MARA's POV
Napa-lingon ako kay Andrei ng kunin niya ang bag na dala ko. We are in Davao, volunteer work kasi at sinabay kami ng mga pinsan nya as plus ones. Kaya eto, tumutulong kami. This is not my first time coming here in Davao, I've been here before with my parents pero bata pa ko nun kaya wala na ako masyadong maalala sa mga ginawa namin dito.
This is our third day here already at di birong mag-volunteer pero at least nakakatulong ako kaysa naka-tambay lang ako sa bahay.
After I washed myself ay pumunta na ako sa tent namin. Iba kasi ang tent ng boys at girls. kasama ko sa tent sina ate Valerie, Ate Sia at Yana. Yana is already sleeping, 10 pm na rin naman kasi and for sure pagod na pagod si Yana.
Nag-uusap si Ate Val at Ate Sia, nalaman na kasi ni Ate Sia na gusto siya ni Kuya Ash-which is not surprising, I mean, alam naming lahat yun eh. Ang manhid lang ni ate Sia at di niya nararamdaman o di kaya ay nakikita yun.
Nagbabasa ako ng marinig ko ulit ang usapan nila. I don't mean to listen pero ano pa ba? naririnig ko talaga eh.
"Val.. when did he started to.. umm you know.." Napa-iling nalang ako. Curious si Ate Sia sa feelings ni Kuya Ash sa kanya ah! Gusto niya rin kaya si Kuya Ash? wow naman.. For sure perfect couple silang dalawa.
"Well, It's not my story to tell, sorry girl." sagot ni ate Val tapos natawa pa sya. Kailan nga kaya nag-simulang magustuhan ni kuya ash si ate sia?
I really want to ask ate Val something. Alam ko kasing may isasagot siya. Para siyang love guru, wala naman akong alam na naging boyfriend niya pero ang expert niya sa mga ganyang bagay-bagay?
She always give the best advices and when she is asked why she always give thosr while she has no relationships, laging 'coaches don't play' ang sagot niya.
"Ate Val, may tanong po ako." I hissed. I just want to find answers to my stupidity. Tumango lang si ate Val kaya nagptuloy ako.
"Kasi ganito po. May crush po yung ano classmate ko. Tapos yung crush nya po bestfriend nya, eehh yung classmate ko po may nag tapat sa kanyang gusto sya, yung guy is sikat sa school pero wala talaga syang feelings dun eh kaso yung crush naman ng classmate ko ehh wala namang nararamdaman sa kanya.. Ano po ba gagawin niya?" teka.. ano ba yung pinag-sasabi ko?! ugh! Nahalata kaya nila? Hindi naman siguro. Nakakahiya!
"hmm, paano naman nalaman ng classmate mo na di sya gusto ng crush nya?" Ate Val asked kaya napalunok ako.
Paano ko nalaman? Naramdaman ko eh. I know Andrei cares for me but when it comes to her nababaliwala na ako. She is always his top priority kaya alam kong hanggang kaibigan lang kami.
"She felt it po. Na hanggang friends lang ang kayang ibigay ng crush niya. They are really close kasi po." I tried my best to not make my voice sound weak but I failed because I sounded so weak..
Nakatingin lang si ate Sia sa akin. Parang nag-mamasid.. sana naman di niya ma-gets kung sino.
"Not because she felt that the guys' treatment towards her has limitations is yun talaga ang fact. Did your classmate tell her crush about her feelings?"
I shrugged. I haven't and I won't. I don't want to risk our friendship because of what I feel. It's unfair for Andrei.
"She believe po kasi na actions speaks louder that words. She felt that the treatment has limitation po na hanggang dun lang po. And she doesn't want to be rejected kaya di na niya sinabi." I've knew Andrei since I was a kid. I've been with him for more than 10 years kaya nagbabakasali ako na baka naramdaman niya ang nararamdaman ko. We always had this bond na nagiging dahilan kung bakit kami nagkaka-intindihan.