Him 17: Detention

383 6 0
                                    

MARA's POV

Detention.

For the first time in my entire school life ay ngayon pa lang ako napunta sa lugar na to. Same as this is also the very first time na nasangkot ako sa gulo dahil lumalayo talaga ako dun.

Pero ngayon, andito ako. Nakaupo sa isang sulok ng kwartong hindi ko pinangarap na mapuntahan.

Napalinga-linga ako nang may narinig akong sumitsit.

Ano yun?

"Miss? Bakit ka nandito?" Gumapang ang takot sa dibdib ko dahil doon. Sa pagkakaalam ko, mga pasaway ang napupunta sa lugar na ito kaya baka awayin niya ako.

"Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan. Baka ma-bored ka kasi. Mukhang first time mo dito eh." Sabi pa niya atsaka sumubsob sa mesa niya.

Na-guilty naman ako. Masyado akong naging judgemental.

"Sorry." I stated kaya napalingon ulit siya sa akin. Kaming dalawa lang dito pero ayos na rin. Mas nakaka-ilang kung marami tapos wala akong kakilala.

"Okay lang." sabi niya atsaka sumubs.ob uli.

Katahimikan.

Naka-upo lang ako habang pinagsisisihan ang nagawa ko kanina nang biglang bumukas ang pinto.

"Silvestre Fuentabella, lumabas ka na." Sabi nang isang babae tsaka tumayo yung lalaking kumausap sakin kanina.

Silvestre Fuentabella?

"Sabi nang Silver nalang eh."

"Umayos ka. Pag na-detention ka ulit, isusumbong kita kay tita!" Sabi nung babae tsaka umalis.

"Pano ba yan, miss. Mauna na ako. Nga pala, Silver Fuentabella."

"M-Maria Agatha Fuentes." pakilala ko atsaka ko nakita ang pag-ngiti niya. Cute.

Umalis na rin si Silver kaya eto, naiwan akong mag-isa.

Boring dito sa detention. Walang libro. Walang kahit ano. Mga upuan lang na nakaayos. Yun lang.

Napabuntong hininga nalang ako.

Siguradong madi-disappoint si Tita Clau sa akin kasi na-detention ako. Si Kuya Mau naman never yun na-detention eh. Oo, baliw siya pero di humahantong sa ganito.

"So, totoo pala talagang na-detention ka?" Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon.

Tama ba ang pagkakarinig ko?

Posible kayang...

"Timothy?" Takang tanong ko nang makita ko siyang nakatayo sa pinto.

Andito nga siya.

"Yup, pero sandali lang ako. May hahabulin kasi akong klase. Kakamustahin lang sana kita. Ayos ka lang ba? Gusto mo tawagin ko kuya mo para palabasin ka dito?"

Para akong preso. Yun ang pakiramdam ko pero ewan ko ba pero natatawa ako. Kasi naman, masyadong over reacting si Tim, para namang hindi na ako makakalabas dito.

"Wag na. Ayos lang ako. Salamat sa pag-aalala. Sige, umalis ka na. Goodluck!" I tried to give him a sweet smile.

I don't mean to be rude.

Ayaw ko nga sanang umalis siya kasi natatakot ako dito eh pero naalala ko ang dahilan kung bakit ako napunta dito.

Ayaw ko na munang maalala ang nangyari.

"O-Okay. Sige. A-Alis na ako, Agatha." mukhang nabigla rin ata sya sa tinuran ko kaya nag-aalangan pa siyang umalis pero sa huli ay umalis rin siya.

SS3: In Love with a SamaniegoWhere stories live. Discover now