MARA's POV
"Ayos ka na, Mars?" Yana asked in a concerned tone. Tumango lang ako.
"wag ka nang umiyak. It's not like he's gonna die." sabi niya kaya natawa nalang ako.
Seriously? Death?
"I'm just sad kasi wala na si kuya Mau! I'm not his room mate na!"
Naiiyak tuloy ulit ako.
"Baliw! Dun ka pa rin naman titira. It's not that pinalayas ka niya no?" Sita niya habang natatawa dahil sa ginagawa ko.
Eh kasi naman! May asawa na si kuya! Di na ako ang little girl niya!
"Mars, mabait si Ate Heidi, you know that, pretty pa." Yana tried to cheer me up.
Ano pa ba ang magagawa ko? Pinakasalan na ni kuya Mau eh. Buti nalang at mabait si Ate Heidi at maganda pa. Buti nalang talaga.
"Mars! Stop the whining and look at this!" lumapit nalang ako kay Yana na nakadapa sa kama niya.
Kinuhanan kami ni kuya Mau nang isang kwarto with two beds kahapon para pag-stay-an namin.
"Asan jan?" Ani ko habang nakaharap sa laptop niya.
"This!" Excited nyang sabi.
Hays.
Akala ko pa naman kung ano na.
"Yan, that's normal. Artists yan eh!" Sita ko dahil mukhang nagulat ata talaga siya sa issue sa internet.
"Hays. Nga naman. Ano bang meron dito-oohhh.. This is nice. Wow, she's pretty pala talaga." napatingin ulit ako sa laptop nya para tingnan kung ano ang tinutukoy niya.
Model-Actress Angelie Santos rumored dating Steven Jackson.
My eyes widened as I read the headline nang paulit ulit. Is this for real?!
"But why is she being linked by this Steven? Wala na ba sila ni Andrei?"
The family knows that Andrei's girlfriend is Angelie but they haven't met Angelie in person, kahit nga ako eh.
"Ohmo! Does Andrei know about this?!" Hysterical na sabi ni Yana. My eyes were still darted on the news. Akala ko okay na sila?
"hayaan mo na Yana. Maybe Andrei knew about this. Artista yan eh." Sabi ko at naglakad na pabalik sa kama ko tsaka binuksan ang ipod ko para mas makahalungkat nang info. about the issue.
PERO YUN LANG YUN! wala nang ibang balita tungkol dun. Maybe hindi naman talaga totoo yun. Sikat si Angelie, for sure, maraming naninira dun.
Hinayaan ko nalang at humiga na para matulog and my body didn't disappoint me dahil nakatulog din naman ako kaagad.
I woke up because of the commotion. Naka-uwi na kami ng Pilipinas at medyo naka-bawi na rin naman ako sa nangyari. Ate Heidi is living with Kuya Mau and me now, though, sa guestroom sya nagse-stay. Ewan ko nga sa kanila eh. They're married but they often fight. So back to the commotion. Mabilis akong lumabas nang kwarto ko para i-check kung anong nangyari. Bakit maingay?
Napasapo nalang ako nang noo nang makita ko kung anong meron. Kuya Zander, nakadagan kay Athan habang hawak-hawak ang kamay nitong nakataas. Umm?
"Mars! You're awake! Gising na si Mara!!" Umayos nang tayo si Kuya Zander habang nagpagpag naman si Athan. Okay?
"anong meron kuya?" I asked out of confusion. Maaga pa, bakit sila andito?
"Ah, sabi ni Mau sabay ka na raw samin. Mag ready ka na." sagot niya.
