Axel Louis Del Fuente-1

4 0 0
                                    


"MARGA! Sige na, sumama ka na!" pilit ni Leigh Anne kay Marga na nakasalmpak sa kama niya.

"Ayoko nga! Wala naman akong gagawin doon!" sagot ni Marga.

"Magaganda nga yung tugtog nung New Jam!" katwiran ng kaibigan.

Umirap si Marga dahil nakakaramdam na siya ng inis sa pamimilit ni Leigh Anne na sumama siya sa isang gig ng isang bandang tinatawag na New Jam. Naririnig na niya kung saan-saan ang banda pero hindi niya pinapakinggan ang mga tugtog nito.

"Marga, ano 'to?" tanong ni Leigh Anne habang hawak ang isang box. Dinaig pa ni Marga ang The Flash sa sobrang bilis at inagaw agad mula sa kaibigan ang kahon.

"Grabe naman 'to! Tinatanong ko lang naman kung ano 'yan! Grabe! Napakasensitive mo." umupo ang kaibigan sa kama niya at umarteng nagtatampo.

Pinagmasdan niya ang kahon at pinagpag ang ilang alikabok sa takip nito. Ito ang kahon na naglalaman ng mga bagay na pinakatinatago niya. Hindi naman ganoong kaganda ang mga laman no'n pero mahalaga at malapit sa puso niya ang mga 'yon.

"Sige na nga! Sasama na ako sa gig na 'yan! Siguraduhin mong maganda ang mga tugtugan nila, ah! Mas maganda pa dapat sa mga tugtog ko!" ani Marga at napatayo naman agad si Leigh Anne na parang bula kung nawala ang pagtatampo. Lumapit siya sa kaibigan at hinawakan ang braso.

"Yieee! Sabi ko na nga ba, papayag ka eh! Yehey!" parang bata ito na tumalon-talon.

Walang ibang nagawa si Marga kung hindi mapailing.

"HINDI naman maganda 'yung mga tugtog nila eh!" dismayadong saad ni Marga habang nanunuod sa New Jam. Akmang tatayo na sana 'to pero pinigilan siya ni Leigh Anne.

"Ano ka ba?! Unang kanta pa lang nila 'yan! Masyado kang judgmental!" sabi ni Leigh Anne at nakangiting nanood sa New Jam.

Wala nagawa si Marga kundi sundin ang gusto ng kaibigan.

Nasa isang restobar sila sa may BGC. Doon ginaganap ang gig ng banda. Maraming tao at maraming cellphone na nakataas at vinivideohan sila.

Hindi maintindihan ni Marga kung bakit ginagawa pa 'yon ng mga tao. Bakit pa kailangan nila videohan kung pwede naman nilang damdamin ang pagkakataon na 'yon at alalahin habang buhay?

Tinitignan niya ang bandang New Jam. Mukhang mga original songs nila ang kinakanta nila kayo hindi pamilyar si Marga sa mga tugtog.

3rd year college na si Marga sa Bachelor of Science Major in Production sa National University. Mahal na mahal niya ang music kaya ito ang pinili niyang kurso. Balak niyang habang buhay na lang gumawa ng musika dahil dito siya nagiging masaya.


Isang oras ang lumipas at natapos na ang gig ng banda.


"Nag-enjoy ba kayo?" tanong ng lead vocalist.


"Yes!!!" buong-buo ang sigaw ng crowd at nakisali na si Leigh Anne doon. Mukhang gustong-gusto ng kanyang kaibigan ang banda.

Ngumiti ang lead singer, pianist at ang drummer. Habang ang bassist naman ay nag-rock and roll kaya tumili ang karamihan sa mga babae.

Sus! Akala mo kung sinong pogi!

"Hays! Ayoko na! Sa labas na lang kita hihintayin!" tumayo na si Marga at aalis na sana pero napatigil siya nang marinig ang pamilyar na tugtog.

Masdan mo ang mga mata
Damhin ang mga nagugunita
Manatili ka
'Wag nang lumisan pa

Napalaki ang mata niya nang matanto kung bakit pamilyar ang kanta.

Inalog niya si Leigh Anne na halatang nainis sa ginawa niya.

"Bakit ba?!" naiiritang sambit ng kaibigan.


"Kanta ko 'yan!" tinuro ni Marga ang banda.

Pinagmasdan siya ni Leigh Anne at tumawa.

"Nangangarap ka yata! Imposible na kanta mo 'yan-" huminto ang kaibigan at napalaki ang mata.

"Oo nga! Kanta mo 'yan! 'Yan 'yung pinarinig mo sa akin nung nag-meet up tayo sa cafe malapit sa bahay ninyo! 2 am na no'n at pinilit mo pa ako." tumango si Marga.

Nanlilisik ang matang tinignan niya ang banda lalo na ang bassist. Napagalaman niya na ito rin ang leader at main songwriter ng grupo.

Siya na ba 'yan o nahihibang lang ako?

Tuwing tinitignan niya ang bassist ay hindi niya maiwasang ang lalaking iyon. Hindi niya mawari kung siya ba talaga 'yon o sadyang kamukha lang.

"Maraming salamat po!" wika ng lead singer at sabay-sabay silang nag-bow.

"Halika, Leigh Anne!" hinawakan sa kamay ni Marga ang kaibigan at hinila ito.

"Aray! Saan ba tayo pupunta?" tanong ng kaibigan pero hindi niya pinansin ito. Dire-diretso siyang naglakad papalapit sa entablado kung nasaan ang New Jam.

"Hoy!" sigaw ni Marga at dinuro ang bassist.

Napa-oh naman ang mga iba nitong ka-banda. Mabuti na lang wala nang masyadong tao sa restobar kaya hindi na ito agaw-pansin.

"Ano ba, Marga? Tara na!" bulong sa kanya ni Leigh Anne at hinila siya pero inalis niya ang pagkakahawak sa kanya ng kaibigan.

"Alam mo bang plagiarism ang ginawa mo?! Ninakaw at inangkin mo yung ginawa kong kanta!" sigaw ng nanggigigil na si Marga.

Diretso lang siya tinignan ng bassist.

"Ah, ikaw pala ang may-ari nung sheet music na nakita ko sa Cafe Mania." nakangiting sinabi ng bassist.

Ang Cafe Mania ang cafe na malapit sa bahay nina Marga. Doon rin niya inaya si Leigh Anne para makinig ng cinompose niya ang kanta na iyon. Kaya pala nawawala ang sheet music niya ng kanta na iyon dahil naiwan niya sa Cafe Mania.

"At hindi mo man lang hinanap ang totoong may-ari at binalik?" naiinis na tanong ni Marga.

"Sorry." tinaas ng bassist ang dalawa niyang kamay.

"Sorry?" sarkastikong tumawa si Marga.

"That's all I get after you stole my song? Wow! Just wow!"

"What can I do to make you feel better?" tanong ng lalaki.

"Don't sing my song ever again and give me my sheet music! Ang tagal kong ginawa at pinagpaguran 'yon tapos nanakawin mo lang ng ganoon?" umirap si Marga at inilahad ang kamay niya.

"Marga, tara na!" hinila siya paalis ni Leigh Anne pero nanatili siyang nakatayo sa kinatatayuan niya.

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi niya ibinabalik ang sheet music ko!" sabi ni Marga. Tumawa naman ang buong banda.

"Ibalik mo na kasi, bro!" sabi ng lead vocalist at nakitawa ang iba pang bandmates.

Mas lalong sinamaan ng tingin ni Marga ang bassist. Kinuha nito ang bag niya at inalabas ang isang papel. Agad itong hinablot ni Marga at tinignan.

"Buti naman at binalik mo agad! Don't sing my song ever again or else!"

"Or else?" nangungutya na tanong ng bassist.

"Or else, you'll be dead."

Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon