MARA's POV
"waaah! Maraaa!! today's the day!!" sigaw ni Yana nang makapasok sya sa kwarto ko.
Natalukbong ko nalang ang kumot. I want to sleep! Puyat ako kagabi kasi tinapos ko pa ang isang linggo naming homework eh.
"I want to sleep muna.." inaantok kong sabi pero naramdaman ko ang malamig na pakiramdam na dulot ng full blast aircon ko.
"Yan..." ang kulit niya.
Ano bang kailangan niya? Umupo ako at tinignan ang oras, ugh! It's just 7 am!
Sabado naman at walang klase! Ano ba yan, Yana.
"what!? You forgot right?! MARA, TONIGHT's THE CONCERT! stop sleeing! We need to prepa-"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi niya. Oh no! Ngayon pala yun! Ugh! I got too busy at school at nakalimutan ko!
"ohmo!" Napahawak ako sa ulo ko at mabilis na tumakbo papunta ng banyo atsaka naghilamos. Nag-toothbrush na rin ako dahl for sure maraming kaming pag-uusapan ni Yana.
"You forgot!" Ani niya kaya napa-yuko nalang ako. I did.
"Hays, we have to go, fix yourself na. We have to get there na." Sabi niya kaya pumasok na ako sa closet ko at nag-bihis. I wore a plain white sweater at saka fitted black jeans na pinares ko sa aking ultimate na favorite puma-shoes na dalawang buwan ko ring inintay dahil ang tagal ng shipment. Yana also wore comfortable clothes, a simple pink sweater at black jeans at ang sapatos niyang kagaya ng sa akin.
"Ready?" bungad na tanong ni Athan. Well, aside from Yana and I, Athan and Andrei are also ultimate fanboys. Halos sabay kaming mag-sigawan pag may bagong award yung faves namin. Kaya eto, ready na rin sila.
"Yup!" Sabay pa kaming sumagot ni Yana. We are really excited, sa MOA gaganapin ang Solo-Concert ng Faborite KPOP Group namin kaya mabuti nang maaga.
"Wait! Did the both of you brought extra clothes?" Andrei asked kaya natigilan kami. Oo nga pala! Kaya mabilis pa sa alas kwatro ay bumalik kami ni Yana at kumuha ng extra shirts.
"Okay, aja!" Athan hissed and we're off to go.
PAG DATING namin sa venue ay marami-rami na rin ang tao, pero di muna kami pumasok dahil maaga pa naman. Luckily, Andrei got backstage pass. Kung paano? Si Kuya Aire na ang tanungin.
4 PM nang nag-pasya kaming pumasok na sa venue. Marami nang tao kaya pumwesto na kami ni Yana, katabi ko si Andrei sa left side ko habang si Yana sa right side ko, tapos katabi naman niya si Athan. Bale napa-gitnaan nila kaming dalawa. Well, what do I expect? A Samaniego will always be a Samaniego.
Inayos ko ang mga gamit ko. Yung lightstick at cellphone ko pati monopad na nung mga nakaraang araw ko pa hinanda. Pati ang power banks ko na fully charged talaga.
"Ands, kailan tayo pwedeng pumunta sa back-stage?" I asked Andrei.
"Mamaya na. Here, hawakan mo." inabot na niya sakin ang cellphone kong ready na.
WAAH! I'm excited?!!
AN HOUR passed at heto na kami, nakikisabay sa kanta. Naiiyak ako kahit hindi naman ito ang unang beses kong naka-panood ng concert nila. Tinaas-taas ko pa ang lightstick na hawak ko habang kumakanta. Ganun din si Yana at lalo na si Athan na mukhang umiiyak na talaga habang si Andrei eto, chill lang. Unlike our very first concert, umiyak kami apat nun, pinagalitan pa kami ni kuya Zander kasi di raw siya maka-relate. Sumama kasi siya nun and the only thing he said was that the seven boys danced great.
"JOONIE! "
"JINJI!"
"AGUST!"
"HOBIE!"
"JIMINIE!"
"BWII!"
"JK!!"Sigawan ng mga fans kaya naki-sigaw na rin ak-kami. This is so fun. I focused my cam on JK habang kinakanta niya ang line niya sa I Need You, he is so handsome and he is so talented! Kaya idol na idol ko siya eh!
