Him 16: Away

404 4 0
                                    

MARA's POV

Maaga akong nakarating sa school, medyo busihan na kasi exams na rin bukas. Nakakapagod mag-aral eh. Tapos matagal pa kaming natulog kagabi kasi nag-arap kami sa unit ni kuya Mau.

"Mara! Mauna na ako sayo ah!" sigaw ni Yana nang makarating kami sa harap ng building niya. Ngumiti naman ako atsaka naglakad na rin papunta sa building ko.

Pagdating ko ay naabutan ko ang mga kaklase kong busy sa pagtsi-tsismisan. Tsk. Kahit kailan talaga ang mga to. Umupo na ako sa seat ko. Andun na rin si Top na nag-babasa ng libro. Masipag eh.

"Morning." bati ko sa kanya. Tumingin lang siya sakin atsaka tumango.

Sungit.

"Nag-aaral ka?" Pinakita niya pa sa akin ang librong binabasa niya. Literature book iyon. That answers my question.

"Ang sungit mo talaga." Nakangiti kong sabi. Ano bang nagustuhan ni Lalaine sa lalaking to?

"Ang kulit mo talaga. Bagay na bagay kayo ni Timothy." Isa pa yan. Walang galang. Tsk.

"Whatever." Nasali pa si Timothy.

Speaking of Timothy, kamusta na kaya siya? Asan kaya yun? For sure di nag-aral yun.

"asan si Tim?" Tanong ko. May 30 minutes pa naman before ang start ng klase namin.

"Bakit?"

"Wow, kailangan mo talagang malaman?" I asked mockilingly. Tsismoso.

"Tsk. Sa music room siguro yun." Nailing nalang ako.

Tumayo na ako, pupuntahan ko yun, sasabihan kong mag-aral. Di pa ako nakakalayo sa upuan ko ng may narinig akong bulungan. Di naman sa nakikinig ako pero ang lakas nang bulungan nila eh!

"I also heard that she's just flirting with Timothy, tapos ayan, nawala lang yung Lalaine ayan, nilalandi na naman si Topher."

"Di na nahiya. Nilalandi nga si Andrei eh."

"Like duh! She's not even pretty kaya dinadaan sa landi."

Napalunok ako. I don't know why pero pakiramdam ko ako ang tinutukoy nila. Napalingon ako sa upuan ko. Maybe I should stay away from them?

Bumalik nalang ako sa upuan ko at nagbasa nalang ng libro.

"Oh? Di mo pinuntahan si kuya?" I heard Top asked pero di ko lang siya pinansin.

Alam kong di ko dapat siya dinadamay at hindi dapat ako nagpapa-apekto sa mga sabi-sabi kasi hindi naman totoo yun eh. Pero syempre, hindi ko pa rin maiwasang masaktan and the best way to avoid pain is avoiding the cause of pain first.

"Tsk. Anong problema mo?" Napansin ko ang paglapit ni Top sakin kaya bahagya akong lumayo.

Ayaw kong may masabi sila sakin at baka magalit pa sakin si Ley.

"Para kang ewan, kanina ang kulit kulit mo tapos ngayon para kang timang jan. Umayos ka Mara, baka ako sisihin ni Ley dahil jan." Sabi niya at umayos ng upo. Napayuko nalang ako. Para talaga akong timang, hays.

Pumasok na ang prof. namin at nagsimula na syang mag-lecture. Nakikinig lang ako ng biglang mag-ring ang bell. Anong meron? Maaga pa naman ah.

"Okay, class dismissed. May meeting kami ngayon. Ayusin niyo ang dapat niyong ayusin nang hindi kayo magsisi sa pagdating ng oras. Wala din ang next prof. niyo." sabi nito at lumabas na.

Lol! nakakaloka si sir. Parang double meaning yung sinabi niya.

Lumabas si Top kaya naisipan kong dito nalang sa room manatili, ayaw ko munang tumambay sa labas.

SS3: In Love with a SamaniegoWhere stories live. Discover now