Yuan Joseph Foulard-2

1 0 0
                                    


"DADDY! No, we can't do this!" napataas ang boses ni Leigh Anne.

Nakaupo ang kanyang ama sa isang swivel chair sa opisina niya. Malaki at malawak ang kaniyang opisina.

"Kailangan mo 'to gawin! For the sake of our company!" sabi ng daddy niya.

"No! You're doing this because of your own greed. Our company can handle even without Amethyst Water Company!" katwiran niya.

Tinitigan lang siya ng kanyang ama at sumingkit ang mga mata.

"How dare you say things like that when I'm your father?! Ipinagpapalit mo na ang kompanya, ang pamilya, at ang pagiging Arjino mo ng dahil lang sa Yuan na 'yon?!" sigaw ng kanyang ama.

Bawat salita ay tumama sa kanya at parang iyon kutsilyo na sumasaksak sa kanya.


"It's not like that, dad." bulong niya.

She suddenly felt guilty for everything she said.

"Ganoon 'yon! Ito ang tandaan mo, kung may pakialam at pagmamahal ka sa pamilyang ito, susundin mo ang mga gusto ko." Leigh Anne felt like she fell in his father's trap. Her conscience is so strong that she knows she can't resist her father.

"Yes, dad. Susundin ko po kayo." sagot ni Leigh Anne.

"KAILANGAN mo ba talagang umalis, Leigh Anne?" malungkot na tanong ni Marga sa kanya habang pinapanood siyang mag-impake ng gamit.

Pagkatapos ng isang taon pagtira kasama ang kaibigan sa bahay niya ay nahihirapan siyang gawin ang paglilipat. Kahit na nahihirapan siya, kailangan niyang gawin 'yon, dahil iyon ang utos ng kanyang ama.

"Sobrang tagal ko nang nakitira sa bahay mo, noh!" pinilit ni Leigh Anne na maging masaya ang tono ng boses niya.

Labag talaga sa loob niya na umalis sa bahay ni Marga pero utos na iyon ng daddy niya at wala na siyang ibang magagawa.

"Umalis ka na roon sa maliit bahay ng kaibigan mo." sabi ng kanyang ama na nagpagalit sa kanya.

"Maliit man ang bahay niya, doon ko lang naranasan ang totoong ibig sabihin ng isang tahanan." namuo ang mga luha sa kanyang mata.

Ayaw niya sa lahat ang iniinsulto siya at ang mga taong malapit sa puso niya.

"I never experienced home with you, dad." diretsong sabi niya sa ama pero hindi man lang siya tinignan nito.

"Umalis ka na sa bahay niya. Binili ko na ang condo unit sa tapat ng condo ni Yuan. Lumipat ka na roon." nagulat siya sa sinabi ng ama. Mukhang planado na niya ang lahat at wala na lang nagawa si Leigh Anne kundi sumunod.

"Kahit na! Puwede ka pa naman tumira rito!" suhestiyon ni Marga. Gusto sana niyang sumang-ayon sa kaibigan pero wala na siyang magagawa.

Ngumiti siya at niyakap si Marga.

"Salamat sa lahat, Marga. Sobrang na-aappreciate ang mga tulong mo sa akin." bulong niya sa kaibigan habang magkayakap sila.

Pinalo siya ng kaibigan sa balikat kaya napakalas siya sa yakap.

"Aray! Masakit, ah." hinaplos niya ang balikat.

"Hindi naman masakit 'yon eh!" katwiran ni Marga at tumawa.

Napangiti na rin sila. Sa unang kita kay Marga ay masasabing mukha siyang mataray pero kapag ito'y nakilala ay parang 'tong diwata sa kabaitan at kagandahan. Napagod nga si Leigh Anne sa kakatanggap ng mga regalo ng mga lalaking may gusto at nanliligaw kay Marga.

