MARA's POV
Maaga akong pumasok sa school. Aside from 8 am ang start ng first class ko ay gusto ko sanang kausapin si Tim. I know nagtatampo siya, kaya kailangan kong maka-bawi sa kanya.
"Ley? Asan si Top?" Tanong ko kay Ley na kakarating lang. Usually kasi sabay na silang pumasok ni Top sa room namin. Wala nang nangahas na mang-away kay Ley kasi official na siyang pinakilala ni Top bilang girlfriend niya, may mga bulong-bulungan pa rin, hindi naman na ata mawawala yun eh pero atleast nabawasan na dahil na rin sa takot sila na maka-away si Top.
"Ah, na-ospital kasi yung mommy nila eh." malumanay na sagot ni Ley habang umu-upo sa upuan niya.
Does that mean na wala rin si Tim?
"Si Tim rin?"
"Yup. Second attack nang mommy nila. Medyo malala na this time kasi until now, hindi pa rin gumigising si Tita." malungkot na sabi ni Ley kaya napayuko na rin ako.
May pinagdadaanan pala si Tim tapos di ko pa siya sinipot.
Pumasok na rin ang prof. namin kaya nabaling na sa kanya ang atensyon naming dalawa. Matapos ang dalawang oras ay lumabas na siya at dahil vacant namin ni Ley ay naisipan naming tumambay muna sa canteen.
"Nai-kwento nga pala ni Top sakin na di ka raw nakasipot sa date niyo ni Tim, anong nangyari?" Tanong ni Ley habang sumusubo ng baon nyang sandwich.
Di kasi siya bumubili ng pagkain dito sa canteen, masyado raw mahal kaya gumagawa nalang sya ng makakain atsaka binabaon sa school.
"Ah, ano, concert kasi nung favorite Kpop group namin tapos nagpunta kami. Nawala sa isip ko kasi masyado akong nag-enjoy." I answered.
"Kaya pala. Sino kasama mo?"
"Sina Yana, Athan at Andrei."
"Mahal mo pa rin si Andrei no?" mahinang sabi ni Ley kaya napatingin ako sa kanya.
Bakit niya naitanong?
"Mawawala pa ba yun?" I asked back.
Mawawala pa ba kung sa bawat pagkakataong sinusubukan kong lumayo ay siya naman ang lumalapit?
"Kung gugustuhin mo, oo. Nasa iyo naman yan Mara, eh. It's either you let go of what you feel and open your heart for someone else or keep on hiding what you feel and stay hurting." Natahimik ako.
Tagos na tagos ang sinabing yun ni Ley at di ko alam kung ano ang sunod na sasabihin ko.
"Para kang Love Expert ah." Natatawa kong sabi.
Bilis maka change ng topic eh.
"Di naman." natawa na lang rin si Ley dahil sa sinabi ko.
Walang masyadong tao dito sa canteen kaya kitang kita ko ang mga nagtatawanang mga baliw di kalayuan sa pwesto namin ni Ley.
Just in time.
Kailangan ko ang tulong nila.
Tumayo muna ako at naramdaman ko ang pagsunod ni Ley sa akin papunta sa table nina Calvin at Warren, mga ka-banda ni Tim.
"Oy! Oy! Yung chicks ni Tim oh, Mara right?" Ani ni Calvin na siyang unang nakakita sa akin. Napatingin naman sa gawi namin si Warren na maluha-luha pa sa kakatawa.
Anong nakakatawa?
"Mara, anong meron?" Warren asked. Pansin ko na kay Calvin at Warren, si Warren ang medyo matured, medyo lang naman kasi kapag tinamaan na siya ng kabaliwan niya, eh wala na.
