Pierre Anton Fumuosa-3

6 0 1
                                    


"NAKAKAINIS talaga 'yung lalaking 'yon! Ang sarap patayin!" agad na tumungga ng Mango Shake.

"Kalma ka lang." bulong ng kaibigan niyang si Azi.

"Paano ako kakalma? Buti sana kung guwapo eh-"


"Eh guwapo naman talaga si Pierre!" sabat ng kaibigan habang nagbabasa ng libro.


Agad na sinara ni Cxianna ang libro at humarap sa kaibigan.


"Kilala mo 'yung Mr. Fumuosa-bubwit na 'yon?!" hindi makapaniwala at nanlalaking matang tanong ng babae sa kaibigan.


"Siyempre! Sino bang hindi nakakakilala kay Fumuosa 16?" sabi ng kaibigan.


"Ako! Hindi ko kilala 'yun! Kung puwede lang talaga eh!" umirap si Cxianna at isinalampak ang ulo.

Napatingin siya sa orasan at nakitang 5:03 PM na!

"Hala! Una na ako, Azi!" kinuha niya ang mga libro at tumakbo papuntang library pero natapilok siya kaya napagtawanan siya ng kaibigan.

Aish! Buwisit na buhay 'to!


"IKAW na nga ang nagsabing 5 pm tapos ikaw pa 'yung late." bungad sa kanyang ng buwisit na si Pierre.

Imbis na sagutin ang lalaki ay umirap lang siya at umupo sa tapat na upuan.


"Late ka kaya, ilibre mo ako ng dinner." sabi ni Pierre habang nagbabasa ng libro.

"Wow! Ang kapal mo talaga! Ikaw na nga 'yung tinututor ko!" sabi naman ni Cxianna.

"Ilibre mo na lang kasi ako. Kahit sa may karinderya lang." seryosong sabi ng lalaki.

Wow, hindi ko inakalang ganito pala siya kasimple. Hindi halata.


"Che! Basahin mo 'yung buod ng Noli Me Tangere." sabi ni Cxianna at inabot sa lalaki ang libro.

"Ano? Buong Noli Me Tangere?" tanong ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata nito na hindi makapaniwala.


"Hindi naman. Mula sa Isang Handaan hanggang Si Sisa lang." sagot naman niya at nag-aral na lang sa sarili niya.

"AKALA ko sa sosyal na lugar mo ako ililibre. Sa karinderya pa talaga." sabi ni Pierre nang ihain na ang pagkain sa kanila.

Bistek ang inorder nila kasi ayaw sabihin ni Pierre kung anong gusto niyang ulam.


"Hindi ako manghuhula kaya 'yan ang binili ko." sabi ni Cxianna at nilagayan ng konting sabaw ng bistek ang kanyang kanin.

"Masarap kumain kapag mainit ang kanin...at kapag libre." napangiti si Pierre sa sinabi ni Cxianna at kumain na rin.


"MADALI ka naman pala turuan eh." sabi ni Cxianna habang naglalakad sila papunta sa harap ng kanilang unibersidad.


Tango lang ang naging sagot sa kanya ni Pierre kaya napahiya ang babae.


"Pagkatapos kitang i-libre, tatahimik ka na lang diyan? Grabe." napatingin na lang sa baba ang babae habang naglalakad.

Biglang may dumaan na sasakyan na tumigil sa harap nila.

"Andiyan na 'yung sundo ko." tipid siyang ngumiti at kumaway sa lalaki pero tinitigan lang siya ng lalaki.

Kaya binaba niya ang kamay niyang kumakaway.

'Yung totoo? Tao ba talaga 'to?

"Gusto mo bang sumabay? Baka wala ka nang masakyan pauwi eh-" biglang may bumisina na SUV sa likod ng kotse ni Cxianna.

Magandang babae na mukhang trenta anyos na. Kumaway ito at ngumiti kay Pierre.

"Hindi. Hindi na kailangan." sabi ng lalaki at sumakay na sa kotse kaya naiwan ang babae mag-isa sa labas.

