MARA's POV
"Ang sweet talaga! Hays! Sana makahanap ako nang tulad ni Ashton!" Rinig kong sabi ni Erica.
Yup, Erica. Ever since na nagkasama kami sa P.E class ay lagi nalang kaming magkasama after. Break time kasi namin yung 10 to 1.
"Oo nga, ang sweet nung ginawa niyang proposal kay Siara!" Jessa cheered habang sumusubo.
Napangiti nalang ako. Kuya Ash did do a great job surprising Ate Sia yesterday.
Finally! Nasabi na niya na gusto niya si ate Sia at nililigawan niya na!
"Ang sweet talaga nun-Aray! Aray ah!" reklamo ni Jessa nang sikuhin siya nang kakambal niya. Isa pa to.
Nalaman ko lang naman na lesbian talaga si Jessi at may girlfriend siya!? Guess who?
"Umayos ka kambal ah! Sikuhin ko yang ilong mo eh." Sita ni Jessa kay Jessi na katabi si Cora, yung girlfriend nya.
Like.. woah.
But who am I to judge? It's love. And love is edgeless. Walang basehan. Walang pilian. When you love, you don't get to choose kasi it just happens at the most unusual time and unexpected person.
"Try." Panunuya ni Jessi kaya napa-irap na lang si Jessa.
"Alam mo, may usap-usapang may girlfriend raw si Zander?" Usisa ni Cora.
Huh?
Si Kuya Zander?
"Pano mo nasabi?"
Oo na, kami na chismosa.
"Sabi kasi nung pinsan ko sa Tourism department, may isang kaklase raw sya na sinundo ni Zander." sagot niya.
Ganun na yun? And knowing kuya Zander, malabong girlfriend niya yun.
Color of the week siguro.
"Kilala na natin si Zander, wag ka nang magtaka kung may girlfriend yun. Mas magtaka ka kung wala." Pabirong sabi ni Erica kaya natawa kami.
Tama siya.
Nang mag 1 pm na ay nagpaalam na ako sa kanila, klase ko na kaya nagpunta na ako sa classroom namin na agad ko rin namang pinagsisihan. Hays, wala ang prof. namin dahil emergency meeting raw. Kaya eto, all alone ako.
Si Top, na siyang nagdala sa akin sa clinic nun, ayon kay Mica at Jessa ay nasa Austin na, umalis siya nung saturday. Kaya eto, wala akong kakilala habang si Timothy ay di pa nakakabalik galing Batangas. Hinatid niya ang mommy nila at sumali sa band competition dun. Sana lang manalo sila.
Fortunately, wala naman nang nang-aaway sakin dito. Pero di talaga maiwasan ang bulung-bulungan lalo na pagdadaan ako. Nagbulungan pa eh, rinig na rinig ko naman. Pero ayos lang, as long as di nila ako sinasabunutan, ayos lang.
Napahawak naman ako sa kwintas na suot ko. Yung bigay ni Silver, si Detention boy na di ko na ulit nakita. Ayaw ko naman itanong sa detention dahil baka anong isipin nila. Pumunta nalang ako sa rooftop para magpahangin, nasu-suffocate ako sa init doon sa hallway kahit may aircon. Ang daming nag-de-date eh. Lampungan, to be exact. Tsk.
Kinuha ko ang ipod ko mula sa bag ko para sana magpatugtog pero agad nawala ng energy ko nang makita kong lowbat. Hays. Ibinalik ko nalang atsaka inilabas ang cellphone ko na minsan ko lang ginagamit. I don't usually use phones, nagagamit ko lang pag may text o tawag na bihira lang mangyari. And I use my ipod for social media uses kaya ang phone eto, stay put lang.
May music naman kaya ayos na. Yun ang mahalaga, may music. I turned the music on, pinatugtog ko ang kanta nang isang idol ko. Si Hobie, may mixtape kasi sya kaya eto.
