MARA's POV
Nagising ako dahil sa ingay nang paligid. Bakit may mga tao sa loob ng kwarto ko?
I opened my eyes pero naipikit ko din agad. Masakit sa mata ang sinag ng araw na nagmumula sa bukas na bintana.
"Mara!" Naagaw ng pagtawag sa pangalan ko ang atensyon ng lahat kaya napatingin ako dun sa nagsalita.
Si Tita Claurise.
Inilibot ko pa ang paningin ko at halos nandito ang lahat.
Si Tita Clau, si Tito Alfie, si Yana, si Ate Val, Athan, Kuya Mau, sina kuya Zander, Ash at si Kuya Aire. Pati si Tim ay nandito din kasama si Top.
Maliban kay Andrei. Nasa New York na yun at malamang hindi niya alam ang nangyari.
"Are you okay na, hija?"
Tumango naman ako. Medyo masakit ng konti ang ulo ko pero bearable naman kaya ayos lang.
"You've got us all worried, ano ba kasing naisip mo at nagpaulan ka?" Tanong ni tito Alfred. Napatingin naman ang lahat sa akin. Tila hinihintay ang susunod kong sasabihin. Ang sagot ko.
Should I tell them?
"I-I was searching for something." Mahinang sabi ko na alam kong narinig naman nila.
Nabasag ang katahimikan ng biglang nagsalita si Athan.
"Asan na ang kwintas mo, Mara?" Takang tanong niya na naging dahilan kung bakit bumalik sakin ang atensyon ng lahat.
Why does Athan have to be a keen observer?
"A-Ah.. ano.. nasa ano.. Ba-"
"Was that the reason why you were there?" Seryosong tanong ni Kuya Mau kaya natahimik ako.
"Excuse us muna, kumain muna kayo. Mag-uusap lang kami. Bumalik lang kayo agad, okay? Aire, maiwan ka." Rinig kong sabi ni Tito Alfred. His voice is unusually scary and authorative. Kaya mabilis syang sinunod ng iba at eto, naiwan kami, ako si Tita at tito pati sina kuya Mau at kuya Aeri.
Uh-oh.
"Tell me what happened, Mara." It wasn't a question. It was a statemen-no.. more of a demand.
"Naihulog ko p-"
"Don't try to fool us, Mara. Kung ayaw mong ipa-expel ko ang lahat nang kaklase mo." Matigas na sabi ni Tito Alfred na naging dahilan ng pamumutla ko.
Impossible.
N-No way.
"Remember Jackie Jimenez? Grade 11? Yana's bully?" ani ni Kuya Mau kaya natigilan ako.
Posible.
She got expelled pati ang mga alipores nya. Hindi imposibleng magawa rin niya yun dahil sakin.
"I-It was my fault po. I-I committed a mistake against them. She accidentally grab my necklace at natapon sa labas ng bintana." I explained. Lied, actually. Dahil wala akong ginawang mali at hindi aksidente ang ginawang yun ni Jean pero ayaw kong mapasama siya. Maigi nang ganun, baka masira pa ang kinabukasan niya at ako ang masisi.
"So, how can you explain these bruises?" Kuya Mau asked pertaining to my bruise in my elbow. Nagkasugat pala ako dito?
"N-Nadapa ako." Liar!
"Pati to!"
Napa-aww naman ako ng sundutin niya ang pisngi ko. Masakit. May sugat din ako dun?
"Buti nalang at may nagdala sayo dito. Kung wala, baka nalunod ka dun dahil bumabaha." Sabi ni Tito Alfred kaya napanguso ako.