Him 19: Birthday

403 6 0
                                    

MARA's POV

"Look at this, Mommy. It's not like the one you gave me but it's nice. Bigay to nung taong tumulong sakin na hanapin yung necklace mo."

"Sorry mommy, di ko naingatan yun."

"Happy birthday, Mommy. Sana masaya kayo jan ni Daddy."

Pinahiran ko nalang ang mga luhang kanina pa tumutulo mula sa mata ko. Umiiyak na naman ako.

Sabado, birthday nang mommy ko kaya andito ako sa sementeryo, dinadalaw sila ni daddy.

9 years old ako nang mamatay ang parents ko dahil sa isang car accident. They were on their way to my birthday party, hahabol lang sana sila kasi galing pa sila ng Macau nun. Pero di na sila umabot dahil that day, they died.

That was the worst birthday of mine, EVER! At naging dahilan na rin kung bakit ayaw kong mag-celebrate ng birthdays. Na-trauma na ata ako.

Buti nalang at kinupkop ako ng nag-iisang kapatid ni Daddy, si tita Clau, mabait siya at close kami kaya kahit mahirap ay mabilis akong nakapag-move on.

May kaya naman kami kaso, nung namatay yung parents ko, kinuha ng mga investors ang lahat ng meron kami at walang natira. And that necklace, that necklace was worth my everything. Hindi lang dahil mahal iyon, binili pa iyon ni mommy sa Paris, ibinigay niya yun sakin nung Christmas when I was 8 kaya mahalaga sakin yun. That was the very last present I received from her. Sabi ni Tita Clau, that necklace was worth millions dahil nabili pa iyon ni Mommy sa isang auction ng isang fashion company sa Paris.

I don't care naman kahit na hindi ganun as long as it's from them, ayos lang.

Every year, tuwing birthdays nina Mom at Dad ay pumupunta ako dito at nagdadala nang red velvet cake na pareho naming paborito tatlo, tapos ako lang din ang kumakain.

Miss na miss ko na sila. Business person silang dalawa pero hindi sila nagkulang nang atensyon sa akin. I was never envious of the atensyon my friends parent's gave them because I was always contented with mine. But sh** happens at maaga lang talagang nawala ang sakin.

Pero lahat naman ng bagay may dahilan kaya kinailangang tanggapin ko.

"So totoo palang dito kita makikita." Napalingon naman ako dun sa nagsalita.

Si Tim.

Anong ginagawa niya rito?

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. May dala pa siyang bulaklak.

"Makiki-birthday." Sabi niya at umupo sa tabi ko. Napangiti nalang ako.

Kahit wala si Andrei, andito naman si Tim.

"Mommy, Daddy, this is Timothy Zamora, kaibigan ko." Oo na, baliw na kung baliw pero nakasanayan ko na eh. Sorry na.

"Haha, hi po, tito, tita." Bati naman ni Tim sa kanila.

"You know, I used to do this to my dad. Kaso tumigil na rin ako." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit naman?"

His father passed away at mommy nalang niya ang natira. Kaya ganun nalang ang pag-aalaga nila sa mommy nila.

"Biniro kasi ako ni Top, baka sumagot raw si Daddy." pabiro niyang sagot kaya natawa ako.

Kalokohan yun.

Nagkwentuhan lang kami hanggang mag 5 pm na. Medyo madilim na rin kaya naisipan namin umuwi na. Sa mansion ako uuwi at si Tim ang maghahatid sa akin.

"Pumasok ka muna, andito ata sina Tita eh." Sabi ko sa kanya pagdating namin sa bahay.

"Sure." nakangiting sagot ng loko.

SS3: In Love with a SamaniegoWhere stories live. Discover now