!
"Kahit ano talagang mangyari, bastos ka eh noh?!" Cxianna shoot him glares.
"What's happening here?" napatingin agad ang lahat kay Prof. Echavez na naglalakad palapit sa kanilang dalawa.
Napalunok naman si Cxianna.
"Miss, this guy right here is late and he doesn't even know how to greet or to apologize." sagot niya at tinignan ng masama ang lalaki na nakangiti lang nakatingin kay Prof. Echavez.
"Here we go again, Mr. Fumuosa! Didn't we talk?" sabi ni Prof. Echavez.
"I'm sorry, prof." yumuko ang lalaki.
"I think you owe Ms. Foulard an apology for the commotion you caused." mariing saad ng propesor at humarap ang lalaki sa babae.
"Sorry....Miss Foulard." saad ng lalaki at nagsimula ang mga "ayieeee"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Cxianna na para bang hindi siya mapakali.
Ngumiti siya ng tipid kahit para sa kanya'y hindi sinsero ang lalaki.
"GOODBYE, Prof. Echavez and Ms. Foulard." pagpapaalam ng mga estudyante at umalis.
"MR. Fumuosa, please stay." sabi ng propesor sa lalaki bago pa man siya makalabas.
Nang makalabas na ang lahat ng estudyante ay nagsimula nang magsalita ang propesor.
"The coach of the basketball varsity team told me that you might have to quit the varsity team, Mr. Fumuosa." Napalaki ang mata ng lalaki na halatang gulat na gulat.
"But you still have a chance and a choice." dagdag ng propesor.
"Ano po 'yon?" tanong agad ng lalaki. He will do everything just to stay in the varsity team and make his dreams come true.
"Let Ms. Foulard tutor you with Philippine Literature."
"Po?!" Agad na sabi ni Cxianna. Hindi siya nasabihan ukol dito.
"This tutorial will be paid, Ms. Foulard." saad ng propesor.
"But, prof., I don't need money." katwiran ng babae.
"Kung ayaw mo ako i-tutor, ayos lang." sabi ng lalaki.
He's getting on my nerves! Kinokonsensya niya ako!
"Fine, I heard you. I'll do it." sabi naman ni Cxianna kaya napangiti ang propesor.
"It is set then! Just talk and come up with a schedule." sabi ng propesor at umalis na.
Tumalikod ang lalaki at aalis na sana.
"Hoy!" malakas na sigaw ni Cxianna kaya napalingon sa kanya ang lalaki.
The guy gave her a what-do-you-need look.
"Sobrang arogante mo! Sobrang nakakainis ka!" pumadyak-padyak ang babae dahil sa sobrang inis na nararamdaman. Wala na siyang pakialam kung mukha siyang batang nagtatantrums.
Umiwas ng tingin ang lalaki at pasimpleng tumawa.
"Nakuha mo pa talagang tumawa ngayon! Bwisit ka!" kinuha ni Cxianna ang bag niya at patakbong nagtungo sa may pinto pero tumigil siys sa may pintuan.
"Pumunta ka sa library ng 5 pm!" sigaw niya at lumabas na.
Naiwan ang lalaki roon ng mag-isa habang tumatawa.
