MARA's POV
I was never a fan of choosing between which or what or who. Ayaw ko kasing nakakasakit ng ibang tao. Kahit kasi sabihin nung taong hindi ko pinili na okay lang ay okay lang talaga. I am not stupid at alam ko ang pakiramdam because I often feel that. I often feel like I am just an option that you need to choose from.
Kaya heto ako ngayon. Nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto ko. Papalabas na ako at sa harap ko ang dalawang bagay na magiging susi sa kung ano ang mangyayari bukas ng umaga.
7 pm na nang gabi at di katulad ng ibang sundays, this sunday is more important, kasi big day ni Andrei ito.
And supposedly, this is my big shot to apologize to Tim.
No one ever forced me to choose from anything and I always thought that I would never be in that situation but unfortunately, I failed.
Di sa lahat ng oras, naka-ayon sayo ang panahon, sometimes, you need to make a choice and it's only either to choose what you want, or to choose what you need.
Napatingin ako sa dalawang bagay na pinaghirapan ko ngayong araw.
Isa ang blue tupperware na may lamang cookies na para kay Tim at ang isa ay isang gift box na naglalaman ng scrapbook na ginawa ko kanina.
And the choice I have to make is to chose wether, I give the box to Andrei tonight at tuluyan nang magalit si Tim sakin o ibigay kay Tim ang cookies at tuluyan nang magalit si Andrei sa akin.
I don't want to lose either of them. Mabuting kaibigan si Tim at mahal ko si Andrei.
I'm being selfish, I know but I just can't lose any of them.
But in the end, I still need to choose.
Mabait si Tim, alam kong maiintindihan niya.. Pero paano kung hindi?
and Andrei, ako ang isa sa mga lubos na nakakakilala sa kanya. Andrei is very childish when it comes to things like this. Ayaw niyang may kaagaw ng atensyon. Lalo na pag.. pag pagkakaibigan ang usapan.
"Why were you talking to that guy ba!" Inis na sabi ni Andrei sa akin habang pauwi na kami sa mansyon.
"What? We're friends kaya." Sagot ko. Tinutukoy ko si Nelo, ang bago kong kaibigan sa school.
"Eh, bestfriend mo ako ah! May friend kana si Athan at Yana! Tapos sina Kuya at ate Val! you don't need more friends!" inis na sabi niya as he crossed his arms.
"I want a lot of friends!"
"But if you have a lot, you won't play with me only! No! Don't make friend anymore! Ako lang kaibigan mo! Kami lang! Wag nang dagdagan!" I smiled when he hugged me tightly.
Yan din ang dahilan kung bakit wala akong masyadong kaibigan, Andrei can be very possesive kaya medyo, well, hindi medyo kasi tuluyan na akong nahulog sa kanya.
In the end, kinuha ko ang isang regalo at lumabas na ng kwarto ko. Mabilis kong tinungo ang lugar kung saan ko siya makikita. And I hope that he'll be happy and that he'll forgive me for what happened.
Pero bago yun, kinuha ko muna ang phone ko at tinext siya. I just don't want to lose my friend.
TIMOTHY's POV
Mapakla akong napangiti ng mabasa ko ang text niya.
Seriously now, bakit nasasaktan pa rin ako eh expected naman na na eto ang gagawin niya? Nakalimutan nga niya diba?
Well, I can't blame her. I shouldn't have let myself fall for her.
From: My Queen💕
I'm srry Tim, but can't mke it 2nyt. Smthing urgnt came up and I hve 2 go. Srry. See U tom at school. Bukas ko na ibbgay gft ko. Nyt!
