Him 21: Accident?

420 6 0
                                    

MARA's POV

Napabuga ako nang hangin. I'm tired of running. Literal na running kasi tinakbo ko lang naman ang main library ng school papunta sa gym. Nakakapagod. Napa-aga tuloy ang warm up ko.

"Fuentes, you're early." Napatingin ako sa prof naming si Mr. Angeles, sya ang prof. namin sa P.E Class.

"S-Sir?"

Early daw ako?

"Too early for the next class." Napatingin naman ako sa mga kaklase kong nagbulungan. Ayan na naman sila. Tsk.

"Line up!" Sita ni Sir kaya mabilis akong naki-linya. Ako pa rin naman yung nasa pinakaharap kasi ako yung pinaamaliit.

"Okay, today, we will have basketball for the boys while volleyball for girls" nabaling ang attention ko kay Sir Angeles.

Seryoso?

Sa height kong pang gradeschool paglalaruin niya ako ng volleyball?

Napalingon naman ako sa may likuran ko nang may narinig akong tawa.

Aba! Nagawa pa talagang tumawa ng siraulong to. Isumbong kita kay Lalaine jan eh.

"Eto?" I gave him a fist but he just made face na mas ikinainis ko. Hilig mang-inis ng loko.

"Okay, team up girls! Dahil 18 lang kayo, tig anim isang grupo." Napalingon ako sa mga kaklase ko.

May grupo na sila. Ako nalang yung wala. Napabuntong hininga nalang ako. Why does everything have to be this hard?

"Fuentes?! What are you waiting for?!" napapitlag nalang ako dahil sa pagsigaw na ginawa ni Sir Angeles.

Lalapit na sana ako sa kanya para sabihing wala naman akong alam dun at wala akong masyadong kakilala sa kanila nang may tumawag sa pangalan ko.

"Mara!" Napalingon ako dun.

"H-Ha?"

"Dito ka na. Kulang kami eh." Nakangiting sabi ni Mica. Kilala ko siya kasi isa siya sa mga nerdy kong kaklase. Matalino, mabait at magalang.

"S-Sige." Anim na kami sa grupo. Ako, si Mica, si Erica na varsity ng swimming team, si Cora na magaling kumanta, si Jessa at Jessi na kambal at kapwa varsity ng volleyball team.

Hindi na masama atleast may marunong samin. Ako, si Mica at Cora lang talaga ang walang background sa larong to dahil si Erica medyo may alam dahil nakikita niya ang varsity na nagpapractice minsan.

"Nandun sa Team A si Loren, Janine at Cherry, silang tatlo yung spikers ng varsity, pero kahit ganun, wala naman masyadong alam yung tatlo pa nilang kasama." Jessa said.

"Kami rin naman ah!" ani ni Cora kaya napatingin ako sa kanya.

She's right.

"Oo nga pero, si Janine, ayaw na ayaw niyang nahahawakan ang floor kaya hindi hahabol yan. Puro paganda lang din yang si Cherry."

Jessi and Jessa can be easily differentiated. Jessa is more of girly habang si Jessi ay medyo boyish at maangas.

"Then sa Team C, si Gail at Tracy lang ang marunong. Kaya natin to, okay?" Nagsitanguan kami.

Kami ang unang lalaban sa Team A.

Feeling ko ang liit ko kasi ang tatangkad nina Jessa at Erica nakapwa nasa gilid ko dito sa bandang harapan habang nasa likuran namin sina Cora, Mica at Jessi.

I admit it. Magagaling nga talaga si Jessa at Jessi pati si Erica at sa tuwing tatakbo si Cora palayo sa bola ay nakukuha yun ni Jessi. She's flexible.

SS3: In Love with a SamaniegoWhere stories live. Discover now