Him 25: Like Nothing Happened

400 5 0
                                    

MARA's POV

Mabilis lumipas ang araw. Kahapon lang ay inaalo ni kuya Yu si Yana para di na umiyak at ngayon, wala na siya.

Yup, kahapon, nagkagulo kami sa unit ni Kuya Ash kasi umalis daw bigla si Kuya Yu. Akala namin lumabas lang pero nag-gabi nalang eh wala pa siya. Then, Yana confessed. Sinabi raw ni kuya Yu kahapon na aalis siya one of these days. Alam naman namin na aalis sya kasi nasabi niya yun but we didn't expect that he'll leave that fast! Ang bilis!

"Ano na bang nangyayari!" maktol ni Ate Val nang kami nalang ang naiwan dito sa unit ni kuya Mau.

"Ayos lang yan, Ate." ani ko at sumubo ulit nang popcorn. Nanonood kasi kami nang palabas sa tv. Si Yana eto, she's not crying but I know she's sad. We all are. Nagtataka nga ako kasi walang may alam kung saan siya pumunta. Sumugod pa dito sina Tita Yasmin at Tito Alan para hanapin si Kuya Yu. Tita Yas was furious while tito Alan was just calm.

"Hay naku! o sya. Maiwan ko na kayo at male-late na ako.. ciao!" Paalam niya at mabilis na tinungo ang pinto. Naiwan kami ni Yana na nanonood nang TV.

"Mars, nag-away ba kayo ni Andrei?" Yana asked without looking at me.

Kunot-noo ko sitang binalingan nang tingin.

"Huh? Hindi naman, why'd you ask?" True. Di naman talaga kami nag-away eh. I just want to distance myself from him for now after what happened.

"Wala lang naman. I just noticed that medyo di na kayo gaya nang dati." Napailing nalang ako.

Pansin ko rin yun eh. Bakit nga ba?

Aah! Tama, mahal ko kasi siya at dahil sa kagustuhan kong kalimutan yung nararamdaman kong yun, mas pinili kong lumayo.

"Weh? Di naman ah." I defensed. Ayaw kong sabihin sa kanya yun.

"Mars, we're not bestfriends for nothing. Alam kong mas malapit kayo ni Andrei, and I know how close you two are. I know that something's wrong with the two of you, spill it up, Mars... I'm ready to listen." Diretso niyang sabi.

Naalala ko tuloy noon. Yana used to not like me. Medyo di niya ako pinapansin. Malapit na sa akin si Andrei noon pa lang talaga and he was the reason why Yana befriended me. At first awkward ang lahat but Andrei made ways for us to be close and here we are now!

Close like sisters.

"It's nothing, Yan. Medyo busy lang din si Andrei. Alam mo naman yun." That's half meant by the way. It's true that he's busy pero di ko isinamang sabihin na dahil sa langyang kiss na yun at dahil sa bwesit na feelings na to.

"Hay, Mara. Okay.. Okay... If that's what you want. Pero just remember ha na I will always listen. Andito lang ako." ngiti niya kay ngumiti na rin ako.

Lumipas ang araw at nag-gabi na. Andito kami sa unit ni Kuya Mau, and by kami, kasama ko si Athan, Yana, Kuya Mau, Kuya Ash, Kuya Aire at Ate Val. Kuya Zander is out, he said mag ka-club muna daw siya kasi stress sya sa kay Kuya Yu. Tsk. Stress daw. Halos araw-araw nga syang nagka-club. So does that mean, araw-araw syang stressed? And Andrei? Ewan... No comment.

"Okay! Ikaw naman Yana!" Athan cheered habang inaabot kay Yana ang dice. Naglalaro kasi kami ng snakes and ladders.

"Oh! Pano ba yan? Panalo ako?" Natatawang sabi ni Yana.. napa 'ooh' nalang kami ni Athan. Panalo na naman si Yana.

Umalingawngaw sa kusina ang tawanan nina Kuya Ash at Kuya Mau, si Kuya Aire ang nagsasalita pero di ko masyadong narinig kung ano.

"Kids, may nakita ba kayong nakausap yang si Kuya Aire sa school?" tanong ni Ate Val kaya napunta sa kanya ang atensyon namin.

SS3: In Love with a SamaniegoWhere stories live. Discover now