MARA's POV
Lakad.
Lakad.
"Sakit na nang paa ko, hinto muna tayo, Mars!" reklamo ni Yan. Nasa mall kasi kami dahil kailangan naming bumil nang regalo para kay tita Cass at bumili na rin nang librong mababasa.
"Yan, kakapasok pa lang natin. Wala pang 20 minutes tayong naglalakad." natatawang sabi ko.
Seriously, she's being a nagger.
"Hays. Mars, tita Cass won't be having a party, you don't need to buy a gift."
Napatigil ako at napatingin kay Yana. This girl, really.
"Yan, please?" Wala akong masabi. Tita Cass refused the party kasi gusto niya kami-kami lang sa mansion nila.
"aah. Arayt! Dun tayo." Sabay hila niya sakin papasok sa National Book Store.
Tita Cass, a teacher and a business woman, LOVES Books as much as I do kaya eto, libro ang ibibigay ko sa kanya.
"Anong magandang libro?" tanong ko.
"diba may bagong labas na libro nang Harry potter? yun na! Para sa collection niya." Yana stated.
Tita Cass has a collection of Harry Potter books. At tamang tama kasi may bagong labas na series.
Kasalukuyan kaming nasa NBS ni Yana nang biglang may kumalabit sakin. Pag lingon ko, walang tao.
Huh?
"Yan! Kinalabit mo ba ako?"
"Huh? Hindi." Nagtataka niyang sagot.
Who was it?
Tumingin tingin ulit ako sa mga libro nang may kumalabit ulit. Teka! Si-
"Tim!" Di ko mapigilan ang pagtaas nang boses ko. Si Timothy! Kailan pa siya nakabalik?
"Missed me?"
"Loko ka! Akala ko sino na yun!" Pinagpapalo ko pa siya pero sya umiilag lamg tapos tumatawa.
"Hahaha, what are you doing here?" Nakangiti niyang tanong.
Seriously?
"Maggo-grocery." I answered in a sarcastic tone.
"Oh, nice taste." at humagalpak na siya nang tawa kaya sinapak ko ulit.
"Tigil na! Birthday ni tita Cass, bumibili nang gift."
"Ngayon lang? Hala ka. Hahaha."
"You should come." Ani ko. For sure naman ayos lang yun.
"Ako date mo?" Nakangiti niyang tanong.
I glared at him. Ayan na naman siya sa kalokohan niya.
"It's not a party."
"So if it was, ako talaga?"
"Tumigil ka nga!"
"Hahaha, You're too serious, queen, I'd love to be there, but I have to study for my exams, maybe next time?" Napailing nalang ako.
Daming sinabi tapos di naman pala pupunta. Pinagloloko talaga ako nang timothy na to eh.
"Tim, stop calling me Queen." Puna ko habang nakaharap sa kanya. I'm done picking. Binili ko ang tatlong series nang Fifty Shades ni EL James. Packed na kasi siya. I don't need to search anymore.
"Why?" Takang tanong niya.
"It's not my name." at nakakahiya.
"But you're my queen. You rule my world." Nag sign pa siya nang finger heart kaya inirapan ko na lang siya. Tim's very playful and energetic. Nakakabaliw ang kalokohan niya.
