ANDREI's POV
"Where are you? I've been waiting for you for almost 1 hour now! Damn it! Andrei!" Agad kong inilayo sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa boses ni Angeline. Hays, ang lakas nyang sumigaw.
"I'm on my way, almost there." Ani ko tsaka mas binilisan pa ang pagpapatakbo.
Bakit ba kasi nasira ang elevator kanina?
"Thank God! I thought you'll never come!" Nginitian ko nalang si Angeline ng malapitan ko sya. Nakipagkita kasi ako sa kanya. We have a lot of things to talk about.
Siguro mas mainam ng personal ko syang kausapin.
"Why are you silent? Is there something wrong babe?" I felt her hands on top of mine kaya nabalik ako sa wisyo.
Everything is wrong, Angeline.
"Let's eat." Pagbabalewala ko sa kanya. Mas okay na yung kakain muna bago usap. Mahirap na baka magutom ako eh.
"Spill it, Andrei." Napatingin nalang ako kay Angeline ng bigla syang nagsalita.
Konti lang ang mga tao sa restaurant na eto kaya walang nakakapansin sa amin. Mahirap na baka machismis na naman kami tungkol sa kung anu-ano.
"Angeline, I want to end this." Diretsa kong saad. Narinig ko ang pag-singhap niya sa gulat. Well, what can I say? It's really unexpected.
But I had enough.
"What do you mean?"
"You know what I mean, let's break up. I don't want to continue this relationship anymore." I tried my best to sound comforting, afterall, may pinagsamahan rin naman kami ni Angeline kahit na ang dami nyang pangga-gagong ginagawa sa likod ko.
"A-Are you dumping me, Andrei?" I sighed. Ito ang mahirap sa kanya, she don't want to accept the reality. Ayaw nyang nasasaktan.
"Yes, you're smart right? I know you understand."
Don't get me wrong, I loved Angeline, loved, past tense because it's all in the past now. I loved her before I found out that she was playing games behind me, that she was just using me for fame. She was just using me and when the time comes, she'll dump me. If the news spread about us, she'll be the center of the attention. And that's what she love. Attention. Plus, she's been dating Henry Walters, too. A business man, Angeline can't live without money.
"No. You are not dumping me!" Medyo tumaas na ang boses nya kaya napahalukipkip ako. Hangga't maaari, ayaw kong magka-issue. Not because of my career but because of my family. Ayaw kong mapasama sila dahil lang sa akin.
"look, aren't you tired faking? Jesus, Angeline! I know your games! Just give up already!" sita ko sa kanya. Now she's acting like I'm the bad guy? Seriously? Now, I know why she got famous.
"No one ever dumped me, Andrei. No one. Tell me, is it because of that little friend of yours? Huh? Is it because of her? Huh? Mara!?"
"Don't drag her into this. She has nothing to do with us, Angeline. This is my decision so deal with it."
Isa pa si Maria Agatha. I want to make up to her, kahit di ako magtagumpay, atleast I've tried. Just this once, I want to try it.
"You think it's that easy? You'll regret this, you'll regret this Andrei. Fvck you!" Angeline hissed as she left me.
She's wrong...
I will never regret this.
MARA's POV
"San ka na ba kasi?"
"papunta na ako! Wait, heto na. Magpa-park na." mabilis kong ipi-nark ang kotse ko. Pano ba naman si Athan eh minamadali ako.
"Okay, susunduin na kita." sabi nya tsaka namatay ang tawag.
Bumaba na ako at agad kong natanaw si Athan na pupungas-pungas pa. Pano ba naman kasi, biglaang ngayon na pala yung photoshoot namin para sa gagawing interview. And take note, sa makalawa ang interview kaya medyo kinakabahan din ako.
"Ang tagal mo!" bungad nya ng makalapit ako sa kanya. Talaga lang ha?
"Ikaw ba namang di nagsabi agad? Nasa condo ako no, wala pa nga akong ligo nun eh."
"Haha. tara."
