MARA's POV
"Ayan, you look great na!!" Nakangiting wika ni Yana. Nasa unit kami ngayon ni Kuya Yuan. Nag-patulong kasi ako sa kanya na mag-ayos for Ley's birthday surprise.
After I blacked out earlier ay dinala ako ni Tim sa clinic and when I woke up ay nag-pasya akong umuwi na. Nag-presenta si Tim na ihatid ako, and of course, I declined the offer kasi nakakahiya naman at ang dami nang perwisyo ko but he insisted kaya wala na rin akong nagawa. Hinatid niya ako hanggang sa unit ni kuya Mau kaya ang nangyari- NAKITA SIYA NI KUYA MAU!
I was scared that time kasi di pa ako ready na ipakilala si Tim bilang suitor ko pero nang tinanong no Kuya Mau kung sino si Tim, ay siya na ang sumagot. hays.. naalala ko tuloy ang eksena kanina.. si Kuya Mau kasi ehh..
"Oh, who's this?" tukoy ni Kuya kay Tim.
Napa-lunok lang ako. Anong sasabihin ko?
"I'm Timothy Zamora, Agatha's suitor." pakilala ni Tim kaya napayuko nalang ako.
"Suitor? Oh, akala ko ba mag-ma-madre ka, Mara?" Tanong ni kuya kaya napatingin ako sa kanya.
"Kuya naman eh." Nakakahiya kaya.
"Joke lang, teka bakit ka nanliligaw kay Mara? Hoy, kung lolokohin mo lang siya eh wag mo nang ituloy kasi ako mismo babali sa leeg mo." Seryosong sabi ni kuya na ikinangiti ko. I looked at Tim na nakangiti lang din. Kalmado siyang tumingin sa akin bago kay Kuya.
"Challenge accepted. I won't hurt her." Tugon niya kaya napangiti ako.
Geez, kinikilig ba ako?
"Oh? Kinilig ka naman Mara? Mag-paalam ka na jan, di kita papapasukin dito kasi hindi pa kita kilala. Pasalamat ka busy ako kaya di kita makukutusan." pabalang na sagot ni kuy aya napa-iling nalang ako. I was about to thank Tim ng mag salita siya.
"Excuse me, Maurice. I would like to ask your permission to let Agatha come with me later." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. what? Date agad?!
"Why?"
"May birthday surprise kasi ang kapatid ko sa girlfriend niya na kaibigan at kaklase ni Agatha." Oh. Birthday ni Ley. Ayan, date kasi iniisip mo eh.
"Oh? Sure. Just get her home before 10." sabi ni kuya at pumasok na.
And that's how I was able to attend the surprise. Isa-sama ko rin sana si Yana pero may family dinner sila kaya di sya makakasama. After that ay nag-paalam na ako kay Yana ay pumunta na sa unit ni kuya Mau. I saw him sitting on the couch ng maka-pasok ako. Busy siya sa mga paperworks and I understand why.
"Kuya, coffee?" Alok ko sa kanya. Ako kasi taga-timpla niya ng kape eh.
Tumango si Kuya kaya agad akong nag-timpla ng kape para sa kanya.
"Kuya oh." abot ko sa kanya at pumasok muna sa kwarto ko. I sat in front of the mirror at tinignan ang sarili ko.
I look fine. I was about to stand when my phone rang kaya agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.
si Timothy.
"hello? Tim?"
"Agatha, I'm already here. Kakatok na ako."
"oh. Sige."
pinatay ko na ang tawag at lumabas na. Nakita ko si kuya Mau sa may pinto. He opened the door kaya nakita ko ang nakangiting si Tim.
"Before 10." paalala ni kuya Mau kaya niyakap ko na siya at hinalikan sa pisngi.
"Sige po, kuya." Matapos ay naglakad na kami.