MARA's POV
Maaga akong nagising at pumunta sa unit ni kuya Ash. Magpapatulong ako sa kanyang mag-bake ng cookies eh. I already told him last night at o-mu-o naman siya kaya here I am!
"Kuyaa!" Ilang minuto na ako kuma-katok at nagdo-doorbell dito pero si kuya Ash ay wala pa rin. He must be asleep.
"Kuyaa! Ope-"
"Mara? Anong ginagawa mo jan?" I heart Athan's voice. Nasa tabi lang kasi ng unit ni Kuya Ash ang unit ni Athan. Magkaka-tabi lang ang mga units nila eh. Nasa unahan ang unit nina Kuya Yuan at Yana tapos katapat nun ang unit ni Kuya Zander, katabi naman ng unit ni kuya Yuan ay unit ni Ate Valerie tapos katapat nun ay ang unit ni Andrei, katabi ng unit ni Andrei ay ang unit ni Athan tapos katapat ang unit ni Athan ang unit ni Kuya Ash then tabi ng unit ni kuya Ash ang unit ni kuya Mau then may tatlong vacant units then sa bandang dulo ang unit ni kuya Aire. Isang buong floor ang inukupa ng mga Samaniego kaya malawak ang bawat unit.
"Ah, tinatawag si Kuya Ash.." I answered. Napakamot naman siya sa batok at bumalik sa loob ng unit niya.
Hays..Tulog pa kaya si Kuya Ash?
"Kuya Ashto-"
"Umalos si Kuya Ash kanina, Maria Agatha." Napalingon ako dun sa nagsalita.
Si Andrei.
"Ganun ba? San nagpunta?" I really need his help kasi.
"Pumunta sa mall, gusto mo sundan natin? papunta din ako dun." Sabi niya kaya tumango ako.
Ewan ko kung napapansin ni Andrei pero I'm starting to make a wall between the two of us. Mas mabuti na yung ganun, atleast, I can lessen the pain.
"Ands, asan na yung cd na binigay ko sayo?" I asked. May album kasi akong nabili at gustong gusto ko yung ipatugtog.
"Anjan sa loob na. I-play mo na lang." Sagot niya kaya yun din ang ginawa ko and he is right, nandito na nga.
(now playing: SPRING DAY - by BTS)
"I really love that song " kumento ni Andrei kaya napangiti nalang ako.
I know.
"Nga pala, I have something for you, Maria Agatha." inabot ni Andrei sakin ang isang maliit na box.
Kung di ko kilala tong si Andrei, iisipin kong kwintas itong ibibigay niya but sadly, kilalang kilala ko na siya.
"Ands, I already have like one box of these!" ani ko at napa-iling na lang.
Handkerchief.
"I know, maganda yan." sagot niya kaya napangiti ako. Alam ko naman yun eh. Kinuha ko mula sa box ang panyong bigay ni Andrei. He knows me so well talaga.
"Saan naman natin hahanapin si Kuya Ash ngayon?" tanong ko kay Andrei ng makapasok na kami sa loob ng mall. Ang laki ng mall na to kaya di ko alam kung saan hahanapin si Kuya Ash.
"Wait, I'll call him." ayun nga at kinuha ni Andrei ang phone niya at nag-dial ng number.
"Nandito kami ni Maria Agatha sa mall.. oo... san ka kuya? Sabi niya kasi may kai- bakit? Baki-aish!"
"asan raw siya?" takang tanong ko dahil mukhang naiinis si Andrei. Binabaan siguro ng tawag ni kuya Ash.
"andun." sabay turo niya sa loob ng starbucks. Nag-tungo naman na kami dun at agad naming nakita si kuya Ash na umiinom ng frappe. Well, maliban sa konti lang ang costumers eh medyo, nangingibabaw ang itsura niya. Eye-catching kumbaga.
"kuya!" bati ko sa kanya at umupo sa may harap niya habang tumabi naman sakin si Andrei.
Eto na naman ang abnormal kong puso... Magtigil ka nga!