"Ma'am, 'di pa po ba tayo aalis?" tanong ng driver sa kanya.

Bumalik sa sarili si Cxianna at pumasok na sa kotse.


"BAKA sugar mommy niya 'yon!" sigaw ni Azi nang ikuwento sa kanya ni Cxianna ang nangyari kagabi.

"Sugar mommy?" tumawa ang babae sa sinabi ng kaibigan.

"Sa guwapo niyang 'yon kahit matatanda magkakagusto roon!" katwiran ng kaibigan.

"Sira!" pinalo niya ang balikat ng kaibigan.

Agad namang napangiwi ang kaibigan.

"Hala! Sorry." agad na hinaplos ni Cxianna ang balikat ni Azi.

"Masakit balikat ko!" bulong ng kaibigan.

"Sorry talaga! Nakalimutan ko! Sorry!" paulit-ulit na sabi ng babae. Nginitian naman siya ng kaibigan.

"Hindi, okay lang. Sisiw lang 'to." nakangiting sabi ng kaibigan pero alam ni Cxianna pero alam niyang nahihirapan ang kaibigan.

"Azi, si ano, oh." sabi ng babae at bumaling sa isang lalaking tumutugtog ng gitara habang kumakanta.

Nakita niyang naluha ang kaibigan at kung paano mabilis nitong pinunasan ang mga luha.

"Ano naman ngayon?" saad ng kaibigan na halatang naglalakas-lakasan lang.


"Hindi na ba talaga puwede, Azi? Kawawa naman siya." sabi ni Cxianna at umiling ang kaibigan.

"Hindi na. Masasaktan lang siya."


"IKAW naman ngayon ang late!" bati ni Cxianna kay Pierre nang dumating ito sa library.

Tuloy-tuloy lang ang pag-upo ng lalaki sa upuan na parang hindi man lang siya napansin.

"Wow, nice talking, ah." bulong ni Cxianna at ipanakita sa lalaki ang isang papel.

"Ano 'to?" nakakunot pa ang noo ng lalaki na tila wala talagang alam sa inabot ng babae.

"Papel malamang."

"Pilosopo ka talaga." tinignan ng lalaki ang papel. Napalingon ang babae sa lalaki na seryoso ang mukha. Hindi niya mapigilang titigan ang mukha nito.

Grabe, bakit ganito? Bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag tinitignan siya? Bakit ganoon?

"Tumutulo na 'yung laway mo." saad ni Pierre habang nakatingin pa rin sa papel.

"Kapal mo talaga!" nakadamdam ng ilang si Cxianna.

Ganoon ba talaga itsura ko? Tumutulo na ba 'yung laway ko? Nakakahiya! Hindi niya ako puwedeng makita ng ganoon!

"Nagbibiro lang ako." sabat ng lalaki na para bang naririnig ang nasa isip ng babae.

"Pinagsasabi mo diyan? 'Yan nga pala 'yung result ng quiz mo sa Literature. Nag-improve naman 'yung grades mo. Buti naman." sabi ng babae at tumango lang ang lalaki.

"Mukhang worth it naman 'yung pag-tutor ko sayo ng libre." dagdag pa niya. Agad na binaling naman ng gulat na mukha na sinundan ng galit na mukha ng lalaki.

"Ikaw nga yung nagsabi diyan na hindi mo kailangan ng pera!" katwiran nito.

"Of course, I don't need money! Ang kuya ko yata ang may-ari ng AWC!" bawi ng babae at napatigil naman ang lalaki.

"AWC?"

"Oo! As in Amethyst Water Company!" maligalig na sabi ng babae na kabaliktaran naman ng nararamdaman ng isa.

What a small world. Malapit ka pa talaga sa mapapangasawa ng half-sister ko.

"Ewan ko sayo, paano ba tayo napunta sa usapan na 'yon!" kinuha ni Cxianna ang libro na patungkol kay William Shakespeare at binigay iyon kay Pierre.

"Oh, magbasa ka na nga diyan!"

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon