"KUYA, nandito na ako sa labas ng bahay nina Olivia." kausap sa telepono ni Cxianna ang driver nila."Hala, ma'am, sorry po, nasiraan po kasi 'yung van. Tapos, 'yung iba pong kotse, gamit ng kuya niyo at ng mommy niyo po." sagot ng driver at napasinghap siya.
"What?! Paano ako uuwi?" tanong niya sa driver.
"Sorry po, ma'am, pero mukhang kailangan niyo pong magcommute." sagot ng driver.
"No way! Hindi ako marunong magcommute!" Napataas ang tono ng boses ni Cxianna at nagsimulang mag-panic.
"Sorry po talaga, ma'am."
"It's okay, kuya. Hindi mo naman kasalanan. I'll try to find a way. Thank you." sabi niya at binaba ang tawag. Tinignan niya ang phone niya at naisipan mag-Grab kaso wala na ang app niya na iyon.
Na-delete ko na nga pala!
I-ddownload na niya sana pero wala palang data ang phone na gamit niya. Spare phone lang kasi iyon dahil nasa pagawaan pa ang totoo niyang cellphone.
Maghihintay na lang ako ng taxi.
MARAMING minuto na ang lumipas pero ang mga taxi na dumadaan ay may mga sakay, ni isa ay walang bakante.
Maya-maya pa ay pumara na si Cxianna ng tricycle.
"Kuya, sa pinakamalapit po na sakayan." sabi niya sa nagmamaneho ng tricyle.
Umupo na siya agad sa tricycle at umandar na iyon.
"Miss," nagulat siya nang makarinig na malalim na boses na lalaki na mukhang kinakausap siya.
To her surprise, it was from the guy beside her. She was not alone in the tricycle, she is beside a guy who she doesn't even know.
She looked at him weirdly at tinaasaan siya ng kilay kaya napangisi ang lalaki.
"Sa totoo lang, out-of-the-way 'yung pinakamalapit na sakayan sa pupuntahan ko. Ewan ko ba sa driver kung bakit ka pa niya sinabay." saad ng lalaki at inirapan siya.
Agad na uminit ang ulo ni Cxianna at kumulo ang kanyang dugo. Huminga siya ng malalim to cool herself.
"Excuse me, I'm sorry for the commotion, sir." humarap siya sa lalaki na nakatingin lang ng diretso.
"Pero hindi ko naman alam na malayo pala 'yung pupuntahan mo sa pupuntahan ko. Una sa lahat, hindi ako taga-rito at hindi ko kabisado ang lugar na 'to. Pangalawa, I don't even know you or where you'll go." mariing sabi ng babae.
Ngumisi at tumawa lang ang lalaki nang hindi man lang siya tinitignan.
What the?! Bakit parang nakikipag-usap ako sa estatwa?!
She looked at the guy.
Maayos ang buhok nitong mukhang kakagupit lang at may side bangs ito na paulit-ulit niyang hinahawa. Medyo bilugan ang mata na tinatakpan ng itim na salamin. Matangos ang ilong at kasing-pula ng rosas ang mga labi.
What the hell are you thinking, Cxianna? Ang arogante ng lalaking 'yan! Huwag kang magpapaloko sa panlabas na itsura!
"Manong, patigil po ng trike." sabi ni Cxianna at itinabi naman ng tsuper ang tricycle.
The guy looked at her weirdly.
"Dito na lang po ako. Mukhang hindi po natutuwa 'yung isa niyong pasahero eh." akmang baba na sana siya pero nakaramdam siya ng mainit na kamay sa kanyang balikat.
She was shocked to see that the arrogant guy was clinging on her as if he's acting her not to go.
Naramdaman niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso at tumindig ang kanyang mga balahibo.
"Naku, ma'am, malayo pa po tayo sa sakayan. Mapupuwerwisyo lang po kayo kung baba pa po kayo ngayon." She looked at the tricycle driver with disbelief then she looked at the arrogant guy who's still holding her wrist.
Tinanggal niya ang pagkakahawak ng lalaki at umupo uli. Umandar muli ang tricycle at nakaramdam ng hiya si Cxianna.
"Padalos-dalos ka kasi akala mo naman alam mo na lahat." bulong ng lalaki. Tumingin na lang sa baba ang babae habang nagtitimpi.
"Ma'am, nandito na po tayo." sabi ng tricycle driver at tinigil ang tricycle.
"Magkano po, kuya?" kinuha niya ang wallet mula sa kanyang bag.
"Trenta lang po." kukuha na sana siya ng pera sa wallet niya pero napatigil siya.
Trenta? Ano 'yung trenta?
Napatingin siya sa lalaking katabi niya at binigyan siya ng ano-na-di-ka-pa-ba-bababa look.
"Ano po 'yung trenta?" Tanong niya sa tsuper at natawa naman ang isa pang lalaki.
"Ah, thirty pesos po." nagulat naman siya.
"Thirty pesos lang?"
"First time mo lang ba sumakay ng tricycle?" nakita niyang umirap ang lalaki.
"Yes, actually, it's my first time." sagot naman niya at dumukot siya ng isang daan sa wallet niya at inabot 'yon sa tsuper.
"Keep the change, kuya. Thank you po." sabi niya at bumaba na.
For the last time, she looked at the guy and memorized his face.
I'll see you again and I'll really kill you for real.
Tumingin siya sa paligid at nakita ang maraming kotse.
So, saan ako sasakay dito? I may end up not being home at all.
Nagulat siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello?"
"Cxianna?" a voice of a guy welcomed her.
"Kuya Yuan! Kumusta na?" maligaya niyang saad.
She really adores her older brother so much.
"I'm fine. By the way, I'm on my way to you. Where are you anyway?" tanong ng kanyang kuya.
"Sinabi ba sa'yo ni Kuya Jimmy?" she asked referring to their driver.
"Yes, he told me. Where are you?"
"Nandito ako sa may terminal. I'll get a ride way home." sagot niya.
"Oh, I see a signage referring to the terminal. Just stay there." binaba na ng kuya niya ang tawag.
Maya-maya pa ay nakita na niya ang kotse ng kuya niya. Napangiti siya at naginahawaan.
