Him 6: Jealous

486 5 0
                                    

MARA's POV

The day went on habang di pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari kaninang umaga.

Someone's courting me and that someone is Timothy Zamora!

"huy! Mara? Eat ka na! Parating na sina Andrei." I came back to senses when I felt Yana's fingers in my forehead.

Pinitik ako. Aww.

"Tsk. Bakit namimitik, Yan?" Reklamo ko. Masakit kaya.

"Bakit tulala? Hay, may manliligaw ka na tapos nagiging ganyan k-"

"shh. Baka may makarinig sayo! Mapapatay ako ni kuya!" I shut her by covering her mouth with my hands.

Tumango-tango sya kaya tinanggal ko na ang kamay ko. Pambihira talaga tong babaeng to.

"Maria Agatha!" Nanlalaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. I even saw Yana's eyes widened while staring at my back.

Oh my ji!

"Hi! Sabi nang dito kita makikita eh." I slowly turned around para harapin si Timothy na may hawak na box. Chocolate ba yan?

"Ah, A-Anong ginaga-"

"This is for you nga pala, I hope you like it." Sabay abot nya sa akin ng box ng chocolate na dala niya.

Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi. I don't really like chocolates, sumasama ang pakiramdam ko pag kumakain ako nun pero baka sabihan pa akong choosy.. ahh! bahala na nga.

"A-Ah.. Salama-"

"Hindi pwede ang chocolates sa kanya." Napayuko ako ng marinig ko ang boses ni Andrei. Ayan na eh. Bakit ba ako kinakabahan?!

"Ah, P-Pasensya na Timothy, di kasi ako kumakain ng chocolates eh." I explained. Ibinaba naman niya ang chocolates at ngumiti sa akin.

"It's okay. Ano ba ang gusto mo para yun na ang bilhin ko sa susun-"

"Kaya niyang bilhin kung ano man ang gusto niyang kainin o ano. And even she can't I-We, We will be the ones to buy it for her. You don't need to do that." Putol ni Andrei sa kanya.

Kung di ko lang alam, iisipin kong nagse-selos si Andrei but who am I kidding. He will never get jealous because of me.

"Oh, I didn't mean for you to misinterpret what I said. I am courting Maria Agatha now, so I think I can give her anything right?" Nakangiting saad ni Tim.

Bakit ba kasi ako pa ang napili niyang ligawan? Napalingon ako kay Andrei, nakatiim-bagang sya habang nakatingin kay Tim. Unlike Tim na naka-ngiti lang. Napapansin ko rin ang tingin ni Yana sa likuran namin. Tahimik lang sya.

"Court? Ligaw? Seriously? And what did you just call her?" Inis na tanong ni Andrei.

I can sense his anger and I don't know why.

"Maria Agatha?" Takang sagot ni Tim.

Gusto ko siyang batukan dahil dun, knowing Andrei, he doesn't like it when somebody else calls me Maria Agatha, it should always be Mara. Maria Agatha is always for Andrei only, he said he's the only who's allowed to call me Maria Agath. Why? Because were bestfriends, that's his explanation.

"Are you cra-"

"Ands, stop that. Hayaan mo na-"

"No way! Di ako papayag!" Andrei shouted kaya napatingin din ang ilang tao sa kanya. I turned to him at hinawakan sya sa braso. This is the first time seeing him like this.

"Di ka papayag na tawagin si Mara na Maria Agatha or di ka papayag na ligawan siya?" nanunuyong tanong ni Yana. I turned to her bit she was focused on staring at Andrei.

SS3: In Love with a SamaniegoWhere stories live. Discover now