SOMEONE's POV
"I just saw them here. May nakita akong mga lalaki kanina na umalis but I don't know if they are the ones responsible for what happened." sabi ko sa mga pulis na agad nagtungo kanina dito.
"Okay. Salamat sa pagtawag, Miss." sabi niya tsaka umalis na.
Napapikit nalang ako. Blood. Ang daming dugo nung nawala sa katawan ng damuhong lalaking yun. Tapos yung mga pinsan nya pati yung babaeng pandak.. May mga pasa pa sila sa katawan and Valerie! She has blood in her face!? Ano bang nangyari sa kanila?!
Nakita ko ang pagdating ng tatlong Samaniego sa parking lot kaya mabilis akong nagtago sa isang kotse. I can't let them see me. Baka anong sabihin nila. Kung hindi ako nagkakamali, si Alezander, ang dakilang playboy na Samaniego, si Maurice, ang genius boy at si Vairel, the innocent devil ang nandito. Good thing at wala si Ashton.
"Where are the CCTVs?" Seryosong tanong ni Mau sa mga police. Tinuro nung isang police ang isang CCTV sa may pader. Tumango yung si Mau tsaka mabilis na nagpunta sa loob ng mall. Sumunod sa kanya ang dalawa niyang pinsan.
Ang kadalasang nakangiting si Zander ay seryoso na ang mukha habang si Vairel naman ay parang ready to kill na. Nakakatakot talaga sya.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Vairel, Akala ko ay sumunod yung dalawa pero siya lang mag-isa. May kausap sya cellphone at agad naman itong pinatay ng makapasok na sya sa mamahalin niyang kotse.
Napalunok nalang ako. Whatever happens, I know it'll not be good.
Umalis nalang ako at umuwi. I have to sleep my thoughts away.
THIRD PERSON's POV
Mabilis na pinaharurot ni Vairel ang kotse niya papunta sa bar niya. He's not there to make money, mukhang makakagastos pa nga sya para sa pagpapaayos ng mga masisirang gamit sa bar nya.
"Tukmol? Asan ka?" sabi niya sa pinsan niya nung tinawagan niya ito kanina bago siya umalis.
"Bakit? Nasa Orphanage ako." Sagot ni Yuan, ang pinsan nilang MIA dahil nagrerebelde.
"Si Yana, Val at Mara, binubog. Si Athan, nabaril." diretso niyang sabi habang papalabas ng mall.
"ANO?! FVCK! SINO?! SINONG FVCK!" sigaw neto sa kabilang linya.
"Mike's group. Punta ka sa bar ko. Andun yung mga putang yun." seryoso niyang saad tsaka binaba ang tawag.
Galit sya dahil sa nangyari. Never in his life did he hurt her sister physically, siguro nga nasasaktan ito minsan dahil sa katabilan ng dila niya pero he never even hit her with a finger. And Yana! Yana was always a princess! Ni hindi nga pinagbubuhat ng mabigat na bagay yan eh. Halos ipapatay na nga nila ang nam-bully sa kanya tapos nangyari to? Tapos si Mara pa, she was too innocent to be mistreated. Halos di na nga palabasin ni Mau ng bahay tapos binugbog lang ng kung sinong gago? And Athan? Siguro nga tanga yun at nakakaputa sa katangahan pero di naman nananakit yun. Pati nga langaw di kayang saktan nun eh tapos binaril pa.
'Those fvctards needs a lesson' sabi niya sa sarili atsaka marahas na binuksan ang kotse nya at pabarang na sinara. Naabutan niya ang pinsan niyang si Yuan sa may entrance ng bar at isang tango lang ay nahawi na ang mga Guards at naglakad na sila papasok ng bar.
Nilinga niya ang kabuuan ng bar at di nakatakas sa paningin nya ang mga taong nanakit sa pamilya niya. Mukhang napansin naman ito agad ni Yuan kaya mabilis silang naglakad papunta sa mga lalaki.
"Asan ang leader nyong si Mike?" tanong ni Vairel sa grupo ng mga lalaking naglalaro kasama ang mga babae.
"Mike daw." sabi ng isa. Tumayo naman ang isang lalaking may katangkaran at medyo malaki ang katawan. Sinipat ni Vairel ng maigi ang lalaki tsaka ito tinapunan ng beer na nakuha niya sa mesa ng mga ito.