"MARGA!" tumakbo palapit sa kanya si Leigh Anne na parang sinasabing "i-Dawn Zulueta mo ako."Imbis na lumapit dito ay lumayo pa si Marga at nahiya.
"Hindi ko po kilala 'yan." sabi ni Marga at nagkunwaring hindi nakita si Leigh Anne.
"Hoy! Grabe ka sa akin." hinawakan siya ng kaibigan sa balikat at nilambing siya pero wala itong epekto.
"Bahala ka! Kapag hindi mo ako pinansin, sasabihin ko kay Axel na gusto mo siya!" agad na tinakpan ni Marga ang bibig niya. Malakas pa man rin ang boses nito. Tumingin siya sa paligid ng hotel lobby kung may nakarinig ng sinabi ng kaibigan parang nakalunok ng mikropono sa sobrang lakas ng boses.
"Huwag ka ngang maingay baka may makarinig sa'yo at maniwala sa'yo." sabi ni Marga at tinaggal ang kamay na nakatakip sa bibig ni Leigh Anne.
"Yuck!" sabi pa nito nang ma-realize na dinikit niya pala ang palad sa bibig ni Leigh Anne.
"Kung maka-react ka naman! Ikaw naman ang humawak sa bibig ko!" depensa ni Leigh Anne.
"Tara na nga sa kuwarto! Dito ka pa talaga nag-ingay!" sabi ni Marga at tinulungan sa magbitbit ng gamit ang kaibigan.
"DITO ba yung kuwarto ni Fafa Yuan ko?" tanong ni Leigh Anne habang tinuturo ang pinto na nasa tapat ng kuwarto nila.
Lumabas sila ng kuwarto nila dahil tapos na silang mag-ayos ng mga gamit nila at naiinip sila ng nasa kuwarto lang.
Tumango naman si Marga kay Leigh Anne. Lumapit ang kaibigan niya sa pinto at inilapat ang tenga rito.
"Wala akong marinig." sabi ng kaibigan sa kanya.
"Natural! Sound proof ang mga kuwarto rito!" napa-irap naman si Marga sa kanya.
"Ay! Oo nga noh!" napakamot sa ulo si Leigh Anne at inilapat ang tenga. Pinagmamasdan lang siya ng nakahalukipkip na si Marga.
"Halika! Samahan mo ako sa pakikinig!" aya ng kaibigan.
"Eh! Ayoko! Mag-isa ka diyan." pumadyak si Marga.
"Pakipot ka pa! Diba sabi iisang kuwarto lang sila ni Axel?" tumango naman siya.
"Kaya makinig ka na rin!" wala na lang siyang nagawa kundi sumunod na lang sa kaibigan para hindi na ito mag-ingay.
Nang inilapat ni Marga ang tenga, nakaramdam siya ng dismaya dahil wala naman siyang naririnig.
"Para kang tanga, Leigh Anne! Wala namang naririnig-" sumubsob na silang dalawa sa sahig nang biglang magbukas ang pinto.
Nang inangat nila ang kanilang mga uli ay nakita nila si Axel na topless.
Ang lakas ng loob ng mokong na 'to maghubad! Wala namang abs! Ang laki pa ng tiyan!
"Who's outside?"lumabas na rin si Yuan na naka-topless din.
Agad namang pinisil ni Leigh Anne ang balikat ni Marga.
Itong isang mokong naman na 'to, nakuha pang kiligin!
Pero hindi tulad ni Axel na medyo malaki ang tiyan, maliit lang ang katawan ni Yuan na mukhang dapat lang naman dahil payat ito. Flat ang tiyan nito pero kahit papaano ay may dating.
"Bakit kayo nandito at nakasandal sa pinto ng kuwarto namin?" tanong ni Axel at humalukipkip.
"A-ano k-kasi..." tinignan ni Marga si Leigh Anne para humingi ng tulong pero nakayuko na ito.