Umakyat na kami sa 3rd floor. Photoshoot lang naman para sa advertisement about the gagawing interview sa amin. I really hope that this interview goes well.
"Good morning, Ms. Fuentes. Ito po yung prepared scripts niyo." Binigyan ako ng isang papel nung babae. Ni-review ko naman. nakasanayan ko na ring basahin ng maigi dahil baka may concerns ako.
And as usual, meron na namang, how's your lovelife? portion like all the past interviews. Di ba sila napapagod sa kakatanong?
"Hi!" Bati sa akin ng isang matangkad na babae. I can say that she's pretty. Sya ba ang host?
"Hello, Maria Agatha Fuentes." Bati ko sa kanya.
"I've heard. I'm Samantha Escudero." We shook hands. She is intimidating at idagdag pang ang taas ng agwat ng height namin, literal tuloy akong nanliliit. Hays..
"I'm looking forward on working with you. Goodluck!" Yun lang at umalis na sya.
okay?
hays, bakit parang iba ang pakiramdam ko dito? Hays...
"Ayos ka lang?" Tanong ni Athan ng malapitan niya ako.
"Yeah. Teka, akala ko ba si Denise ang host?" dun kasi sa nabasa ko sa letter, si Denise Wang ang host eh. Pero si Samantha pala.
"Supposedly, unfortunately, Denise was food poisoned. Alam mo naman yun, walang tinatalikuran basta pagkain." He joked..
Food poisoned? How come? That's serious!
"Baliw! Isumbong kaya kita dun?" Natatawa kong saad. Denise and Athan are college friends at medyo close din sila kaya ganun.
Matapos ang photo shoot ay umuwi na ako. Wala naman ng pasok kaya libre lang ako. Summer time na rin kasi. Ang init tuloy. They planned out a vacation pero di pa namin alam kung kelan o kaya saan, medyo busy din kasi ang mga schedules namin eh.
I was just lying on my bed when I thought of going out. Pupunta nalang ako sa restaurant ni Kuya Aire, baka andun din ang mga chikiting. Di na kasi sila dito nakatira sa Building. Kuya Ash and Kuya Mau moved out when they got married. May isang exclusive subdivision kasi ang mga Samaniego where only the Samaniego's can live there, well, married Samaniego's. Kaya ayun, dun na sila nakatira.
Nang makarating ako sa restaurant, naabutan ko si Kuya Reggie na busy sa paglilinis ng mga mesa, ganun din ang ibang mga trabahante. Maaga pa kasi, kaya siguro di pa sila nagbubukas.
"Hi po, Kuya Reggie." Bati ko sa kanya na agad din naman niyang pinaunlakan at ng tinanong ko kung andito ang mga babies, sinagot nya ako ng wala.
No choice kundi umalis nalang. Naisipan kong magpunta kina Calvin, pero nagbakasyon raw ang mag-asawa kaya ayun umuwi nalang ako. Si Tim naman umuwi ng Batanggas para bisitahin ang mommy nila ni Top while Lalaine and Top are somewhere in Europe. Naglalakbay na naman po sila. Wala na naman akong magawa. Nang mapadaan ako sa unit ni Athan, naisipan kong tumambay nalang dun, mas okay na yung nanggugulo sya kaysa ako lang mag-isa pero nang marinig ko ang boses ni Andrei sa loob, hays, wag nalang pala.
Bumalik nalang ako sa unit ko. Yana is out, too. Busy sa company, same as Ate Val na busy sa hospital. Mag-isa lang ako.
Bored.
Naisipan kong mag re-arrange ng mga gamit like my books pero natapos ko din agad. Tapos nag-gitara. I even sang the songs I've composed while Andrei was away. Mga kantang di ko nai-record dahil sa wala siya. Tapos wala na ulit akong magawa.
Kaya kinuha ko nalang ang laptop ko para mag-twitter nalang..
Kaso, pagminamalas ka nga naman! Di ko ata nabayaran ang landline ko kaya naputulan na naman ako ng internet! hays, buwan buwan nalang ba?
Seriously now?
will I ever get more unlucky than today?
