"Kailangan kayo nagkakilala ni Yuan?" tanong ni Rian kay Leigh Anne habang kumakain ng niluto niyang lasagna.Ayaw man niya siya pakainin nito pero wala siyang magawa dahil magmumukha siyang masama sa harap ni Fafa Yuan niya.
Sasagot na sana siya nang sumabat muli ang babae.
"Kasi kami, highschool pa lang magkakilala na. Classmates nga kami eh."
Nagbabanta na tinignan ni Leigh Anne si Yuan pero pilit na ngumiti lang ito at nagkibit-balikat.
She's barely coping with her cool. Sobrang nabubuwisit na siya sa babaeng kumakain ng niluto niya para kay Yuan kahit hindi niya gusto.
Gusto niyang sabihan siya ng "Huwag mo ngang kainin ang luto ko! Para kay Yuan lang 'yan!" pero hindi niya magawa-gawa.
Marami man siyang naiisip na gawin, hindi siya ganoong katapang para ito'y totohanin.
"Kailan kami nagkakilala ni Yuan?" nagkunwaring nag-isip si Leigh Anne.
"Hindi ko na nga maalala eh kasi mula nang magkaisip ako, magkilala na kami." pagmamayabang niya.
Akala mo, mas matagal mo nang kilala si Yuan, ah, pwes mas matagal ko na siyang kilala kaysa sa iyo! Pwe!
Natahimik si Rian kaya nagdiwang sa loob-loob si Leigh Anne.
"Which is when?" tanong ni Rian.
Anak ng impakta naman! Anong klaseng tanong 'yon?
Imbis na mainis ay nginitan na lang niya ang babae.
"Mula nang mga bata pa kami, magkakilala na kami ni Yuan." paglilinaw niya at napa-"ah" na lang si Rian.
BINASA ni Leigh Anne ang e-mail na pinadala sa kanya ng kanyang ama.
Iyon ang sales report ng Amethyst Water Company para sa nakaraang taon at sa buwan ngayon.
Makikita sa report na patuloy ang pagbababa ng kompanya lalo na sa buwan na ngayon.
Siguro dahil naapektuhan ang kompanya sa pagkamatay ng CEO at President nila kaya bumaba na ng tuluyan ang kanilang benta.
Nakaramdam ng kaba si Leigh Anne para kay Yuan. Malaking responsibilidad ang haharapin nito sa oras na maipasa sa kanya ang kompanya.
"WELCOME, ladies and gentlemen to today's ceremony. We are here today to witness a very important event to Amethyst Water Company especially to our family." Pagbati ng ina ni Yuan at Cxiana sa mga panauhin na si Elena Foulard.
Nagniningning ito sa suot na black glittery off-shoulders evening gown. Her make-up is subtle but it showcases her beauty so well. Mukha rin itong taga-Western dahil sa maputi at makinis niyang balat.
Ginaganap ngayon sa isang hotel sa Makati ang isang handaan kung saan i-aanunsyo ang pagiging CEO ni Yuan.
"I'm nervous, Leigh." nasa backstage na si Yuan at kasama niya si Leigh Anne.
"Kaya mo 'yan. Ikaw pa. Ikaw kaya ang poging pianist ng New Jam." sabi ng babae.
"It's so different from now. This is way more serious." nanginginig na ang kamay ng lalaki at hindi na siya mapakali kaya naglakad na siya ng paikot-ikot.
Nilapitan naman siya ni Leigh Anne at hinawakan ang mga kamay niya. Malamig na ang kamay ni Yuan at hindi nakakatulong ang malamig din niyang kamay.
"Sorry, malamig 'yung kamay ko." ani Leigh Anne.
"It's okay. It somehow gives me comfort anyway." bulong ng lalaki.
"We all know that my husband, the ceo of AWC, passed away recently and I am replaced for his position temporarily. Now, I'm proud to introduce to you the permanent CEO and President of Amethyst Water Company, let's all welcome, Yuan Joseph Foulard." binitawan na ni Leigh Anne ang kamay ni Yuan at hinayaan na itong pumunta sa entablado.
Pero bago tuluyang pumasok ang lalaki sa stage ay binalingan siya muna nito at nginitian.
"Good luck." She mouthed.
Pumasok na si Yuan at napuno ng palakpakan ang buong venue.
"To everyone, I would like to thank you for welcoming me warmly. I must admit that I'm still not over my father's dead. I feel anxious everytime I think that I will succeed my father. I know that I may be too young to handle Amethyst Water Company but I assure you that I'll do my best. Thank you and I hope you enjoy the night." Tumibok ng mabilis ang puso ni Leigh Anne nang matapos ang speech ng lalaki.
Oo, proud siya sa kanya pero hindi pa rin niya puwedeng kalimutan ang misyon niya.
"KAILANGAN mo ng secretary, diba? I volunteer!" sabi ni Leigh Anne kay Yuan.
"Be his secretary." sabi ng daddy niya sa kanya.
"What? No way, dad! Para saan pa ang pag-aaral ko ng business management kung magiging secretary ako?" katwiran niya sa kanyang ama na kausap niya sa telepono.
It is ridiculous! Magtatrabaho siya ng isang trabahong malayong-malayo sa pinag-aralan niya.
"Temporary lang naman hanggang sa mabili natin ang AWC. So, you better be quick if you don't want to be his secretary for a long time." sabi ng ama.
"Are you joking?" tumawa si Yuan sa kanya.
"No, I'm not! I want to be your secretary so I can be with you every day and every night!" Sabi ni Leigh Anne.
"Now, that's creepy." Tinalikuran siya ng lalaking inaayos na ang mga papeles at mga gamit sa lamesa ng kanyang opisina.
Patuloy na naddistract si Leigh Anne dahil sa maayos na ayos ni Yuan. Nakasuot ito ng tuxedo at neck tie. Mukha itong professional at boss dahil dito. Maayos rin ang ayos ng kanyang buhok. Malayong-malayo ang ayos niya ngayon sa mga sinusuot niya tuwing may gig sila. Simpleng plain shirt at flannel lang kasi ang sinusuot niya kapag may gig.
"Sige na, Yuan! I promise you that I will contribute so much to you and your company. So, please hire me." Mukhang desperada na ang tono ng babae.
"Why not help your father's company instead. Why waste your time here? Your dad owns the only power company here in the Philippines. I'm sure that you'll have wide opportunities there than here. This company is so close to falling and I'm barely saving it." seryosong sabi sa kanya ng lalaki.
"I want to help you in every way I can. You can use me and everything I know to make your company the best." sagot naman niya.
"Plus, you know how much I hate my dad."
"Mr. Foulard, the interview for the aspiring secretaries is ready any time." sabi ng isa sa mga manager kay Yuan.
"Tell them that I'm sorry but I already found my secretary." sabi ng lalaki at binalingan si Leigh Anne. Hindi na maipinta ang kasiyahan sa mukha niya.
"Okay, sir." sabi ng manager at umalis.
Inilahad ni Yuan ang kamay niya.
"Congratulations, Miss Leigh Anne Arjino, you're hired."