Kung tutuusin, puwede na lang naman bumili ng condo unit o apartment si Leigh Anne pero pinili niyang makitira na lang kay Marga dahil masaya siya dahil nagkaroon siya ng kaibigan nakakaintindi sa kanya. Naramdaman niya ang pamilya kay Marga dahil lagi siyang naroon para kay Leigh Anne.

Masakit man at mahirap tanggapin na kailangan na niyang iwan mag-isa roon si Marga, ginawa niya pa rin. Marahil dahil makasarili siya pero iyon na lang ang paraan para isalba ang sarili niya.

TAMA nga ang sinabi ng kanyang ama. Katapat na katapat nga ang unit niya sa unit ni Yuan.

Magkapit-bahay na nga sila.


Hindi maiwasang ngumiti at kiligin ni Leigh Anne nang tuluyang matanto na magkapit-bahay na nga sila ng long time crush niya na si Yuan.

Mga bata palang sila ay crush na niya si Yuan. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama at ang kanilang mga ina naman ay laging magkasamang magpaspa.

Araw-araw tuwing hapon, pupunta si Yuan sa bahay nila at maglalaro. Mapahabul-habulan, luto-lutuan, doktor-doktoran, bili-bilihan, at kasal-kasalan ay nalaro na nila lahat iyon.

Buong kabataan niya ay kasama niya si Yuan, mapamasaya, mapamalungkot. Pero nang tumanda sila, biglang dumistansya sa kanya ang lalaki sa hindi malaman na dahilan.

Nagluluto ngayon si Leigh Anne ng lasagna dahil ibibigay niya 'yon kay Yuan.

Kahit may ibang intensiyon siya sa pagtira sa tapat ng unit niya, mananatili pa rin ang katotohanan na gusto niya ang lalaki at kailanman ay hindi iyon mababago.

Nang matapos niya magluto ay dumiretso na siya agad sa unit ni Yuan.

"Leigh, you're here again." hindi niya malaman kung natutuwa ba o ano si Yuan nang makita siya.

"Nagluto kasi ako tapos may natira." ginamit niya ang parehas na palusot na ginamit niya rin dati.

Nagtaka si Leigh Anne kung bakit hindi pa siya inaaya ni Yuan sa loob at parang may tinatago siya sa kanya.

"A-ah, i-ito nga pala..." inabot na niya ang niluto dahil mukhang hindi na siya papapasukin pa ng lalaki.

"Thank you." sabi ng lalaki at tumalikod na siya mula sa kanya.

Akmang papasok na sana siya sa unit niya nang tawagin siya ni Yuan kaya napalingon siya sa kanya.

"You moved?" tumango si Leigh Anne.

"Why didn't you tell me?" tanong pa sa kanya.

"Ayaw ko namang i-abala ka. Besides, it has nothing to do with you." sagot naman ni Leigh Anne.

"Yuan, tama ba 'to?" Lumapit sa lalaki ang isang babaeng may hawak na gitara. Tinignan naman siya nito at inayos pa ang pagkakalagay ng kamay ng babae.

The nerve of that girl! Hindi niya ba nakikita na nag-uusap kami ni Yuan?!

"Excuse me? Hindi mo ba nakita na nag-uusap kami?" Leigh Anne lost her cool. She can't handle seeing Yuan holding another girl's hand. Immature na kung immature but that's what she really feels.

"Oh, sorry." binaba ng babae ang gitara at inilahad ang kamay.

"I'm Rian, by the way." Pagpapakilala ng babae habang nakangiti.

At nakuha niya pa talagang magpakilala at ngitian ako?!

"Leigh Anne." tinanggap niya ang kamay ni Rian.

Kahit kumukulo na ang dugo niya, nakuha niya pa ring ngitian ang babae. Alang-alang kay Yuan.

"Why don't we all eat inside?" Alok ni Yuan.

"Okay na ako—"

"Sure!" sagot ni Rian at nauna pang pumasok.

Hindi lang pala epal ang Rian na ito, sabatera pa!

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon