MARA's POV
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Athan. He looks confused and panicking at the same time kaya pinaupo ko muna siya.
"What's wron-"
"Let's go. We have to get to the hospital." Seryosong saad nya at kinalabog ang kwarto ni Yana.
Anong nangyayari?
"Ath! what're you doing?! Natutulog si Yan-"
"Ate Heidi! Bilisan nyo! Yana wake up!" Sigaw niya na nakapagpatigil sa akin. I never saw him this serious and it's scary. I can't recognize him. Kahit konting bakas ng normal na Athan ay wala.
"W-What happened?" I asked Athan. Nagda-drive si kuya Aire ngayon. Seryoso din si Kuya Aire at mukhang alam na ang nangyayari. Wala lang ding imik si Yana na nasa backseat katabi ko. Busy sa phone nya at mukhang tinawagan niya si Kuya Yuan kanina.
"Andito na tayo." Yun lang and sinabi ni kuya Aire at agad na silang nakalabas ng kotse ni Athan. Sinundan namin sila agad ni Yana dahil sa bilis nilang maglakad. They both were so serious at nakakaba ang ganitong side ni Athan. Kuya Aire is normally like that kasi.
"Kuya!" Tawag ni Yana kay Kuya Yu ng makita niya sa labas ng Emergency room. They're all here. Andrei, Kuya Yu, Kuya Ash, Kuya Zander and Ate Val. Si kuya Mau naman ay nakasalampak sa sahig habang umiiyak. Why?
What is happening?
"Ayos ka lang? Inumin mo to." Napatingin ako kay Kuya Zander na nakaupo katabi si Andrei na namumutla. What's wrong with him?
"Buy some coffee. Ath, samahal mo na si Val at Yana." utos ni Kuya Ash. Mabilis na umiling si Athan na seryosong nakaupo sa tabi ni Andrei na wala pa ring imik.
What's happening.
"Kami na." Saad ni Kuya Yuan at umalis na sila nina Ate Val at Yana.
Anong nangyayari kay Andrei?
"Mr. Samaniego.." agad kaming napatingin sa doctor na lumabas at tumawag kay Kuya Mau.
Pumasok agad si Kuya Mau sa loob ng emergency room. Pero agad din silang lumabas kasunod ni Ate Heidi na nasa stretcher papunta sa delivery room. Sumunod na rin kami. It's 3am at dawn and here we are, wide awake.
Napatingin kami agad ng bumukas ang pinto. Dra. Ramirez gave us a gaze before speaking to Kuya Mau na napatayo na.
"How is she?" Agad na tanong ni Kuya Mau.
"I want to be frank with you, Mr. Samaniego. Hindi maganda. There is a 40 percent chance na.. manganib silang dalawa ng baby nyo, kung kakailanganing mamili sa ka-"
"NO! THE TWO OF THEM WILL BE SAFE! WALANG MANGYAYARING MASAMA! NOW GET IN THERE AND SAVE THEM!!" sigaw ni Kuya Mau kay Dra. Ramirez na ikinagulat din naming lahat. Mabilis naman siyang nilapitan ni Kuya Yuan.. Kalmado pa rin ang doctor. Maybe she understand that kuya is just scared because of what is happening.
Kakarating lang din ni Kuya Yuan nung isang araw, pero di muna sya nagpakita. Kay Kuya Ash at Kuya Aire lang. Sinasamahan niyang mag bar si Kuya Ash eh.
"Pasensya na doc." rinig kong pag hingi ng umanhin ni Ashton.
Napaiyak na lang si Kuya Mau na iinagulat ko. My eyes are still sworn dahil sa pag iyak ko kanina at mukhang mapapaiyak na naman ako. I even saw Yana already crying.
"Huminahon ka nga, Mau! Akala mo ba makakatulong ang sigaw mo?" Pangaral ni Kuya Yuan kay Kuya Mau.
Pero tinitigan lang siya ni Kuya kaya nilapitan ko na si Kuya Mau.